Chapter 12

4.8K 192 94
                                    


Kanina pa ako tinatanong ng mga kaibigan ko kung anong nangyare ngunit nanatili lamang akong tahimik at hindi sila pinapansin. Nasaan na si Lux? Bakit umalis siya? Hindi pa nga ako nakakapagpasalamat tapos umalis na siya.

"Hoy princess! Nakikinig kaba? Uuwi na tayo dahil may sugat ka! Jusko ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo at nangyare yan?" sermon ni Liam na kinanguso kona lng. Salamat sa concern nila pero malayo nga naman ito sa bituka tulad ng sinabi ni Lux.

"Princess si Lux oh!"

Agad naman na napukaw ang atensiyon ko ng bigla iyong sinabi ni Red. Nasaan? Shit! Magpapasalamat lng ako!

Nilibot ko ang tingin sa paligid pero wala akong Lux na nakita. Tangina? Tiningnan ko lng ng masama si Red.

"Hinahanap mo?" nakangising tanong niya.

"Wala na kami bro, pero pasalamat parin ako sa kanya dahil sa kahit kaunting panahon I was genuinely happy. Tumingin ka sa'king mga mata~" pang aasar din ni Liam na kinatawa lng ng iba habang ako ay asar na asar na at gusto ng manapak.

Inalalayan nila akong makasakay sa kotse at si Red na lng ang nagmaneho habang ako ay tulala pa din at iniisip ang nangyare.

Pagkarating sa bahay ay nanatili na lamang ako sa aking kwarto at tinitigan ang aking sugat sa dalawa kong tuhod. Hindi naman iyon malaki at gasgas lng. Actually kaya ko naman pala maglakad, ako lng tong feelingera at umaakto na hindi makalakad. Tangina grabe kana Sabrina!

Tatayo na sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko. Hindi ko sana iyon papansinin dahil baka gaya lng ito ng kanina na tumawag saakin na akala ko ay si Vico tas hindi naman pala.

Pero hindi naman na siguro ito yung kanina diba dahil blinocked kona yung number niya! Unless bumili siya ng bagong sim at natandaan niya ang number ko. Who the hell is this stalker?

Hindi kona lng kinuha iyon at pumunta sa c.r para magbabad sa bath tub. Pero paano yung band aid na nilagay ni Lux? Napairap na lng ako sa kawalan at nagdesisyon na lamang na maghilamos at magpalit ng pang tulog.

After doing my skin care routine ay tiningnan ko ang cellphone ko at laking gulat ko ng makita ang 20 missed calls ni Vico. The hell! Si Vico pala ang tumatawag? Ano na naman kaya ang chismis nito at nakailang tawag saakin.

Tinawagan ko si Vico na agad niya naming sinagot. Lagot! Baka kanina pa ito naiinis dahil sa hindi ko pagsagot ng tawag niya.

"Hey! Spill the tea na agad!" sabi ko at narinig ang buntong hininga niya.

"What the hell! Kanina pa ako tumatawag sayo gaga! Bakit antagal mo sagutin?" aniya.

"Sorry akala ko kasi stalker eh!"

"Nandito kami sa labas ng bahay mo gaga! Kanina pa kami doorbell ng doorbell tas wala man lng bumubukas. Wala ba kayong maids?"

Pinagloloko ba ako nito or ano! Akala niya naman ay maniniwala ako sakaniya na nandito siya sa Pilipinas. At anong kami? So, it means na may kasama siya? Sino naman kaya? Si Apollo ba? Tangina balak ba nilang gawing motel tong bahay namin?

"Kumain kana ba Vico? Baka gutom lng yan. May kwento sana ako kaso inaantok na ako. Bye!" sabi ko at binabaan na ng tawag si Vico.

Napangisi na lng ako sa ginawa ko at nahiga. Tangina natatawa ako! Kilalang kilala kona siya! Isa ding prankster to si Vico eh kaya minsan ang hirap paniwalaan.

Kinabukasan

Maaga akong nagising at nagprepare ng breakfast. Wala kaming maids dahil nasa bakasyon sila, kaya ko naman na asikasuhin ang sarili ko and besides mas maganda na mag isa lng ako dito sa bahay.

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon