Kanina pa tahimik si Lux, hindi niya man lang ako pinapansin simula ng pag-uusap namin. Feeling ko ay galit siya dahil nagkiss kami ni Yuri. Alam ko naman na mali yung nangyare pero ano paba ang magagawa ko eh nangyare na. Nakakainis talaga si Yuri, kung hindi sana siya sumama papunta dito sa Pilipinas eh di sana hindi ko nalaman at hindi din nalaman ni Lux."Look I'm sorry ok, hindi ko talaga alam kung paano nangyare iyon. Yuri just appeared saying na we kissed and told me na he likes me. But never kaming nagkaroon ng relasyon, I swear to God!" explain ko sakaniya.
Tiningnan niya lang ako. Oh God buti naman at tiningnan niya ako, kanina pa ako nakatingin sakaniya pero hindi niya man lang ako tinitingnan.
"I just remembered what he said to me. Alam moba kung bakit ko siya sinuntok nung araw na yun??" tanong niya na ikinataka ko. What?? I can't remember it!
"Ha? Hatdog ka." Gago hindi ko maalala, ganito naba talaga pag tumatanda at nagiging makakalimutin na??
"What?? Hindi moba maalala??" he asked while nakakunot ang noo. He's so cute!
"Hindi eh..." Sa dami ba naman ng iniisip ko syempre hindi kona maalala kung ano yung mga nangyare. Pero teka nga, sinuntok niya si Yuri??
Omg! Naalala kona!! Yung time na nagpaulan ako gago buti naalala ko!
"Naalala kona! Bakit mo nga ba siya sinuntok nun??"
"Because he told me that your lips is very soft and addicting, and he also told me na nagkaroon kayo ng relasyon." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Tangina seryoso ba siya?? Kami ni Yuri?? Nagkaroon ng relasyon?? Sinong niloko niya?? At naniwala naman si Lux??
"Baliw kaba, hindi kami nagkaroon ng relasyon!! Tangina niya malalagot siya sa akin, tingnan natin kung hindi pa siya babalik sa New York!!" inis kong sabi at tumingin na lang sa bintana.
"If you say so, syempre mas papaniwalaan kita kaysa sa gago na yun."
"Ano bang ginawa mo kanina?? Grabe naman kung inabot ka ng ilang oras kakabili ng bulaklak?? Tapos hindi mo naman pala ibibigay sa akin." Nagtatampo kong sabi dahil kanina pa ako napapaisip kung ano ba ang nangyare sakaniya kanina.
"May iniimbestigahan lang ako baby. You're right about earlier, hindi lang si Bea ang gustong manggulo sa atin. Malapit kona malaman kung sino ang kasabwat ng baliw na yun." sagot niya.
Did he just call me baby?? Grabe naman ang isang 'to mangbigla. Baliw kaba Sabrina, malamang cs niyo yan diba! Napapailing na lang ako sa naiisip ko.
"Do you have an idea ba kung sino??" curious kong tanong. Apat na taon na ang nakalipas at hindi ko alam kung sino ang pwedeng gumawa nito sa amin bukod kay Bea?? And it's a girl for pete sake!! Patay na si Kian at ang mga alagad niya.
Bigla ko tuloy naalala si Adrian. I wanted to visit him and Adrianna.
"I have, but I can't tell you yet. I wanted to make sure if siya ba talaga. Just be careful because she's just playing with us." aniya na kinakaba ko lang. Why do I have a feeling na it's really Gracia??
"Btw, saan tayo pupunta??" tanong ko dahil hindi naman ito papunta sa bahay namin or sa bahay nila.
"We need to grocery for our foods tomorrow." sagot niya na animoy may binabalak siya at dapat ay hindi na ako magtanong.
Wala naba mas ikakagulat ang araw na ito?? Saan ba kami pupunta bukas?? May trabaho ako bukas eh, nahihibang naba siya. I tried to asked him pero hindi niya man lang sinasagot ang mga tanong ko. What a day!!
Pagkababa namin ay hinila niya ako papasok sa loob ng Mall nila, tangina para kaming ewan dahil sa paghila niya sa akin.
"Lux ano ba!! Saan ba talaga tayo pupunta?? Tangina wala ba akong karapatan para malaman kung saan tayo pupunta bukas??! At isa pa may trabaho ako bukas!! Gago ka talaga!" naiinis kong sigaw habang nagpupumiglas. Mas lalo tuloy kaming pinatinginan ng mga tao dahil sa sigaw ko. Tangina nila wala akong pake sakanila, mga chismosa!
Agad niya naman akong binitawan at tiningnan ako. Tiningnan ko lang siya ng masama. Akala niya ba nakakatuwa yung ginagawa niya, kanina pa ako naiinis pero hinahabaan kona lang ang pasensiya ko.
"Open your phone and read the goddamn message of Demi."
Hindi ko sinunod ang sinabi niya at umiwas ng tingin. Ano naman ang kinalaman ni Demi dito?? Pati kapatid niya dinadamay niya pa tsk.
"So you're not gonna do it? Ok fine, ako na lang ang magbabasa para sa iyo." I can feel na medyo naiinis na din siya sa akin. Well, bahala siya diyan!
Hinablot niya sa akin ang cellphone ko at tiningnan niya muna iyon ng mga 5 minutes siguro bago nagsalita.
"Why did you changed your wallpaper??" tanong niya habang kinakalikot ang cellphone ko. Tanda niya paba ang password ko?? Hindi ko naman kase iyon pinalitan kaya mabubuksan niya talaga iyon, syempre dapat tanda niya pass ko. Hindi din naman ako nagbago ng phone, I still keep my old phone kahit na ilang taon na ang nakalipas. Vico gave me a new phone but hindi ko naman iyon masiyadong nagagamit.
I changed my wallpaper nung time na nakita niya yun kase I thought na we will not be together again. Pinalitan ko lang naman iyong ng pic ko. Papalitan kona naman wallpaper ko hays pero saka na lang siguro pag may new pic na kami.
"Hello Sabby!! I just want to say na bukas na tayo pupunta ng Palawan if it's ok with you hehe. Don't worry ok na lahat, I already booked our flight and ready to go na bukas. Pack your things na lang and magkita kita na lang tayo sa airport hihi. See yah!"
Muntik na akong matawa sa pagkakabasa niya. Pota sinasadya niya ba?! Eh kase naman yung boses niya parang ewan tangina sarap hambalusin. Nagboses babae pa talaga siya habang binabasa yon. Inirapan ko lang siya at kinuha ang phone ko at binasa ang message ni Demi.
Nanlaki lang ang mata ko habang binabasa ang message ni Demi. Hindi kase agad nagsink in sa akin nung binasa ni Lux kaya naman binasa ko ulit.
Palawan?? Seryoso ba 'tong nababasa ko?? Bukas?? Tangina bakit bukas agad?!!
"Bakit ngayon mo lang sinabi?? Gago anong oras na oh!! Hindi pa ako nakakapagprepare ng gamit ko para bukas! Dapat hindi mo na ako sinama mag grocery punyeta." sermon ko sakaniya habang siya ay napakamot na lang sa ulo niya.
"It's not my goddamn fault kung bigla bigla na lang magsasabi yung kapatid ko na may outing pala bukas. Kakasend niya lang din ng message niya kanina nung nagd-drive ako---" Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at hinila kona siya para makapag grocery na kami.
Tangina hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa mga nangyayare. Ano ba ang naisip ni Demi at bukas niya naisipang pumunta ng Palawan?? Tangina si Vico nga pala!! Hindi ko alam kung alam ba niya na pupunta kami ng Palawa bukas.
Tapos na kaming mamili ni Lux at nagbabayad na lang siya sa may counter habang ako ay tinatawagan ko si Vico.
"Oh hello? Baket?? Busy ako mag impake para bukas bruha ka!! Hindi mo man lang ako ininform na may outing pala bukas!" bulyaw niya na ikinatingin ng mga customers sa akin dahil naka speaker yung tawag. Kahit kailan talaga hetong si Vico!!
"Duh ngayon ko nga lang din nalaman!! Sino ba nagsabi sayo??"
"Syempre marami akong connections bitch, sa gandang kong 'to malamang marami nagkakandarapa sa akin." Napahagalpak na lang ako sa tawa at magsasalita na sana ako ng bigla akong binabaan ng tawag ni Vico! Napaka attitude talaga kahit kailan!
Nagulat na lang ako ng makita na nasa harap kona si Lux. He's just looking at me with a curious face. Nagtataka siguro kung bakit ako tumatawa.
"Are you crazy?? Kanina kapa tawa ng tawa diyan, halika na at mag iimpake kapa." Aniya at hinawakan ang kamay ko.
Sus gusto lang makipag holding hands ng isang 'to eh! Wala eh tanggal na naman tuloy angas ko. Pero yung flowers ko di niya pa binibigay!!
End of Chapter 27~
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
Teen FictionSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...