Nanlilisik na mga mata ni Seoff ang sumalubong kay Thia pagkababa. He looked so dangerous half sitting in front of her table, his hands in his pocket.
Bahagyang nakaramdam ng kaba si Thia habang papalapit dito. Hindi tuloy niya naiwasang patagong lumunok. She's really in hell now with this gorgeous devil.
"Halika nga." Sabi nito sabay hila sa kanya.
Tahimik lang na nagpahila si Thia. And she can feel his warm hand gripping on her. Kinilig pa rin siya sa kabila ng nagbabantang galit nito. Binuksan nito ang conference room at ipinasok siya roon. Pabalya nitong binitawan ang kamay niya.
"Talaga bang wala kang ibang gagawin kundi painitin ang ulo ko at bigyan ako ng problema? Akala ko ba gusto mong tulungan ang daddy mo?" saad nito habang nakatalikod sa kanya.
"Ano na naman ngayon?" tanong niya.
"I've told you to bring the memos, right? Sinabi ko rin na urgent. Hindi mo ba naintindihan iyon?" he asked.
"I'm sorry, nakalimutan ko." She said in a small voice.
"Nakalimutan o kinalimutan mo?" Hindi naniniwalang sagot nito habang humarap sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang nilalaman ng memo?"
She remained silent.
"Kailangan natin ngayon ng mga bagong investors. Nagpatawag ako ng dagdag team para sa presentation. At bukas na 'yon." Puno ng sermong saad niya.
Guilt immediately filled in Thia. Bakit naman kasi hindi niya pinagka-abalahang basahin iyon? Hindi naman ipinagbabawal ni Seoff na pakialaman niya ang trabaho nito. Sa katanuyan ay tinuturuan pa siya nito sa lahat ng ginagawa niya.
"I said I'm sorry." Hindi niya naiwasang singhalan ito para maitago ng pagkapahiya dahil nakonsyensa talaga siya.
"What's the use of that? Damage has been done." He snapped.
"Fine." She said. Kitang-kita niya ang paggalaw ng face muscles nito. Alam niyang nagpipigil lang ito ng galit na patulan siya.
"Saan ka nanggaling? Are you that bored here to look for your heaven? Who's with you? Is he good enough?" pag-aakusa nito.
Thia's senses were good enough to understand the meaning. Iniisip nito na may kasama siyang lalake kanina kaya siya nawala. Hindi lang pride niya ang nasaling nito. Pati na rin ang dignidad niya.
"Anong ibig mong sabihin?" nagbabadya ang galit niyang tanong.
"You know what I mean." Mariin ang tinig nitong tugon.
Tumaas ang itaas na bahagi ng labi nito sa ngiting nanunuya. Nasaktan siya sa nasalamaning tila pagdisrepeto nito. Gusto niyang isiping selos ang nasa mga mata nito ngunit mas pinaniwalaan niya ang unang naisip niya. Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mga mata subali't pinigilan niya ang pagpatak noon.
"How dare you?" she said in choking voice.
Nakita niyang marahas na nagbuntong-hininga ito. Pinaghalong pagod at galit ang nababanaag niya. But in the process, why was he still capable of arguing with her?
"I don't dare your kind." Sabi nito sa matigas na paraan.
Itinulak niya ito nang ubod ng lakas. "Sumusobra ka na! You know what? I really thought you are man enough to respect a woman. But I never realize that you can be heartless and rude asshole!"
She wanted to burst into tears. Hindi niya akalaing ganoon ang iisipin nito tungkol sa gayong tanging ito lamang ang pinag-alayan niya ng sarili. She maybe a dancer but it does mean she was dirty.
Ayaw niyang makita nito ang pag-iyak niya ngunit anong magagawa niya? Napakadali para ditong saktan siya.
"Ang kapal ng mukha mo! Anong karapatan mong pagsabihan ako nang ganyan?" saad niya sa gitna ng pag-iyak. Ito ay tahimik lang na nakamasid sa kanya. At wala na siyang pakialam kung tuluyan mang magalit ito sa kanya. "Nakita mo na ba na nagpalit-palit ako ng lalaki? Hindi mo pa napapatuyan na totoo ang sinasabi mo."
"Hindi na kailangan." He said as cold as an unbreakable ice.
Pinilit ni Thia na tumawa sa kabila ng sakit na nararamdaman. She's never been so insulted in her life. Kahit ang daddy niya ay hindi binastos ang pagkatao niya. Doble ang sakit sa kanya dahil mahal niya si Seoff.
"Talaga? Bakit natatakot ka?" she tried to be strong in choking voice. Hindi siya makakapayag na tuluyan na nitong tapakan ang pagkatao niya. He must pay really big.
Walang babalang inabot niya ang batok nito. She kissed him brutally, with great passion and wroth mixing, trying to punish him.
Ngunit hindi ito tumugon. Nanatili lamang itong nakatayo na tila tuod at hinayaan lamang ang ginawa niya. Lalong tila hiniwa ang puso niya dahil hindi niya kayang gisingin ang init sa binata. She was not capable of giving him pleasure, making him happy.
Hanggang sa marinig niya ang mahinang ungol nito at nalusaw ang buntong-hininga nito sa bibig niya. Then he opened his mouth and welcomed her lips. Mas marahas at mapusok. Returning the punishment to her. Tinugon na rin nito ang yakap niya. Pumulupot ang mga braso nito sa kanya na halos iangat na siya nito. They exchanged paces as they kiss.
Mabilis na nanumbalik ang alala kay Thia. Ang kakaiba ngunit pamilyar na init na humahaplos na naghahatid ng kasiyahan sa kanya. He left her lips to catch a breath but only to kiss her again with more longing and searching.
"Pinatunayan mo lang kung ano ka talaga. You only know how to seduce." He said in the middle of their kiss then she felt a bite on her lips.
Dahil doon ay napangiwi siya sa sakit at naitulak niya ito. Pinahid niya ng ikod ng palad niya ang labi niya at bahagyang humapdi iyon. Out of instinct ay tiningnan niya ang kamay niya.
"Walanghiya ka talaga, Seoff!" Galit na sigaw niya nang makita ang dugo at itinulak ito. Mabilis niyang tinungo ang pinto at walang lingon-likod na iniwan niya ang binata.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...