Chapter 2.1

431 17 0
                                    

"Tama na ang paglalaro mo, Thia." anang tinig ni Seoff. Hindi siya nililingon nito ngunit ramdam na ramdam niya ang galit nito. Nasa rooftop sila ng Lou Room'd. Nakita pa sila ni Lourd na paakyat at kahit wala itong sabihin ay alam niyang ito ang nagsabi kay Seoff na puntahan siya.

Nanatiling siyang tahimik. Hindi niya kayang makipag-away dito. Bukod sa pagod siya ay nanghihina ang kanyang tuhod dulot ng presenya nito. And she was lost of words.

"I hope these things that I will say will make something out of you." Patuloy nito at hinarap siya.

"Sabihin mo na lang." Tila nanghihina niyang saad. Naupo siya sa fabric chair dahil pakiramdam niya ay tutumba siya.

Seoff sighed and raised his head. Lumapit ito sa kanya at ngayon ay nasa harap na niya ito.

"Can I sit beside you? Marami akong ginawa sa office, baka hindi ko na kayanin kung nakatayo pa akong makikipag-sap sa'yo." Nakiki-usap na saad nito.

Umusod siya ay hinayaan niya itong maupo sa tabi niya. She smelled his scent. She felt shiver through her spine. Ganoon pa rin katindi ang epekto nito sa kanya.

"I've talk to your father this morning. Gusto n'yang umuwi ka sa Isabela." panimula nito.

"S'ya ba talaga ang may sabi n'yan?" walang pangunutyang tanong niya.

"Yes." Sagot nito at nilingon siya. She snorted though hurt.

"Really?" now she's sarcastic.

Matalim na tingin ang natanggap niya mula dito. "You still don't change."

"Mahirap magbago."

Nagulat siya nang tumawa ito. "I know."

Seoff's smile took Thia's breath away. One moment, she wanted to touch him and hold him so tight. Ngunit isang kahibangan kung gagawin niya iyon.

"Anong bang sasabihin mo?" aniya upang mabawasan ang tensyon niya. Muli itong tumingin sa kanya ngunit muli ring umiwas.

"Wala pa bang sinasabi sa'yo si Auntie?" imbes ay tanong nito sa kanya. Hindi na nakatiis si Thia. Tumayo siya at galit na nagsalita.

"Like what? Na pikon na pikon na sa'kin si Dad? At ano? Pipilitin n'ya akong magtrabaho sa distillery? Bakit? Dahil walang kwenta ang ginagawa ko?" humihingal na saad niya.

"Thia, you father is getting worse. He is sick."

Tila na nabingi si Thia sa narinig.

"W-what?" gulat at nangangatal na tanong niya.

"Gastric cancer." sabi ni Seoff na hindi pinansin ang pagkabigla niya. Nakaupo pa rin ito at nakatungo. Hinihilot nito ang sariling batok. Hindi kaila ang pagod.

"Hindi lang niya sinabi sa'yo ang totoo pero matagal na ang sakit niya. Indirect but significant cause. Hindi niya pinapansin noon ang nararamdaman n'ya dahil abala siya sa trabaho. Your father is too workaholic. But it gotten worse." Paliwanag nito.

"B-but his too young. Bakit ganoon ang nangyari?" sabi ni Thia sa nanginginig na tinig. Alam niyang kahit na anong oras ay iiyak na siya.

"Walang pinipiling edad ang sakit, Thia." He said and stood up. Lumapit muli ito sa railings at tumanaw sa malayo.

"At dahil sa kalagayan n'ya nanganganib ang chairmanship n'ya sa kumpanya. Naghahanap na ng bagong chairman ang board. Naaapektuhan na ang operations." Patuloy nito.

"Huh?" lalong nalilitong saad niya. Ngunit sa nakita niyang ekspresyon ni Seoff ay nahuhulaan na niya ang ibig ipakahulugan nito. Sari-saring emosyon ang sabay-sabay na bumogso sa kanya. And on that, she cried.

"Hindi na confident ang board sa kanya. Pati ang mga clients natin nagtatanong na. In fact, one of our big clients pulled out." Nagbuntng-hininga ito at tumingin sa kanya. "Naiintindihan mo 'ko, di'ba?"

Thia remained standing listening and crying. Naririnig at naiintindihan niya ang sinasabi ng binata ngunit mas sumasaklob sa kanya ang katotohanang malala pala ang sakit ng daddy niya.

"Kapag nangyari ang gusto nila, tuluyan nang mawawala ang shares ninyo. At alam kong hindi papayag ang daddy mo. We have to do something." He said in tiring voice.

Nagpatuloy lang siya ng pag-iyak. She thought that learning the tragic truth was heart breaking.

"I could run the operation. Pero hindi ako dapat mag-isa. Partnership ng pamilya natin 'to. Kailangang may pumalit sa daddy mo. At dapat ikaw 'yon." Si Seoff pa rin ang nagsasalita.

"B-bakit ngayon mo lang...sinabi ang t-tungkol sa sakit n'ya?" She asked in the middle of her weep.

"Dahil iyon ang gusto niya." He said to console her.

"Gusto niya!" She was now angry. Lumapit siya sa binata na parang dito niya ibinubuhos ang lahat. "Pero paano ang gusto ko? Hindi maganda ang relasyon namin...oo! Totoo 'yon. Pero sana...naisip n'yo ang mararamdaman ko. Wala ba talaga akong halaga sa kanya? I love him for God sake!"

"Thia..."

She walked towards the railings and held it too tight. "Kung sinabi lang niya...sana...sana..." tuluyan nang naputol ang lahat ng kanyang sasabihin dahil nilunod na ng pag-iyak ang mga salita niya. She was loudly weeping. At humihingal na rin siya na tila nahihirapang huminga. Her hurt wanted to blow any moment. Kung alam lang sana niya, hindi niya masasaktan nang ganoon ang kanyang ama.

Seoff went to her back. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya na nakahawak sa railings. And Thia rested her head on his chest. Giving her weight to him and still crying.

"It's alright, sweetheart." He whispered softly to her. Unti-unting bumitiw si Thia at kinuha niya ang mga kamay at niyakap niya ito. Mahigpit na yakap. He buried his face to her hair and kissed it gently.

"S-Seoff...bakit? Bakit si Dad?" sambit niya na punung-puno pa rin ng luha.

"Please, Thia. Kaya nga ako 'andito. Para pagtulungan natin. Don't be too hard on yourself. Kailangan mong magpakatatag." He whispered in begging tone. Lalo nitong hinipitan ang yakap nito na parang takot na takot na mawala siya.

Hindi na alam ni Thia kung sinong sisisihin. Maraming taon na hindi maayos ang relasyon niya sa kanyang ama. Madalas silang magkasakitan. Marami nang nangyari at hindi na rin niya alam kung ano ang mararamdaman. Mahal niya ang kanyang ama. Hindi man niya naipakita iyon dahil na rin sa ito mismo ang naglayo ng loob nito sa kanya.

All she wanted to do was cry. Paano na ngayon ang kumpanya? Sa nangyayari ay talagang kailangan na siya. Tila lalo siyang nanghina. Hanggang sa mamalayan na lang niyang binuhat siya nito.

"I'm always here." He whispered to her and she wrapped her arm to him. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon