Sa planta ay halos hindi hinihiwalayan si Thia ng mga malalagkit na tingin ni Seoff. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napapangiti siya. She felt weird. Pinapanood nito ang bawat galaw niya at ganoon din siya. At sa bawat tinginan ay nakakaramdaman ng saya ang puso niya. Sa bawat oras na iyon ay parang gusto niyang takbuhin ito at halikan muli.
"Baka naman hindi na lambanog ang magawa dito kundi matamis na pulot na." nagbibirong sita kanyan ni Abby. Nilingon niya ito at nangingiting tiningnan nang masama.
"Tumigil ka nga, Abby." Saway niya.
"Kayong dalawa ang tumigil. Aba'y daig n'yo pa ang bagong kasal sa pagtitinginan ninyo." Biro pa rin nito.
Napatawa siya at muling tiningnan ang binata. Noon naman eksangtong tinanggal nito ang suot nito at lumantad ang matitipuno nitong katawan. Namamasa pa iyon dahil sa pawis. Lihim na napahugot ng hininga si Thia.
"Diyos Mio! Ang gwapo niya, Ma'am Thia." Kinikilig na tili ni Abby. Ganoon din ang ibang dalagang naroroon.
Noon tumingin sa kanila si Seoff. Tinitigan siya nito saka ngumiti. Hindi siya gumanti ng ngiti. Iyon ay para itago ang kilig na naramdaman. Hindi pa sila lubos na maayos ni Seoff. Hanggang sa nauwi sa kindat ang ngiting iyon ni Seoff. Nagtilian ang mga katabi niyang dalaga kabilang si Abby.
"Ma'am Thia, huwag mo nang pakawalan si Sir Seoff. Baka pagsisihan mo pa." parang mahihimatay na saad ni Celia, isa sa mga kasama niya.
Natahimik lang ang lahat nang lumapit ang binata sa kanila. She anticipated and waited for him. Pasimple siyang tumikhim upang bawiin ang katinuan.
"Pagod ka na ba?" tanong nito habang isinasabit ang hinubad na T-shirt sa balikat nito. Siya naman ay pilit na iniiwas ang mga mata sa katawan nito. Baka kung ano pang isipin nito.
Mula sa kung saan ay biglang may nag-abot sa kanya ng isang bimpo. Tiningnan niya si Abby at makahulugang tumingin ito sa kanya. Napapahiyang tinanggap niya iyon.
"Mukhang pinagpapawisan na si Sir Seoff. Kailangan ng punas." Parinig ng isa sa tabi.
"Oo nga." Anang isa pa.
Noon napatawa si Seoff. "I'm okay, girls."
"Tama sila. M-may pawis ka." Aniya at inabot dito ang bimpo pero hindi kumilos ang binata.
"Ikaw na." Anito at inilapit pa ang katawan nito sa kanya. Nailang siya.
"Pwede ba." Tanggi niya at pilit na ibinigay dito ang bimpo. "Don't act stupid, Seoff. Nakakahiya."
"Ay! Ang suwet!" sigaw ng isa. Nailang tuloy siya habang nakakaramdam ng pag-iinit ng mukha. Pero kinikilig pa rin siya.
"Halika, maglakad-lakad tayo." Saad ni Seoff sabay abot sa kamay niya.
"Isuot mo muna ang shirt mo." Utos niya. Naiilang kasi siya bukod sa kakaibang epekto noon sa kanya.
"Oh, I'm sorry. Mainit kasi." Tugon at isinuot muli ang T-shirt. Saka magkahawak kamay na lumayo habang panay ang tudyo at biro ng mga naroroon.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...