Mabigat na ang loob ni Thia buong maghapon matapos umalis ni Seoff. Kahit na abala sa trabaho sa planta. Iniisip din niya kung bakit bigla itong bumalik sa mansiyon. Nang magdapit-hapon ay nagpaalam na siya sa mga kasama. Pagod na talaga siya na nadagdagan pa dahil kay Seoff.
Naglalakad siya papunta sa pick up na sasakyan niya nang mapansin na abala ang mga tao. Naalala niya na gaganapin nga pala ang birthday party ng daddy niya. Dapat sana ay sa Maynila pero napagpasyahan na lang sa hotel na pag-aari rin ng mga Adriatico sa city proper gaganapin ang party.
Hinayaan na lang niya ang mga kumikilos doon at nagtuloy na pauwi. She really needed a rest.
Pagbalik sa mansiyon ay kaagad na napansin ni Thia ang hindi pamilyar na sasakyan. Nag-iisip tuloy siya habang papalapit sa entry porch. Pero bago niya mabuksan ang malaking pinto ay may napansin siya gilid kung saan naroon ang garden. Parang si Seoff ang nakita niya. Kunot ang noo siyang bumaba para makasiguro.
Dahan-dahang siyang lumalakad papalapit nang mapansin na may kayakap ang binata. Nanikip ang dibdib niya nang tama na ang lapit niya para makita at marinig ang mga ito.
Seoff was talking to Kristin. She knew it was her. At umiiyak ito dahil nakita niya ang pagyugyog ng balikat nito.
"Huwag ka nang umiyak. Maiintindihan din niya tayo. Matatanggap din n'ya ang lahat." Narinig niyang sabi ng binata na pag-alo sa dalaga.
"No, no, no." tanging sagot at panay ang iling ni Kristine. She was crying hard.
"Please, Kris. Huwag mong gawin 'to sa sarili mo." Punung-puno ng emosyon na sabi ni Seoff.
Parang nanlalabo ang paningin ni Thia. Saka namalayan na lang niya na namumuo na lang luha niya. Ano ang sinasabi nitong maiintindihan nino? Sino ang kailangang tumanggap kay Kristin? Bakit ganoon lang ang pag-aalala ni Seoff?
Kanina lang ay halos magdeklara ng damdamin si Seoff sa kanya. Bakit bigla ay nasa piling na ito ni Kristin? Ano ang hindi niya nalalaman? Pinapaasa lang ba siya ng binata?
Hindi na matagalan ni Thia ang nakikita kaya lakad-takbo siya papasok ng mansiyon. Hindi niya kayang tingnan ang mga ito. Parang nadudurog ang puso niya. How could Seoff do this to her? Pero bakit ba siya nasasaktan? Hindi naman sinabi ni Seoff na mahal siya nito. Tanging ang kumpanya lang dahilan nito upang pakasalan siya at wala nang iba.
Humahangos siyang pumasok sa loob.
"Hanggang kailan?" narinig niya ang boses ng Auntie Lorie niya na nagmumula sa office ng daddy niya. Kasalukuyan siyang paakyat ng kwarto niya. Pinahid niya ang luha.
Nahimigan niya ang galit sa boses nito kaya nagpasya siyang puntahan ito. Ano ang ginagawa nito sa kwartong iyon? Bakit hindi niya alam na dumating ito?
Kunot ang noong lumakad si Thia patungo sa kwarto. Pero bago pa siya makalapit sa pinto ay muli niyang narinig ang boses ng ginang.
"Hanggang kailan mo balak ilihim sa kanya ang lahat?" anang boses nito.
Tumigil si Thia sa paglakad. Ano ang pinag-uusapan ng dalawa? Sumibol ang kaba sa dibdib niya. Sumandal siya sa dingding sa may pinto. Nakinig siya sa pag-uusap ng dalawa.
"Ilihim? Anong gusto mong gawin ko? Kahit ako ay nagulat ding kagaya mo. All these years, I have no idea that she was related to me. That she is my blood! And you expect Thia to take it that easy?" narinig niyang sagot ng daddy niya.
"At kailan ka pa nag-alala sa mararamdaman ng anak mo? Thia deserves to know." Sabi ng ginang.
"Kailangan ko nang tamang pagkakataon. Sasabihin ko rin sa kanya ang lahat. I still care for her, Lorie." Mahinahong sagot nito.
Sa labas ay naguguluhang nag-iisip si Thia. Napahawak siya sa dibdib dahil nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso. Ano ang kailangan niyang malaman? Bakit galit ang Auntie Lorie niya? Noon lang niya narinig sa ganoong tono ito. At bakit umiiyak si Kristin sa labas?
Unti-unting humingal si Thia. She needed air. Namumuo na rin ang pawis sa kanyang noo. She started to feel pain in her head at pakiramdam niya ay lumalaki ang ulo niya pati na ang puso niya.
Pero pinilit pa rin ni Thia ang sariling pakinggan ang usapan sa loob. Kailangan niyang malaman kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito.
"Hangga't maaari ay ayokong nakikialam sa inyo. Kahit noong buhay pa si Virna ay nakitaan na kita ng panlalamig sa'yong mag-ina. Hindi kita sinisisi pero huwag mong idamay ang anak mo sa kahit na anong galit na nararamdaman mo." Sabi ni Auntie Lorie.
"Alam ko. Pero sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko ang aking nasirang kaligayahan. Nawala ang lahat ng masasayang alaala." Tila may pait at sakit ang bawat salita na naririnig ni Thia ang kanyang ama.
Mariing pumikit si Thia. Nag-umpisang mamuo ang luha at tuluyang mag-unahang bumagsak. Kaya niyang pigilan ang kanyang emosyon sa lahat ng pagkakataon ngunit ang marinig ang sariling amang nagsasabing siya ang dahilan ng pagkasira nito ay parang isang matalim na punyal na itinusok sa kanya.
"D-don't do this to me, Dad." Sa ama niya sinasabi ngunit tila kanyang lang sarili ang nakakarinig sa gitna ng pag-iyak.
"Siguraduhin mong sasabihin mo sa kanya." Sa nanlalabong isip ay narinig ni Thia ang boses ng kanyang Auntie.
Mabilis ang naging hakbang niya. Tumakbo siya sa kanyang kwarto. Baka makita siya ng ginang. Gustong niyang malaman ang lahat ngunit may takot sa kanya na parang hindi niya kakayaning marinig ang lahat.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...