"Thia, you will be assigned to different department. Gaya ng iba, dadaan ka sa internship program ng kumpanya. For a start. Pwede ka naming ilagay sa accounting or kaya naman ay sales division. Thia?" Naputol ang pagsasalita ni Miss Dina, ang personnel head na siyang nag-o-orient sa kanya. Personal siyang hinawakan nito para bigyan ng assistance dahil na rin sa bilin ng daddy niya.
"Po?" Tila nagising na sagot ni Thia.
"It seems like you're not paying attention." Umiiling na saad nito. Umayos siya ng pagkakaupo at muling binuklat ang folder ng company profile.
"May iniisip lang po ako." Aniya.
"Sa tingin ko nga. Parang wala ka dito, eh." Napapangiting sagot nito.
Alangang ngumiti si Thia. Totoong may iniisip siya. At kung malalaman nito ay baka pagtawanan lang siya. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang init ng labi ni Seoff na parang humahaplos sa labi niya. At kahit anong pilit niyang kalimutan ay sumisiksik sa isip niya ang gwapong mukha ng binata.
"I'm sorry. Ano po ulit ang sinasabi ninyo?" tanong niya nang bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. Nagbuntong-hininga ito saka sumandal sa swivel chair.
"Sa ngayon ay wala ka pang designated department. Ang daddy mo pa rin ang magsasabi kung saan ka niya ilalagay. Basta ang kailangan sa ngayon ay i-familiarized mo muna kung paano ang pagtatrabaho dito. We are in manufacturing. Hindi madali ang trabaho at ito ang pinakamalaking distillery sa buong bansa. Idagdag pa maraming kumpanyang hawak ang daddy mo."
"So, ano po ang gagawin ko?" she asked.
"Doon ka muna sa opisina ng Vice-president for Operations. Nagkasakit si Analyn kaya nahihirapan si Mr. Munez. Anyway, kinakapatid mo naman siya kaya hindi ka rin mahihirapan."
'Yun ang akala n'yo.' Gusto niyang sabihin pero nanahimik na lang siya.
"B-Bakit naman po doon?" tanong niya pero puno ng excitement ang pakiramdam niya.
"I don't have to explain that. Hindi naman magtatagal iyon. A week or two can do." Tugon nito at wala na siyang ibang sinabi.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomansaHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...