The stage was set with lightning and visual effects like the smoke and complete with the live band. People were screaming and shouting as they groove and sing along with her. Nasisiyahan si Thia na umiikot-ikot sa stage habang naririnig ang mga sigawan ng audience niya.
Isang mini-concert ang in-organize nina Lourd para sa kanya. At ginanap iyon sa Roxy City. Magpapahinga na muna siya sa pagiging 'Xquizit at siseryosohin ang pagtatrbaho sa AMG. Gusto talaga niyang tulungan ang kanyang ama sa pamamahala sa kumpanya. Mas magiging masaya siya kung kasama siyang malalampasan nito ang suliranin na kinakaharap. Paraan din iyon upang lalo silang magkaroon ng panahong bawiin ang ilang taong malayo sila sa isa't-isa. Tulas ng naisip na niya, her dream can wait.
"I'll be what?!" sigaw niya sa mga naroroon at sumagot naman ang mga ito.
Natapos na ang kanta at tumigil na rin ang banda. Malakas na sigawan ang humalili doon. Nag-bow siya at mabilis tumakbo sa backstage.
"Hi." Nakangiti ngunit humihingal na salubong niya kay Auntie Lorie.
Nagmamadali si Thia na magpalit ng damit. Katulong ang wardrobe consultant na hawak ang damit niya para sa last part at ang dalawang make-up artist.
"Nakita mo na ba siya, Auntie?" nagmamadali ngunit bakas ang inis sa boses ni Thia habang inaayos ang kanyang gown.
"Hindi pa." sagot ng ginang. Bumahid ang pinaghalong galit at lungkot sa mukha nito.
"Smile." nakangising singit ni Jeri, ang gay stylist at mapansing seryoso siya.
"Paano ako ngingiti? Sinugurado sa'kin ni Lourd na darating siya." nangingilid ang luhang sabi niya.
Kanina ay sinabi sa kanya ni Lourd na darating si Seoff. Hindi man siya nagpakita ng excitement ay umaasa siya na totoo ang sinabi nito. Pagod na pagod na siya. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Lagi itong maagang umalis ng opisina. Laging may engagements sa labas. Kaya hindi sila magtagpo sa opisina. Naiinis na siya. All she wanted was to see Seoff dahil sa pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait kapag hindi pa ito nakausap.
"Okay. Malay mo narito naman siya talaga. Hindi lang siya nagpapakita. Baka mamaya ka niya lalapitan." pag-aalo ng ginang sa kanya.
"Yeah right." ngitngit ni Thia at padabog na lumakad.
Hanggang matapos ang event ay walang Seoff na nakita ang kahit na sino sa kanila. Pati si Lourd ay hindi alam ang isasagot sa kanya dahil ang alam nito ay pupunta si Seoff.
Niyakap siya ng daddy sa backstage na kahit medyo nanghihina ay kakikitaan ng saya. Na sa unang pagkakataon ay nakita ang totoo niyang ginagawa sa superclub.
"I'm a little bit disturbed sa pinanood ko dahil masyadong modern pero nagustuhan ko." lambing nito sa kanya.
"Thanks, Dad." nakangiti niyang tugon. Ngayon lang nila nababawi ang napakahabang panahon na hindi nila naiparamadam ang pagmamahal sa isa't-isa.
"Anak, kung ito talaga ang gusto mo-"
"Dad." Agap niya. "Napag-usapan na natin 'to di'ba? Gusto ko ang gagawin ko. Mahal ko na rin naman ang mga tao natin. Gusto kong mapahalaan ang AMG. Don't worry, please. I know what I am doing."
Nagbubuntong-hininga itong tumango. Ngumiti siya at muli itong nayakap. Si Kristin ang kasunod nito. Pati na rin si Margarita. And everybody was there for her. She felt so overwhelmed. Pero parang kulang pa rin.
Nagpaalam siya upang pumunta sa artist lounge. Kailan niya kasing magbihis dahil may isang initimate dinner na inihanda si Kristin.
Nagulat si Thia nang buksan niya ang pinto. Tumambad sa kanya ang buong kwarto na puno ng bulaklak. Halos matakpan na ang lahat ng gamit na naroon. Mabango din ang buong paligid. Bumilis ang tibok ng puso niya. May ideya na siya kung sinong may pakana noon ngunit may alinlangan pa rin sa puso niya. Ayaw niyang umasa.
Ngunit wala ito. Nanlumong bigla si Thia. Ano bang gustong mangyari ni Seoff? Galit ba ito? Ano bang kailangan niyang gawin? She doesn't know how to face life without him. She can't wait forever, she must do something. Mabilis siyang kumilos upang magbihis. Kailangan na talaga niyang kausapin si Seoff. Pikon na pikon na siya sa ginagawa nito sa kanya.
Pagdating sa parking lot ay kinuha niya kaagad kay Auntie Lorie ang susi ng kotse niya.
"Saan ka pupunta?" tanong nito habang inaabot ang susi.
"Auntie, kailangan ko talaga siyang makita." sabi niya nang iabot ang bulaklak dito. Sumakay na siya ng kotse.
Nakakaintindi pa itong kumaway sa kanya nang paalis na siya dahil tiningn nito ang nakasulat sa card.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...