Iyak lng ako ng iyak habang nasa loob ng kotse. Crying is good for the soul, kaya I need to let it out. Ayokong kimkimin dahil hindi ko kaya.I want to shout! Gusto kong magpakalasing ngayon! He just want us to be friends for pete sake! Pero ok na yun diba? At least friends kami! Hindi yung stranger na lng sa isa't isa dahil mag ex na lng kami. Is this what they called closure? Fvck I hate this! I don't need this closure!
Maya maya lng ay tumahan na ako at nagdrive na pauwi ng bahay.
I was driving when I notice this black car. Tangina! Kung ano mang balak mo gawin mo na! Kung balak mokong kidnappin then do it! I just want to escape.
Pagkarating sa bahay ay wala na yung kotse. Mahina! Akala kopa naman ay may balak na masama saakin. Wala nang masiyadong tao kaya kung sumigaw man ako ay walang tutulong saakin.
Pagkapasok ay hindi na ako nabigla na tulog na silang lahat. Panigurado ay tulog mantika na iyon si Vico at baka nga ay nag we-wet dreams na kay Apollo.
Hindi na ako nakapagbihis pa at agad ng nahiga sa kama. Baka ay malate pa ako bukas shit, 2nd day kopa lng bukas sa trabaho pero parang ayoko na pumasok. I just want to go back in New York and stay there for good.
Kinabukasan
"Hoy gaga! Gumising kana! Tangina late kana!"
"Gaga gusto mo bang buhusan kita ng tubig diyan para magising kana ha! Alam kong naririnig mo ako!"
Nakasimangot akong bumangon at tiningnan ng masama si Vico na may dala dala ng balde ng tubig. Ang sama talaga ng baklang to saakin! Tangina paano kung hindi ako bumangon diba! Siguradong nangingisay na ako diyan dahil sa lamig ng tubig. Umuulan pa naman ngayon kaya paniguradong malamig ang tubig.
"Fvck you ka talaga Vico!" inis kong sabi at tiningnan ang orasan.
Fudge! Magtatanghali na!
"Bakit ngayon mo lng ako ginising? Gago! 8 AM ang pasok ko tapos mag a-alas onse na! Shit!" reklamo ko at nagdali daling pumunta sa c.r para maligo na.
Mabilisang ligo lng ang ginawa ko at kahit paghilod ay hindi kona nagawa dahil sa pagmamadali. Wala na si Vico paglabas ko, agad akong kumuha ng isang fitted dress at isang coat sa aking closet. Heto na lng ang susuotin ko! Ok lng naman siguro ito, formal din naman na tingnan.
Pagkababa ay naabutan kong busy magprepare ng pagkain si Vico. Nakakatouch naman pero wala na akong time para kumain.
"Hey alis na ako!" paalam ko.
"Hindi kaba kakain? Oh sige wag kana kumain dahil hindi naman talaga ito para sayo." aniya at ngumiti na parang baliw.
What the hell? Akala ko ay para saakin ang mga pagkain na iyon!
"At para kanino naman iyan aber?"
"Pupunta dito si Kevin and Ford! I invited them kaya heto at nagpiprepare na ako" Kinikilig niyang sabi.
Makapag invite akala mo naman sakaniya tong bahay! Ang landi! Isumbong ko kaya to kay Apollo niya!
"Wait! Kanina kopa pansin yang mata mo! Namamaga! Gaga! What happened to you? Broken kana naman kay fafa Lux?" usisa niya habang nilalapitan ako.
Inirapan ko lng siya. So, halata pala na maga ang mata ko. I should wear shades! Pero shit nakakahiya naman dahil umuulan tapos nakashades ako! Akala ko ay hindi na halata to kasi kinapalan kona yung make up ko pero useless pa din naman pala.
"Inom tayo pag uwi ko!"
Umalis na ako at binilisan na lamang ang pagdrive. Buti na lng at wala masiyadong traffic ngayon! Buti na lng din talaga at wala si Lux ngayon kase wala naman kaming meeting!
Pagkadating ay napansin kong walang masiyadong tao sa lobby. Nung tingnan ko ang orasan sa may lobby ay namilog ang mata ko ng makita na lunch break na. Tangina!
Nag hintay pa ako ng ilang minuto bago nagbukas ang elevator. Agad na nalaglag ang panga ko at kumirot ang aking puso ng makita si Lux at Gracia. Nakakapit pa si Gracia sa braso ni Lux na akala mo naman ay jowa niya.
Nagkatinginan lng kami ni Lux at iiwas sana ako ng tingin ng makitang nakangiti siya sakin. Oh great! Friends na lng pala kami. I should he nice to him because we're friends now. But how can I do that? If ayoko namang friends lng kami.
Hindi kona lng siya tiningnan kahit na nakangiti siya sakin. Good for him, nakamove on na siya kaya wala na lng ito para sakaniya.
Pagkarating sa aking office ay natulala na muna ako ng ilang minuto habang nakaupo. Iniisip ko pa din yung nakita ko kanina, hindi maalis sa aking isipan yung higpit ng kapit ni Gracia sa braso ni Lux.
Hindi na ako nakapagtanghalian dahil wala ako sa mood ngayon kumain. Siguro ay pag uwi na lamang. Hindi din pala ako nakapag breakfast kanina pero hindi ko naman maramdaman ang gutom.
Nagfocus na lamang ako sa mga paperworks na dapat kagabi kopa natapos kung hindi lng nagyaya si Lux na kumain sa labas.
Kainis! Bakit naiimagine ko ang mukha ni Gracia habang nakangisi saakin at nilalandi si Lux. Sarap sabunutan ng babaeng yun! Pero syempre I wouldn't do that. Hindi ko ugaling makipag away sa kapwa babae just because of a guy. Pero kung si Lux iyon ay syempre oo kahit magpatayan pa kami ay ok lng, hindi ako papatalo! Napailing na lng ako sa mga naiisip ko. Ganun pala ako kabaliw sakaniya. Nakakatakot!
After an hours of working ay dumidilim na and medyo sumasakit na ang ulo ko dahil sa gutom. Kailangan kong bumawi ngayon at marami pa akong tatapusin. I need a coffee! Kaya naman nagdesisyon ako na umalis muna at pumunta sa Mcdonalds. Iyon ang pinakamalapit na fast food kaya doon na lng ako kakain.
Mag drive thru sana ako kaso ay mas maganda kung dun na lng ako kakain para di hassle. Bibilisan kona lng siguro.
Pagkapasok ay agad akong napasimangot dahil sa music na bumungad saakin. It was a song of Olivia Rodrigo na Happier ata ang title. I'm kinda relate to the song!
I hope he's happy with Gracia but not like how he's happy when we're still together. Yes, I'm selfish and still hadn't moved on. Kaya ang sakit na makita siyang may kasamang iba. Ang sakit nung part na sinabi niya na we should just stay as friends. Ayokong manggulo, dahil hindi naman ako ganoon. Acceptance is the key for this fvcking situation pero ang hirap.
I know na mahirap gawin but I guess it's the bravest thing to do of a person and that is to let go. Some people will belong to our heart but not in our life. It's scary, it will hurt so much, but I know someday, I'll look back and realize that it was the best thing that I ever did.
I should give up now, and just be happy for him. I smiled bitterly while thinking how happy he is right now.
End of Chapter 17~
Awts:((
See yah on next chap! Lovelots<3
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
Teen FictionSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...