Kuli-kuli si Thia habang paakyat ang elevator patungo sa floor ng kwarto ng daddy niya. Kasama ang mga kaibigan ay inihatid sila ni Seoff sa hospital.
'room 408' anang isip niya habang tinitingnan ang mga pinto.
She was tired. Pagod na siyang magalit at magdala ng sama ng loob. Gusto na niyang mawala ang lahat ng sakit. Gusto na niya magpatawad at mapatawad. She wanted to be happy. Ayaw na niyang tumakbo na tila palaging naghahanap.
Malayo pa lang ay nakita na niya si Auntie Lorie at Kristin. Atubili siyang lumapit sa mga ito.
"Auntie."
"Hinihintay ka talaga namin." nakangiting sabi nito sa kanya.
"Hi." Si Kristin.
Hindi niya alam kung anong sasabihin. Nakatingin siya dito at ito ay nakangiting nakatingin din sa kanya. Paano ba niya ito kakausapin? Bilang pinsan ba o kapatid?
"Kumusta siya?" tanong niya kalaunan.
"Okay naman. Sige, puntahan mo na siya." Sagot nito. Hinawakan ni Kristin ang kamay at pinisil iyon.
"Hinihintay ka niya." sabi nito.
Pagbukas ng pinto ay lalong kinabahan si Thia. Nakaupo sa kama ang kanyang ama. Nakaupo sa gilid ng kama si Margarita.
Nakita siya ng daddy niya ay mabilis na ngumiti. She hated those tears na lagi na lamang umaagos sa kanya. Hind na ba siya titigil sa pag-iyak?
"Thia." sabi ng daddy niya. Si Margarita ay tumayo at tila lalabas ng kwarto.
"Maiwan ko muna kayo." masuyong sabi nito at hinawakan ang kanyang balikat bago
tuluyang lumabas.
"Tita, I'm sorry."
"Huwag mong intindihin ang nangyari. Mag-usap muna kayo ng Daddy mo. Maraming tayong oras." Lubos ang pang-unawa nitong sagot saka tuluyang lumabas.
Lumakad siya papalapit sa paanan ng kama nito dahil kailangan niya ng makakapitan.
"Kumusta kayo?" she was out of words.
"Alam ko ang nararamdaman mo."
Nagbuntong-hininga. "Hindi ninyo alam ang nararamdaman ko dahil hindi ko naman sinasabi sa inyo." Damned! She's crying again.
"Alam kong galit ka sa akin." mahinang agap nito sa kanya.
"Yes. Galit ako kasi hindi ko naramdaman ang pagmamahal n'yo kahit kailan."
"Kasalanan ko." Nalungkot na sabi nito. "I should have told you about that before...I'm sorry."
"Pero Dad, wala pa man sina Kristin ay may problema na tayo. Na sinisisi n'yo ako sa nangyari inyo ni Mommy. That...that I am the reason of your ruined life...and ...and sometimes I just wanna be dead para gumaan ang pakiramdam mo at mawala ang galit mo sa mundo."
Bahagyang kumilos ang daddy niya. "Huwag mong sabihin 'yan. May pagkakamali din ako. Hindi kita dapat sinisi. Idinamay kita sa sakit na naramdaman ko." He said.
"But they came. Ang totoong mahal mong pamilya...Na-nabuo mo ang pamilya mo and you found yourself....a family and...and..ako maiiwan mo..." she again burst into tears. Sobbing and hardly speak.
"And I feel so...alone that I do not belong to... you or to anyone...anymore. I feel so...lost." Patuloy siya sa pag-iyak. She put her hand on her mouth to stop her loud cry.
"Hindi ko sasabihin na ako ang piliin mo kaysa sa pamilya mo. Gusto ko lang itanong, bakit, bakit Dad? Anong naging kasalanan ko? For you to treat me and let me grow up without feeling your ...love.
"Wala kang kasalanan. I know I've been a lousy dad to you. I-I blamed you to what happened. Patawarin mo ako kung napabayaan kita. Bigyan mo sana ko ng pangalawang pagkakataon." he sincerely said.
Umiiling siyang muling nagsalita. "Wala kayong dapat ihingi ng tawad. Pareho lang tayong nasaktan."
"Thia, anak." Thia saw tears falling from her father's eyes.
Kahit na luhaang mukha ni Thia ay nakita niya ang mata ng Daddy niya. Alam niyang nasasaktan din ito. At ang nalaman niya mula dito ay nagpamulat sa maraming bagay tungkol sa kanya ngunit hindi pa man niya lubos na naiintindihan ay magandang simula iyong upang harapin ang bagong buhay kasama ng Daddy niya. Maaari naman niyang isa-isahin iyon. Sa tulong ng kanyang pamilya.
"Pwede ba akong mapabilang sa pamilya mo, Dad?"
"Oo naman, sweetie." Malambing nitong sagot at iniangat ang mga kamay upang yakapin siya.
Kaagad siyang lumapit dito upang yakapin ito. Sa dibdib nito niya ipinagpatuloy ang pag-iyak.
"Shhh, tahan na. Daddy's here." parang batang pinapatahan nito si Thia.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...