Chapter 2.3

414 17 0
                                    

Sakay ng abuhing Jaguar ay binabaybay ni Thia ang daan patungo sa building ng AMG sa Mandaluyong. Tahimik niyang pinadadaanan ng tingin ang mga gusaling nagpapaligsahan ng taas.

Pupunta siya doon hindi upang puntahan si Seoff kundi upang gawin ang dapat ginagawa ng anak ni Edison Adriatico. Ang manahin ang nararapat na lugar niya sa kumpanya.

Ikinagulat niya ang sinabi ni Seoff sa kanya. How she wished she could marry him but not to his reasons. Hindi pera ang magiging dahilan niya upang magpakasal. Kaya tinanggihan niya ito. Sinabi niyang hindi solusyon ang pagpapakasal nila.

Nasasaktan siya sa nangyayari sa kanila ni Seoff. Mahal niya ito. Sigurado siya doon. Kaya nga nagawa niyang ibigay ang lahat dito. Even herself. Subalit ang pangyayari rin iyon ang dahilan kung bakit nila nilayuan ang isa't-isa. Pagkatapos ay bigla nitong sasabihing kailangan nilang magpakasal para lamang protektahan ang kayamanan nila. That's absurd. Patunay lamang iyon na walang siyang halaga sa binata.

Hindi ikinatuwa ni Seoff ang pagtanggi niya. Ipinilit nito na iyon ang pinakamaganda nilang option. Hindi niya maintindihan kung anong damdamin ang tila nabasa niya sa mga mata nito nang sabihin niyang ayaw niya. It must be sadness or joy. Hindi niya alam. Isa lamang ang alam niya. Ego lamang nito iyon dahil hindi ito sanay na tinatanggihan.

At dahil din sa ginawa niya ay nanumbalik ang dating turing nito sa kanya. He became cold eventually. Nawala ang lahat ng sweetness nito at galit na umalis ng Lou Room'd. She cried. Muli siyang nasaktan nito. Bakit ba kasi hindi na lang nito sabihing mahal siya nito at wala nang problema? Pakakasalan niya ito kahit na anong oras.

She then decided to take the job. Gagawin niya iyon para sa kanyang ama. Para makabawi siya sa lahat ng pagkukulang niya bilang anak. And nothing more.

Nakarating ang sasakyan niya sa building. Tumambad sa kanya ang eight-story building. Iyon ang corporate headquarters ng kumpanya. Doon ginaganap ang annual meetings ng BOD at mga stockholders. Pati na ang malakihang launch ng mga bagong produkto ng AMG.

Sa likod naman noon ay ang warehouse para sa alak na nanggagaling ng planta sa Isabela. She was never been there in fact. May kalayuan sa Hacienda Adriatico ang planta. Kaya hindi niya lubos na naiintindihan ang proseso ng pagagawa ng produkto nila.

Halos panabay silang bumaba ng driver. Ayaw niyang ipagbukas pa siya nito. She was not that special anyway.

"Good Morning, Ma'am Thia." bati ng guwardya sa kanya. Nagulat man ay hindi niya iyon ipinahalata. Ang akala niya ay hindi siya kilala nito. Ngumiti siya dito.

Pumasok siya sa loob ng building at bawat makasalubong niya ay bumabati sa kanya. Tango at ngiti na lamang nagawa ni Thia. Sa katunayan ay hindi siya sanay sa ganoong environment. Magmula sa utility hanggang sa receptionist ay hindi maaaring hindi ngumiti sa kanya.

Habang papalapit sa elevator ay sabay din na bumukas iyon at napatigil ang kanyang paghakbang dahil lumabas mula doon si Seoff.

Ganoon na lamang ang pagsikdo ng tibok ng puso niya sa sobrang kaba. One moment, the familiar heat went to her making her trembled.

Hindi na ito nagulat nang makita siya. He was dropped jaw gorgeous in his black three-piece business suit. May hawak itong folder na nakatiklop na tila binabasa pa nito bago siya nakita.

"So, Miss Anastacia Adriatico is here, the heiress of this place." Nakangising saad nito habang papalapit sa kanya. She chuckled instead to dismay him.

"Of course. I have every right. I'm the other half of this company." She said slightly gazed.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-igting ng mga ngipin nito kahit nakasara ang bibig nito. All his muscles in his face moved.

"That's means I'm the other half. Maaaring ibig sabihin no'n...asawa. Bakit mo 'ko tinanggihan kung gano'n? I'm-"

"Narito ako para magtrabaho. 'Yon ang ibig kong sabihin." Putol niya sa sasabihin nito.

"You're competing with me then. The chairmanship is soon to be vacant." he said. Naniningkit ang mga matang lumapit siya at nagngingit na sinalubong ang tingin nito.

"Buhay pa ang daddy ko, Seoff. Be careful with your words." She uttered with a hiss and intentionally brushed her breath to his face. Hindi niya alam kung ano o sino ang nag-utos kanya noon pero nakita niyang nagbago ang ekspresyon nito and his Adam's apple moved.

"It's too early to be seductive. Isa pa, he will be replaced by you. Ikaw na ang representative ng Adriatico mula ngayon. Ang daddy mo na mismo ang nagsabi na bababa na s'ya sakaling makita kita. At wala akong sinabing masama. I have great respect to your father." He whispered with mocking eyes.

Parang napahiya si Thia sa sinabi ng binata. Pakiramdam tuloy niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya.

"Fine! Pero hindi kita gustong halikan!" Inis na saad niya.

He chuckled to her surprise, "What? I didn't say that. Oh, you're blushing. Well don't, pagbibigyan naman kita, eh." Saad nito at nagulat siya nang bumaba ang labi nito sa kanya.

Her eyes widened as her lips touches the softness of his. Kumalat ang nakakaliting pakiramdam hanggang kanyang talampakan. Nagririgudon ang puso niya sa pagtibok but she likes the feeling. At napapikit na lamang siya nang gumalaw ang labi nito na tila pinipilit na tumugon siya. Teasing her to respond. His lips tasted like honey that she can licked the whole day. She was supposed to open and welcome his kiss when they heard someone cleared a throat.

Mabilis niya itong itinulak at tila napapahiyang pinunasan ang bibig. Bahagya pang humabol si Seoff nang ilayo niya ang sarili dito.

Lumingon siya at nakita ang gulat na gulat na mga empleyado sa lobby.

"M-ma'am, sir." Tawag ng isa sa kanila. Kahit ito ay hindi rin alam ang sasabihin dahil sa nasaksihan.

Si Seoff ay bale-walang nagpamulsa at muli siyang hinarap siya.

"Welcome to the corporate world, sweetheart." At tinapunan lang nito ng tingin ang nagsalita at lumakad na papalayo sa kanya. Leaving her a mocking smile, triumph on his side.

'Sweetheart'. It would be the sweetest word she ever heard but coming from him, it hurts terribly because it is the other way around.

Walang nagawa si Thia kundi ang haraping mag-isa ang mga naroon na ay gulat pa rin. Kinakain ng hiya at ilang na ilang niyang tinungo ang elevator.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon