Kitang-kita ni Thia ang saya sa mukha ng dalawa na pinapanood ng lahat ng naroroon. She looked at her father and saw him smiled back at Kristin. Isang ngiti ng isang ama na nagpapakita ng pagkagiliw sa isang anak. A sudden invisible pinch hurt Thia's heart when she saw that smile. Kahit kailan ay hindi niya nakita ang daddy niya na ganoon kasaya.
Laglag ang balikat na pinagmasdan ni Thia ang mga ito. Hindi na namalayan ni Thia ang nagkakarerang luha pababa sa kanyang mga pisngi.
Lumapit si Seoff sa kanya at mabilis na hinawakan ang kanyang mga braso mula likuran. Ramdam niya ang papigil sa paraan ng paghawak nito.
"That's supposed to be my dance." mahina ngunit puno ng galit na sabi niya.
"Please, Thia. May paliwanag ang lahat ng nakikita mo." bulong nito sa kanya ni Seoff. "Don't look, instead look at me." Hinawakan siya ni Seoff sa pisngi at akmang ipipihit siya parahap dito nang iwaksi niya ang kamay nito at mabilis na tumakbo sa gitna ng dance floor.
"Anong ibig sabihin nito?" buong galit na sigaw ni Thia nagpatigil sa lahat.
Gulat na tumigil ang kanyang daddy at si Kristin sa pagsasayaw. Pati ang tugtog na Waltz ay bigla ring nahinto.
"T-Thia." tila si Kristin ang unang nakabawi sa pagkabigla.
Kuyom ang dalawang kamao na tinitigan niya ang ama. Nagulat din ito ngunit pinapanatili ang pagiging mahinahon. Hilam sa luha ang mga mata na lumapit si Thia sa ama.
"Ako dapat ang kasayaw mo ngayon." umiiyak na sabi ni Thia sa naguguluhang ama.
"I can explain, Dad." narinig na sagot ni Thia.
"Dad?" lalong nagtangis ang bagang ni Thia sa narinig mula sa pinsan. "Nagsayaw lang kayo ngayong gabi, daddy na kaagad ang tawag mo sa kanya?"
"Halika at mag-uusap tayo." lumapit ang daddy niya at mahigpit siyang hinawakan nito sa braso.
Nagbubulungan na din ang mga bisita na nakapaligid sa ballroom. Alam ng lahat na naroroon na magiging malaking eskandalo ito kapag nagkataon.
Hinila siya ng ama papalayo roon. Sumenyas ito sa MC na ito na ang bahalang magpalusot sa nangyari. At sa nanlalabong mata dahil sa luha ay nakita niya si Seoff. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya sa mga mata nito ang pagdamay na pawang nagsasabing 'I will be here.'
Pumasok sila sa isang kwarto. Naupo siya sa silya na hindi pa rin nawawala ang galit at pagtataka.
"Explain everything." pilit na pinapapahinahon ang sarili.
Malalim na buntong-hininga ang ginawa ng kanyang ama na pawang doon kumukuha ng lakas ng loob upang magsalita.
"You supposed to know everything and this doesn't happen if you came earlier." tiim na sabi ng ama. Nakatayo ito at napapansin ang tensyon sa pagsasalita nito.
Nanunuyang tumawa si Thia. From her seat, she walked back and forth encircling to every corner of the room. At ang daddy niya ay nakamasid lamang sa kanya.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nahuli? Nagtrabaho ako sa kumpanya mo." puno ng tuya ang kanyang mga salita. Wala na siyang pakialam kung mag-away na sila.
"Alam ko. And I'm glad you doing great in your job." unti-unting napapalitang ng kahinahunan ang boses nito.
Siya ay tuloy pa rin sa paglakad sa silid. Kailangan niya ito upang mabawasan ang panginginig ng katawan.
"I am asking for your understanding sa lahat ng sasabihin ko."
"Why don't you just start?" angil niya. Nakita ni Thia na umahon ang galit sa kanyang ama. Pumikit ito sumandali upang kalmahin ang sarili.
"Magkapatid kayo." maikling sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya.
Gumuhit ang matinding gulat at pagtataka sa kanya. May hula na siya kung sino ang tinutukoy nito ngunit pawang ayaw paniwalaan ng isip niya.
Parang bombang sumabog sa mukha ni Thia ang narinig. Biglang nanghina ang tuhod kaya kinailangan niyang maupo muli sa silya.
"N-no." garalgal ang tinig ni Thia.
"Yes. Anak ko siya kay Margarita. Balak kong sabihin sa'yo ang lahat ngunit hindi ko alam kung paano." humihingi ng pang-unawa na sabi ng daddy niya.
"No!" sigaw niya. Sabay takip sa dalawang tainga. Muli binalot ng galit ang puso niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kristin. Kasunod si Auntie Lorie at ang huli ay ang taong sa mga oras na iyon ay ayaw niyang makita. Si Margarita.
"Bakit kayo pumasok? Usapan namin itong mag-ama. I'll handle this. Please leave." maawtoridad na sabi ni Edison. Si Thia ay tumalikod sa mga ito. Muling gustong bumunghalit ng galit at panunumbat.
"Ayokong magpaliwang ka nang mag-isa, Ed. Kasali ako, kami ng anak mo dito." narinig ni Thia ang boses ni Margarita.
Lumapit si Margarita ngunit nanatili sa likod niya at nagsimulang ipaliwanag ang lahat.
Hindi pala noon sinabi ni Margarita sa kanyang ama na nagdadalang-tao na rin ito kay Kristin nang mangyari ang pang-aakit ng kanyang mommy sa daddy niya. Sa mga naririnig ni Thia ay parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan at kainin ng lupa. Lumalabas na napilitan lang ang daddy niya na pakasalan ang mommy dahil sa eskandalo. Natural lang pala na sisihin siya nito. Pero wala siyang kasalanan. Bakit siya ang nahihirapan sa kanilang lahat?
"This is your fault." sabi ni Thia matapos ang mahabang paliwanag.
"Thia." si Lorie na hinawakan ang balikat niya. Kumilos siya at hinarap si Margarita.
"Kung naging mas matapang ka lang para ipaglaban ang relasyon ninyo ni Daddy, di sana naging ganito. We all know now that you two should be together. My daddy is very much willing to turn his back on the wedding. Kayang kaya niyang gawin 'yon."
"Nagpaliwanag na ako. Alam ko noon na hindi pakakasalan ng daddy mo-"
"That is not the point!" nagtaas na ng boses si Thia. Nagpatuloy si Thia nang mapansin niya na walang may balak magsalita.
"You are the one who has the control at that time at hindi si Mommy. Kung sinabi mo lang noon na buntis ka rin, mas pipiliin ni daddy na makasama ka." muling napaiyak si Thia.
"Thia, please." napaluha na rin si Margarita.
"Ayaw ni Mommy na masira si Tita Virna, Thia. She was at the peak of her career when it happened." si Kristin na ang nagsasalita. Tiningnan lang ni Thia ang pinsan o mas tamang sabihing kapatid.
"Don't you think na mas lalong naging mesirable si Mommy inside the marriage?" agap niya dito sabay muling tingin kay Margarita. "Kung ikaw ang pinakasalan ni daddy ay naging masaya na sana siya. I know. Mangyayari 'yon. He is a great man. Matatanggap niya ako even though he is not in love with my mother. He would realize that it was not my fault. I never dreamed of being born out of obsession. Ikinulong nila ang isa't isa sa magulong relasyon. Dahil naging mahina ka. You think what you have done is the best? Hindi. Ikaw ang mahal ni Dad. Pero anong ginawa mo?"
"You know I'm adopted. Hindi mo 'ko masisisi kung isakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para lamang sa pamilyang nag-alaga sa'kin." Lumuluha nitong sagot.
"And now look at us." Agap niya saka mabilis siyang lumabas ng kwarto ay hindi alam kung saan pupunta. Hinawi niya ang mga taong sumasangga sa paglayo niya. Hanggang sa may isang kamay na humila sa kanya.
"Let's go." Anang tinig ni Seoff. She felt relief pero lalo siyang napaiyak.
"Seoff...ilayo mo 'ko dito." Aniya at walang pag-aalinlangan siyang binuhat nito at lumakad palayo sa lugar na iyon
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...