Chapter 9.2

381 18 0
                                    

Mataas na ang lagnat ni Thia. She was shivering in cold. Kahapon pa niya nararamdaman iyon kaya hindi na muna siya pinapasok ni Roxanne at pinagpahinga sa isa sa mga executive suite sa LouRoom'd.

Her burden of selfish love of her mother in the past must have paid off. Sobra na siyang nasaktan. Tama lamang siguro na lumayo na muna siya at hanapin ang sarili upang lubos niyang maintindihan ang mga pangyayari. Kahit halos patayin na siya ng pangungulila sa mga taong mahal niya. Lalo na kay Seoff.

"Kaya mo na ba?" tanong na salubong sa kanya ni Cleo nang makita siya. Dinalaw siya nito kasama ni Cassie, Amber at Geri.

"Bio-flu lang katapat nito?" nangangatal niyang biro. Paos na rin siya.

"Pahinga ka na lang muna. May kakausap pala sa'yo." nakangiti nitong tugon. Nagtaka siya at akmang magtatanong nang iwan siya ng mga ito. Umiling na lang siya.

Binalot niya ang sarili ng blanket upang kahit paano'y mabawasan ang ginaw. Nakatunglo siya sa 3-seater leather bench. She felt so alone and sad. She needed warmth. And she missed Seoff. Ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita.

"Kung titingnan mo ang sarili mo, nakakaawa kang tingnan." Napalingon siya nang marinig ang nagsalita. Nakita niya si Seoff na seryosong nakatayo. He looks so casual in just a jeans and a t-shirt with sneakers on. Suddenly, she came upon a notion that he really came for her. Lumapit ito sa kanya. Nabigla siya nang iangat nito ang mukha niya at halikan siya.

"Grabe, trangkaso na yata 'yan." sabi at tanong nito matapos siyang halikan.

Kung hindi lang siya nanghihina ay baka sinigawan na niya ito. He always has this effect on her.

"Anong ginagawa mo dito?" namamaos na sabi niya. He raised his hands and grabbed her. Hinawakan nito ang ulo niya at inilagay sa balikat nito.

"Iuuwi ka." He said. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito.

"Para ano pa? Ayokong umuwi?" Nagawan pa niyang maging masungit kahit na may sakita.

"Hindi ka naniniwalang kaya kong gawin 'yon?" tanong nito.

"Anong kailangan kong paniwalaan?"

"Na narito ako para sa'yo."

Hindi niya napigilang mapangiti sa mga sagot nito. Kahit na tila umiikot na ang paningin niya sa sobrang taas ng lagnat ay nagawa pa ring makapasok na kakaibang malamig na haplos sa puso niya ang sinabi nito.

"Tigilan mo na ako kung napipilitan ka lang." nanghihina nang sabi niya.

"Naka-confine dito sa Manila ang daddy mo for surgery." sabi nito habang hinawakan ang noo niya at hindi pinansin ang himutok niya.

Parang gustong umiyak ni Thia sa narinig. She missed her father. Ngunit dahil sa sama ng loob ay pinipigil niya ang sariling puntahan ito.

Her body immediately reacted and she wrapped her hands to his waist under the blanket. She feels too hot but she wants his warmth run through her veins. Pinilit niyang huwag pansinin ang sinabi nito ngunit pilit sumisiksik ang pag-aalala sa ama.

"You still don't give up do you?" she asked with her eyes shot. Nahihilo na talaga siya. "Bakit pinipilit ninyo akong gawin ang bagay na hindi ako?"

"Hindi ako nagpunta dito para d'yan. Narito ako dahil gustung-gusto na kitang makita." He snapped.

"You don't mean it." She haft raised her face to look at him. Naringgan niya ito ng sinseridad at gusto niya iyong makita sa mga mata nito. But instead, she saw him looking afar blankly. Hindi niya alam kung itinago lang nito iyon ngunit nasaktan siya.

"I hate you, Seoff." Mahinang sabi niya ngunit isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. And he remained silent. She tried but she can't seem to get herself to think of anything but him, only him. His breath on her face and his warm gentle kiss that she tasted the truth of loving someone so deep.

"I know. But you cannot love me if you don't know how to hate me." Sagot nito.

Lumipas ang ilang sandaling nasa ganoon silang posisyon. Walang nagsasalita. Pinakikinggan lamang ni Thia ang pagtibok ng puso ni Seoff. Hindi na niya magawang kontrahin ang iba pang sasabihin nito.

"Kaya ka ba nagpunta dito ay dahil nalaman mong may sakit ako? Nag-aalala ka ba sa'kin?" she said in the middle of her breathing.

"Oo." He answered. Hinila siya nito upang lalong mayakap at tinangka siya nitong halikan ngunit binawi rin nito ang labi.

"Gusto kitang halikan pero napapaso ako sa'yo." Nakangiwi nitong saad.

"Bakit mo ginagawa 'to, Seoff?" she asked. Siguro'y nagdidiliryo na siya. Hindi sumagot ang binata.

Nanghihinang kumalas siya dito. Tumayo siya ngunit tila namanhid ang tuhod niya at nawalan siya ng panimbang.

Mabilis siyang nasalo ni Seoff. Nahilo na siya at umiikot na rin ang paningin niya. Ikinawit niya ang mga braso sa batok ni Seoff.

"Uwi na tayo..." Bulong niya at nag-umpisa na siyang umiyak. Hindi na niya kaya. Nanginginig na rin ang katawan niya. Before she can do any move, she swooned to Seoff. Walang dalawang salitang binuhat siya nito.

Humahangos na lumapit sina Cassie. "What happened?"

"Nanghihina na siya." sagot ni Seoff habang hawak pa rin ang dalaga.

"Iuuwi ko na siya, please." saad pa nito. Mula sa kanyang nanlalabong paningin ay nakita niyang tumango si Cleo.

"Salamat." Narinig niyang sabi ng binata.

"S-Seoff." banggit niya sa pangalan nito.

"Narito ako." narinig niya ang boses nito.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon