Chapter 15

5.2K 206 127
                                    


Kinabukasan ay late na akong nagising dahil nagchismisan pa kami ni Vico kagabi. At ang gaga ay inaya pa akong uminom para daw mawala yung bigat ng nararamdaman ko.

Mabuti na lng at kaunti lng ang nainom ko kagabi dahil kung hindi ay paniguradong hindi pa ako gising ngayon.

Pagkaligo ay nagbihis na ako. I'm just wearing a pencil skirt and a shawl collar blazer na may sleeveless sa ilalim. Lagpas tuhod ang skirt ko and kung tutuwad ako ay siguradong masisilipan na ako. Tangina hindi dapat ito ang skirt na susuotin ko pero si Vico ay masiyadong mapilit at ito ang ipinapasuot saakin. Malay ko daw at baka ay may gwapo akong makasalubong.

Hindi ko alam kung gusto ba ni Vico na magkabalikan kami ni Lux or maghanap na lng ako ng iba.

I put some light make-up din and I'm done! Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang excitement saakin. I'm wondering kung magiging masungit ba akong boss or yung friendly type. Sabi ni Vico dapat daw yung masungit para daw matakot saakin yung mga employees. I kinda like the idea!

Pagkababa ay hindi ko nakita si Vico. Siguro ay tulog pa ang bakla dahil maraming nainom iyon. Mabuti na lng talaga at wala na si Yuri dito sa bahay. Naghotel na lng ang gago dahil no choice naman siya.

Hindi na ako kumain dahil baka ay malate pa ako.

After a minutes of driving ay nandito na ako. Mabuti na lng at hindi masiyadong traffic ngayon.

Binati ako ng guard pagkapasok ko at medyo nakakagulat dahil yung mga empleyado ay nakahilera at sabay-sabay na yumuko at bumati saakin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko kaya ngumiti na lng ako at binati din sila.

After that ay sumakay na ako ng elevator dahil nasa pinakataas na floor ang office ko. I'm excited to see my office! I'm thinking nga kung anong magandang design ba ang pwede sa office ko. Gusto ko sana ng Spongebob kaso ayaw ni Mommy!

Nasaan na kaya ang secretary ko?

Ilang minuto din ang tinagal ko sa elevator at saktong pagbukas nun ay sakto ding nagtama ang mga mata namin ni Lux. What the hell? Anong ginagawa niya dito? Shuta!

Nakatingin lng siya saakin ng seryoso habang ako ay nagtataka kung bakit nandito siya. Tatanungin ko sana siya kung anong ginagawa niya dito ng biglang may bumati saakin.

"Good morning ma'am!" bati ng isang babae na nasa tabi pala ni Lux. Hindi ko siya napansin kanina dahil nakafocus lng ang attention ko kay Lux kanina.

"I'm your secretary po ma'am. And Mr. Crux is here po for the first meeting niyo with the investors." Pero bakit nasa office ko siya! Hindi naman ito ang meeting room ah.

"I guess hindi ka uminom ng gamot kagabi so I bring some medicines. You should drink it first." aniya at saka ibinigay saakin ang isang paper bag.

Wait what? Paano niya nalaman na hindi ako uminom ng gamot kagabi? Hindi naman masama ang pakiramdam ko ngayon! Oh God mabuti na lng talaga at hindi.

Magpapasalamat pa sana ako ng sumakay na siya ng elevator at iniwan akong tulala. Bago magsara ang elevator ay nakita kong ngumisi siya! Aba anong nginingisi ngisi niya!

Napapailing na lng ako ng pumasok ako sa office. Naupo muna ako sa sofa at nilibot ng tingin ang office ko. Napangiti ako dahil nagustuhan ko ang pagkaka ayos nun at ng view. I guess hindi kona papalitan ang design ng office.

The view through the glass-wall window is so relaxing. Kitang kita ang mga matataas na building dito. For sure, lagi kong aabangan ang paglubog ng araw dito.

There were bunch of files on my table. Napabuntong hininga na lng ako. This will be my life starting from now.

And oo nga pala! May meeting ako today! It will be my first meeting with them and bakit kasama si Lux! Oh crap I forgot our parents are still business partnes despite of what happened to us.

Nagpadeliver na lng muna ako ng pagkain dahil ramdam kona nagugutom na ako.

Tiningnan ko ang paper bag na binigay saakin ni Lux kanina. Shit bakit ang rami naman ata nito! Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero heto at napakaraming paracetamol, neozep, at ibang gamot na binili ni Lux.

Ang lalakeng talagang yun! Akala niya naman ay sakitin akong tao! Siya yung sakitin hindi ako! Napangiwi na lng ako at itinabi na lng muna iyon.

Habang naghihintay sa food na ipadeliver ko ay nagsimula na akong magbasa ng ibang files and some of it ay pinirmahan kona.

I checked my email too and marami din na messages and files doon. Habang nagchecheck ako ng messages ay nagulat ako ng makita na may isang message si Lux doon. At first, hindi ko alam na siya iyon pero nung makita ko ang profile niya ay alam kong siya iyon. Hello kitty ang profile niya doon and natatawa ako sa name niya.

Hello kitty boy ang name niya doon and it's kinda ridiculous dahil hindi mo aakalain na si Lux Danielle pala iyon.

From: Hellokittyboy@gmail.com

You'll be having a meeting with me on your first day.

I check the date kung kailan niya iyon sinend and it was 2 days ago. Bakit ba ngayon ko lng inopen ang email account ko! Tangina.

Napangiti ako ng may maisip na isend sakaniya.

To: Hellokittyboy@gmail.com

Hey! Ngayon ko lng nabasa, thank you for reminding me. Btw, thank you for the medicines.

After a minutes ay dumating na ang order ko. Agad akong kumain dahil anong oras na at baka ay pumasok bigla ang secretary ko at sabihin na magsisimula na ang meeting.

After I ate my luch ay saktong pumasok na ang secretary ko para sabihin na ako na lng daw ang hinihintay. What the fvck! Akala ko ay hindi pa sila kumpleto! Nakakahiya naman!

I check myself first at the mirror at saka pumunta sa meeting room.

When I entered the room ay medyo nahiya ako pero hindi ko pinahalata. Nakapoker face lng ako at naupo na. Knowing na nandito si Lux ay mas lalo tuloy akong kinabahan! Nabasa niya na kaya ang message ko?

Nagsimula na silang idiscuss ang mga bagay bagay about the company. I'm trying to focus pero feeling ko kasi ay may nakatingin saakin. Nakakadistract lng!

Tumikhim ako at tiningnan si Lux. Nakatingin lng siya sa nagsasalita na parang bored na bored na siya. I thought he was staring at me! What a shame Sabrina! Masiyado ka talagang feelingera!

Pagkatapos ng meeting ay nagsimula na silang magsialisan habang ako ay magpapahuli na lng. Maraming napag diskusyunan and some of it ay kailangan kong basahin. I guess magpupuyat ako mamaya.

Tiningnan ko si Lux na busy sakaniyang cellphone habang nakangiti. Sino naman kaya ang katext niya?

Nakatayo lng ako doon habang hinihintay na umalis siya. Gusto kona sanang umalis kaso hindi ko alam kung bakit pa ako nakatayo dito at tinitingnan siya. Ang gago ay parang walang paki alam at hindi siguro niya napansin na nandito pa ako. Si Gracia ba ang katext niya?

Napairap na lng ako sa kawalan at aalis n asana ng biglang may nag notif sa cellphone ko. Naka on ang wifi ng phone ko at dahil dun kaya may nag notif na email. Namilog ang mata ko nung tingnan kung kanino galing iyon.

What the freaking hell! Galing iyon kay Lux! Tiningnan ko siya at nahuling nakatingin na din saakin habang nakangisi.

From: Hellokittyboy@gmail.com

Wala ng libre sa mundo ngayon, Sabrina. Just treat me on a dinner if it's ok with you.

I thought he's mad at me. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan itong si Lux. But it's a good idea tho, maybe this is the right time to tell him everything. No running away again Sabrina.

End of Chapter 15~

Lovelots<3

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon