Chapter 2

5.9K 198 4
                                    


Pagkatapos ng ilang minutong pagtakbo ay tumigil ako at hinihingal na napahawak sa isang poste.

What the heck?! Bakit ako tumakbo? Agad kong ginulo ang buhok ko at tiningnan ang layo ng natakbo ko. Ang layo pala as in. Di kona makita kung nasan yung bar at di ko din alam kung nasaan na ako.

Napahawak ako sa paa ko ng maramdaman na kumirot  iyon dahil sa pagtakbo ko. Inalis ko ang heels ko at tiningnan kung may sugat ba at di nga ako nagkamali dahil nagdurugo iyon. Shit!

Napailing ako sa kabaliwan na ginawa ko at tiningnan ang paligid. Oh nasa isa akong park. Ang ganda naman dito! Perfect kung gusto mo mag isa. Naghanap ako ng isang bench at naupo dun para magpahinga dahil maya maya lng ay uuwi na din ako. Siguro naman may taxi ma dumadaan dito?

Umihip ang malamig na hangin at bigla akong napayakap sa sarili ko dahil sa suot ko palang damit. I just heave a sigh and stare at the stars. Kahit na nag iisa ako ay isinawalang bahala ko iyon at hinayaang dalhin na naman ulit sa nakaraan .

Hanggang throwback na lng siguro ako?

***

"Hoy Hello kitty!" sabi ko habang umuupo sa kama ko.

Tuwing tapos na ang klase namin ay lagi tong nasa condo ko kahit na magkaharap lng naman yung sakanya tas saakin. Kakatapos ko lng gumawa ng assignments ko habang ito namang si Lux ay busy manuod ng kung ano sa cellphone niya.

Minsan nabibigla na lng ako kasi bigla siyang sisigaw tas magtatakip ng unan. Parang ewan lng diba! Ngayon naman di niya ako pinapansin. Aba mas importante ba yan kaysa saakin?! Napairap na lng ako at sinilip ang pinapanuod niya.

Ahh k-drama! Wow nanunuod pala ang Hello Kitty na to ng k-drama! Pft akala ko porn pinapanuod eh. Makikinuod din sana ako, kidding!

Kinuha ko yung phone niya at tinago sa likod ko.

"A-no ba!?Ba't mo kinuha?" galit niyang sabi.

Tinitigan ko lng siya .

Teka! Bakit parang umiiyak to?! Anong nangyare?

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Umiwas lng siya ng tingin at di na ako pinansin. Nagtakip lng siya ng unan at tumalikod saakin. Wtf?!Ano to?! Anong nangyayare? Attitude! Tinalo pa ako! Tangina.

Di kona lng siya pinansin at nahiga na din para matulog dahil maaga pa kami bukas. Bahala siya sa buhay niya!

Nakapikit na ang mga mata ko ng maramdaman kong inaamoy niya ang buhok ko.

"I'm sorry." sabi niya. Pagkasabi niya nun ay humarap ako sakanya at sinapak siya.

"Ano ba kasing nangyare sayo kanina?" tanong ko dahil di ko alam kung bakit siya nagkaganun? Dahil ba sa cellphone?

Ngumuso lng siya at umiwas ng tingin.

"Di mo ako sasagutin?!" kunyareng galit kong tanong. Ayaw niya kasi talagang sumagot eh!

"I was watching a k-drama." sabi niya na parang nahihiya. Napahalakhak naman ako sa sinabi niya.

"Umiiyak ka dahil sa napanuod mong k-drama?! Myghad Lux!" natatawa kong sabi. Tumalikod lng siya saakin at di na naman ako pinansin.

"Sorry na, di na kita aasarin!" sabi ko habang yinayakap siya habang nakatalikod. Damn, cringe!

"Lux!" tawag ko pero di pa rin siya humaharap.

"Baby! Isa, di ka talaga haharap?!" may pagbabanta kong sabi at ang gago ay di man lng humarap.

"Dalawa, tatlo, apat." sabi niya na animoy nakikipagbiruan ako.

Di kona lng siya pinansin at nagtakip ng kumot. Bahala na talaga siya sa buhay niya! Lagi kaming ganito ni Lux eh pero lagi naman kaming nagkakabati. Di niya daw ako kayang tiisin! Ako din naman minsan. Di pa naman ako marunong sumuyo.

Naramdaman kong tumayo siya at umalis ng kama. Napabuntong hininga na lng ako at tumayo na din para sundan siya. Nakita kong sa sofa siya matutulog dahil sa mga dala niyang unan.

What the hell is he thinking? Napapailing na lng ako habang linalapitan siya.

"Wag ka na diyan! Dun ka sa unit mo matulog!" seryoso kong sabi habang di siya tinitingnan. Magkaharap lng naman kasi ang unit namin tapos hindi siya diyan makakatulog. Ang likot pa naman matulog ng isang to!

Iniwan niya lng ang unan dun at nagdadabog na umalis. Ewan ko ba sa lalakeng to! Minsan naiinis na lng talaga ako.

Nakatayo lng ako dun ng ilang minuto ng bigla siyang bumalik. Alam niya kasi password ko.

"May nakalimutan ka?" tanong ko. Tiningnan niya lng ako at umirap.

Oh kita niyo na! Baka bakla ang lalakeng to! Nako hindi naman siguro diba?

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry! Nadala lng siguro ako sa pinapanuod ko kaninang k-drama! Fvck that! Pinaiyak ako!" sabi niya. Napangiti ako ng patago sa sinabi niya.

"Are you still mad at me? Say something! I'm sorry."

Humiwalay lng ako ng yakap at kinurot ang pisngi niya.

"Tanggap kita, aminin mona kasi." sabi ko habang nakangisi sakaniya. Tinaasan niya lng ako ng kilay.

"What do you mean?" nakataas kilay na tanong niya.

"That you're a gay." sabi ko at tinaasan din siya ng kilay! Di ako papatalo!

"Are you serious about that?"

Siya naman yung ngumisi at bago pa ako makapagsalita ay bigla niya akong hinalikan. Fudge!

"May bakla ba na nanghahalik ng babae?" tanong niya.

Ngumuso lng ako.

"Meron."

"Sino?" tanong niya habang tinititigan ako.

"Ikaw!" sagot ko at humagalpak ng tawa. Nung tingnan ko ang reaksiyon niya ay nagulat ako ng bigla niya akong binuhat nang pang bride style.

"Ano ba Lux! Ibaba mo nga ako!" nahihiya kong sabi. Shit! Parang ewan talaga ang lalakeng to!

"I will prove it to you now." sabi niya at ngumisi siya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? What does he mean by that? Fudge! Hindi! Hindi pwede! Bata pa kami!

Nung ihiga niya ako sa kama ay tinitigan niya lng ako ng seryoso. Well, he always do that naman pero nakakakaba pa din.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Do you love gays?" tanong niya. Kahit naman na wala akong kaibigan na bakla. Pero dati pa talaga, gusto kona magkaroon ng baklang kaibigan.

Tumango ako kahit na medyo kinakabahan. Grabe na kasi yung naiisip ko! Tangina!

"Then i'm willing to be a gay just for you kahit na di naman talaga!" sabi niya.

Ngumiti ako.

"Talaga? Lagyan kita ng make-up sa sunod? Ayos ba?" tanong ko. Ngumuso lng siya at inirapan ako.

"If yan ang makapapag pasaya sayo mare then im willing to do it." aniya sa babaeng boses.

Tumawa lng ako dahil hindi pala bagay sakaniya ang maging bakla! Tangina.

"What are you thinking? Parang may binabalak kana naman ha." sabi niya ng mapansin ang ngisi ko.

"I love you!"

Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi.

"I love you too, baby!"

***

End of Chapter 2~

Happy reading my Owwlettes:>

Lovelots<3

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon