Chapter 2.2

395 14 0
                                    

Nakahiga si Thia sa kama at nakabalot ng comforter. Pugto ang mga mata dahil sa halos isang oras na pag-iyak. Masakit na ang ulo niya at pati ang mga mata.

Nilingon niya si Seoff na tahimik na nakupo sa single sofa at nakatingin sa kanya. Bumangon siya at paupong sumandal sa headboard ng kama.

"What now, Seoff?" She asked still in broken voice.

"Are you asking about your father or the company?" Instead he asked.

"Both." She said and blew a breath. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

Hinawakan nito ang kamay niya at hinagkan ang likod ng palad. Napapikit si Thia. Hindi niya naiwasan na makaramdam ng kakaibang init. Init na parang proteksyon at gamot sa lahat ng sakit na nararamdaman niya noong oras na iyon. She still loves him. Walang nagbago sa kanya. Mula noon hanggang ngayon.

"Nagpapagaling ngayon ang daddy mo. He's not that well...but his fighting." Gustong umiyak ulit ni Thia pero napigilan iyon ng paghigpit ng hawak ng binata sa kamay niya.

"In terms of workforce. Don't worry. Kristin is doing her best. Nagtatrabaho siya para makahawak siya ng mataas na posisiyon. Your father still owns the 30 percent of the shares. Dugo at pawis ang puhunan ng daddy mo para maitaguyod ang lahat. Kung hindi lang siya nagkasakit, hindi niya bibitawan ang pamamahala. At gusto kong manatili iyon sa gano'n."

"So, you rule the company." Sabi niya na walang halong pangungutya.

"Well...mostly likely. But it is not easy, Thia. Ayokong mag-isa sa taas. I need someone to help me." saad nito na umiiling pa.

"And'yan naman si Kristin." Puno ng hinanakit niyang saad.

"Yeah. But-" Pagsang-ayon naman nito.

"I'm useless." Walang babalang lumabas iyon sa bibig niya dala ng pagseselos at insecurity. She withdrew her hands from and looked down.

"Hindi ko kayang magtrabaho sa kumpanya. Hindi ako marunong humawak ng mga tao. I can live with them but I cannot lead them." Paghihimutok niya.

"I'm not saying that you have to do office work. Kung hindi mo gusto, walang pipilit sa'yo. Iyon ang malaking pagkakamali ng daddy mo. Pinilit ka niyang itulad sa kanya. But you're the opposite. Mas gusto mo ang music, so be it." Nakakaunawang sagot nito.

"How can I help?" Sinserong niyang tanong. Nagpapasalamat siya at naiintindihan na siya si Seoff. Pero mas gusto niyang ayusin ang problema ng pamilya niya. Her dream can wait.

"There's an option. Pinag-usapan na namin ito ng daddy mo at..." He trailed off. "Pumayag naman siya. This is to protect the shares. Naisip lang niya na...baka hindi mo magustuhan. Kahit ako ayoko rin sana-"

"Seoff." She napped. "Ang dami mong sinasabi."

"Magpasakal tayo." Sabi nito. And Thia almost drop her jaw in shock.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon