Natigilan si Thia nang paglapit siya sa dining area nang makita si Seoff na kausap ng daddy niya. At kasalo pa sa almusal. Totoo nga ang hinala niya na dumating ito. Sinundan ba siya nito? Pero bakit? Para mag-sorry? She doubted it. Hindi mangyayari iyon.
Bigla siyang napahugot ng hininga. Palagi na lang ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing makikita ito. Just laying her eyes to him made her shiver. Madalas tuloy niyang kastiguhan ang sarili.
Naghuling buga siya ng hangin bago ipinagpatuloy ang paglapit sa mga ito. Nakita siya ng kanyang ama ngunit nanatiling blanko ang ekspresyon sa mukha nito.
"Good morning, Dad." Aniya habang umupo sa tabi nito at katapat ni Seoff. At kahit hindi niya lingunin ito ay alam niyang nakatingin ito sa kanya.
"Good morning." Si Seoff ang sumagot. Saglit lang niya itong tiningnan at muling nulingon ang ama. Galit pa rin siya dito.
"Did you sleep well?" tanong ng kanyang ama habang inaasikaso ng nurse. Tiningnan niya ito.
"Yes, Dad. Anong pangalan mo?" tanong niya sa nurse pagkatapos sagutin ang kanyang ama.
"Ahm, Cindy po, Ma'am." Sagot nito at sinundan niya ang inilapag niyang mangkok sa harap ng daddy niya.
"Ano 'to?" tanong niyang muli tukoy ang pagkain. Umikot ang mga mata niya sa mesa. Nakahain ang isang platong bacon at hotdog. Pati ang loaf bread. Ngunit mas nakatuon ang pansin niya sa kakainin ng daddy niya.
"Turkey and squash soup ito, Ma'am." Magalang na tugon ng nurse.
"Did you put salt?" sunod niyang tanong.
"Hindi po."
Narinig niya ang mahinang tawa ng kanyang ama. "Alam ni Cindy ang ginagawa niya. Bukod sa pagiging nurse ay nutritionist din s'ya. Don't worry. Hindi n'ya ako lalasunin."
"Dad." Tila nasaktan niyang saway dito.
Tiningnan niya nito habang sumusubo. "I'm still fine. Ang dapat inaasikaso mo ay kung paano magpapatulong kay Seoff."
Lumipad ang tingin niya sa katapat. Hindi siya tumugon at inabot na lang ang loaf bread pero inunahan siya ni Seoff.
"Let me." Anito at nilagyan siya ng dalawang hiwa ng tinapay saka ngumiti. Lihim na napasinghap si Thia sa ngiting iyon. Naiinis naman niyang sinaway ang sarili. Hindi naman niya kailangang magkaganoon sa harap nito.
"Thanks." Malamig niyang tugon sabay kuha ng bacon.
"Nagustuhan mo ba ang flowers?" tanong nito at kaagad siyang tumingin sa kanyang ama. Tumingin lang din ito sa kanya na tila hindi nagulat sa narinig.
"O-okay lang. Salamat." Tangi niyang tugon habang ilang na ilang. Napakakaswal nitong kumilos gayong may kasalanan ito sa kanya.
"Thia." Ang kanyang ama. "Naiintindihan mo kung gaano kalaki ang ating kumpanya?"
Tumango siya. "It's a conglomerate so I suppose malaki 'yon."
"How big?"
"Larger than life." Tugon niya.
Nagbuntong-hininga ito. "Hindi pa nasasabi sa'yo ni Seoff nang buo kung ano ang problema. Kung bakit nagawa kong pauwiin ka dito para kilalanin kung ano ka talaga at kung anong mayroon ka."
Hindi siya tumugon. Napalingon siya kay Seoff na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Ano pa ba ang kailangan niyang malaman bukod sa lumalala ang lagay ng kanyang ama?
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...