Chapter 5.3

364 14 1
                                    

Naging abala si Thia nang sumunod na araw. Alas-sais pa lang ng umaga nang kasama niyang pumunta si Tata Delfin sa planta. Doon itinuro sa kanya ang bawat proseso sa paggawa ng lambanog. Magmula sa pangunguha ng buko hanggang sa pagsasalin ng nasala nang tuba sa distillation machine. At isa-isa rin niyang sinubukan ang bawat trabaho sa planta. Iyon ang iniutos ang daddy niya. Kailangan daw niyang maranasan para daw niyang maintindihan kung bakit ganoon kasarap ang alak na nagpayaman sa kanila.

Naging maayos kahit nakakapagod ang araw niya sa planta. Kahit naiilang sa kanya ang mga trabahador ay mabait naman ang mga ito sa kanya. Lahat ay iginagalang siya at inaalalayan pa siya sa pagtatrabaho. She learned the toughness of the job on that department and it was a tiring responsibilities.

"Mukhang lalong sasarap ang lambanog natin." Nakangiting sabi sa kanya ni Abby. Isa sa mga empleyado na tumutulong sa kanya.

"Bakit naman?" tanong niya. Saka itinapon ang bao na wala nang laman sa bunton na malapit sa kanila.

"Dahil gaganahan na ang lahat ng kalalakihan dito. Aba'y ngayon lang nagkaroon ng mangandang empleyado ang farm." pagbibiro nitong tugon. Napangiti siya dahil mabilis na sumang-ayon ang ibang naroroon.

"Ma'am Thia." Tawag sa kanya ng binatilyong si Jopet. May iniabot itong isang pumpon ng iba't-ibang kulay ng roses sa kanya. Nagtataka siyang tumingin dito.

"Galing sa mansiyon. Dumating kaninang umaga. Nakapangalan sa'yo kaya ipinadala na ni Nana Ising." Nakangiting sabi nito.

"Kanino galing?" tanong niya habang tinatanggap iyon.

"Ewan ko." Sabi nito at tumalikod na.

Tiningnan niya ang bulaklak. Gusto niyang matuwa dahil ito ang favorite flower at arrangement niya. At sa tingin niya ay nasa dalawang dosena iyon base na rin sa laki.

"Bakit hindi mo basahin ang card na kasama?" narinig niyang sabi ni Abby. Sinunod niya ito. Kinuha niya ang maliit na papel na nakasingit sa gilid nito.

'This can't change what happened but

I hope it will make you feel better.

I'm really sorry.'

I'm coming for you,

Sean Iñigo

Nabasa ni Thia ang pangalan na nakasulat at gustong niyang sisihin ang sarili dahil pakiramdam niya ay namumula siya. Hindi na niya namalayan ang ngiti sa kanyang labi.

"Siguro galing sa nobyo mo 'yan 'no." Napalingon si Thia kay Abby.

Napansin niya na naagaw na rin ang atensyon ng ibang naroroon dahil sa kanya. Nailang siya dahil may naririnig na siyang 'uy' sa paligid.

Muling binasa ni Thia ang nakasulat sa card. Hindi niya maintindihan kung tungkol sa pag-aaway nila o ang pang-iinsulto nito ang tinutukoy nito.

Hindi na siya pumasok matapos ang pag-aaway nila. Ilang beses siyang tinawagan nito ngunit hindi niya ito sinagot. Tumawag din ito sa bahay ngunit sinabi niya kay Auntie Lorie na ayaw niya itong kausapin. Ni hindi niya ipinaalam dito ang tungkol sa pag-uwi niya.

'Is it a peace offering?' sabi ng isip at puso niya ngunit bigla ring binawi iyon. It was the least thing that Seoff will do. After what happened, she was hesitant to trust her feelings for him. Naaawa lang siya sa sarili niya sa tuwing iisiping siya lang ang nagpapahalaga at nagmamahal.

Inilagay na lamang niya ang bulaklak sa gilid at itinuloy ang ginagawa. Kung sa ibang pagkakataon siguro ibinigay nito iyon ay baka nagpasalamat pa siya dito.

"Bakit bigla mong inilapag? Hindi mo ba nagustuhan? Sayang maganda pa naman." Ani Abby. Hindi niya iyon pinansin.

"Malapit na ang bertdey ng senyor. Saan ang party?" Anang isa pang trabahador.

"Oo nga, Ma'am Thia. Saan gaganapin ang kaarawan niya? Sa Maynila ba?" tanong sa kanya ni Abby.

Napa-isip si Thia. Nakalimutan na niya ang tungkol doon. Hindi niya ito pinag-tuunan ng pansin. She was too occupied of so many things including Seoff.

Dalawang linggo na lang iyon. Naisip niya na hindi rin nababanggit ni Nana Ising ang tungkol doon.

"Hindi ko rin alam." Naisagot niya.

"Nabanggit ni Nana na dito ang gusto ng senyor. Simple lang daw ang gagawin. Alam mo na, may sakit na ang senyor." Sagot ni Anita. Isa pang trabahador. Hindi siya umimik dahil sa totoo ay wala siyang alam. Itinuon na lang niya ang pansin sa pagtatrabaho.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon