All Seoff expected a not so serious Lourd who depend his side but it didn't. Kasalukuyan siyang nasa unit ng nito. Maaga pa kung tutuusin at wala siyang pakialam kung tulog pa ito nang dumating siya. May kailangan siyang linawin sa kaibigan.
Tanging ingay ng paggalaw ng kamay ng relo ang maririnig. Pareho silang tahimik sa sala. He heard him sighed. Siya ang unang nagsalita.
"Nasaan siya?" Pigil ang sariling huwag itong sigawan.
Umangat ang likod nito mula pagkakasandal sa sofa at inihilamos ang mga palad mukha patungo sa buhok nito. He again blew a breath.
"Seoff, sa tingin ko-"
"Sabihin mo na lang." naiinip niyang agap.
Tumayo ito at tinungo ang mini-kitchen. Binuksan ang fringe at kumuha ng pitsel na tubig. Walang babalang uminom ito mula doon. Pinunasan nito ng likod ng palad ang bibig saka muling nagsalita.
"Nasa Roxy lang s'ya." Maikling sagot nito at muling ibinalik ang pitsel sa loob ng fringe.
Isang buwan nang hindi nagpapakita si Thia. Naulit na naman ang nangyari noon. Bigla na namang lumayo si Thia. Hindi na naman niya ito makita o makausap. Hindi nito sinasagot kahit na anong text o tawag niya. Kahit na si Auntie Lorie ay hindi na rin alam kung saan at paano ito hahanapin.
"Sana ay huwag na kayong makialam. Ako nang bahala sa kanya." Sabi niya.
Sumagot si Lourd habang papalapit sa kanya. "Kaibigan ko siya. Masyado siyang nasaktan. She felt betrayed. She needed herself, Seoff. Ibinigay lang namin ang nararapat." Mahabang paliwanang nito pigil din ang galit.
"Para ka ring mga kaibigan niya 'no? Ilang beses ko silang tinanong at binalikan, but I got no answer. Pero ikaw, I did not expect you to be in this hiding!" he said angrily.
"Dahil naiintindihan ko siya."
"At anong tingin mo sa'kin? Hindi?" He snapped. Tumayo siya at hinarap ito.
Walang ideya si Lourd kung ano ang pinagdadaanan niya. Hindi na siya natahimik simula nang umalis si Thia. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Na hindi madaling tanggapin ang katotohanang nalaman nito. Kahit siya ay nagulat din. Ang balak niya ay aalalayan niya ito sakaling malaman nito. Kaya sinamahan niya ito pabalik ng Manila. Isinama sa bahay niya at muli ay nagniig sila. At balak niya ay kakausapin ito. Upang linawin ang maraming bagay. But she was gone.
Hindi niya akalain na tatagal nang ganito ang pagtatago ni Thia. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng pagkakataong damayan ito. In all honesty, hindi niya alam ang mararamdaman. Kahit siya ay nagulo ang buhay dahil sa nangyari. Kaya naroon siya at kinakastigo ang matalik niyang kaibigan. Kung hindi nga lang niya ito lubos na kilala at pinagkakatiwalaan ay iisipin niyang may pagtingin ito kay Thia. Ngunit hindi ganoon si Lourd. Alam nito kung saan at kailan ilulugar ang sarili.
Gustung-gusto niyang makita at makausap ang dalaga. Pakiramdam niya ay malaking bahagi ng pagkatao niya ang nawala. He didn't know how to begin his life after that. Hindi niya alam kung paano pa siya nakakapagtrabaho at muling nagigising sa umaga. Parang kasamang nawala ni Thia ang buhay niya. For days and nights, he had been like that.
"I'm really sorry, bro. I didn't mean to hide her." Narinig niyang sabi nito.
Pilit siyang tumango. "Ayoko nang magalit. Saka ko na lang iisipin kapag natapos na ang lahat ng ito." Aniya. Nakatayo pa rin siya sa likod ng sofa, hands on his pocket.
"I want her back." He said sharply.
"She's under my label now. Nakapirma na siya ng kontrata, ibig sabihin artist na siya ng LinkMusic." He said in a snap.
"So?" Maikli niyang sagot.
"Oh, geez! Ang ibig sabihin ng sinasabi mo ay 'wag mo na siya ibalik sa AMG. Bakit hindi n'yo na lang siya pabayaan? Gusto niya ang ginagawa niya ngayon." Protesta ni Lourd. Muli nitong sinuklay ang mga daliri ang sariling buhok.
"Do what I say!" mariin niyang sagot. Lumakad siya patungo sa pinto ngunit tinawag siya nito
"Wait-" At bago pa makapagsalita ito ay dumapo na ang kamao niya sa mukha nito. Gumalaw ang center table dahil si Lourd ay napaatras hawak ang dumugong labi. Napangiwi ito sa sakit.
"Alam kong kaya mo ginawang itago siya sa'kin ay dahil kaibigan mo rin s'ya at naiintindihan mo s'ya. Pero hindi ako makakapayag. Kaya ibalik mo s'ya sa pamilya n'ya, sa'kin. Alam mong hindi ko kakayanin kung wala s'ya. She's mine, Lourd. She's mine ever since." Aniya at lumabas na ng unit ngunit bago niya tuluyang maisara ang pinto ay nairinig pa niya ang sinabi ng kaigiban.
"Aminin mo na lang kasi na mahal na mahal mo s'ya. Damn it!"
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...