Aaminin ni Thia na na-miss niya ang halimuyak ng probinsya. It has been eight years. Kaya kahit may halos sampung na oras siyang nagmaneho hanggang Isabela ay hindi niya alintana. She loves long driving. Isinasabay kasi niya na pagmasdan ang magandang tanawin. Sinabayan pa iyon ng magandang panahon kaya tila kumikinang ang mga palay dahil sa araw. It was relaxing to watch. Lalo pa't hinahaplos ng sariwang hangin ang kanyang mukha dahil hindi siya gumamit ng aircon at hinayaang nakabukas ang bintana ng kotse niya.
Nang marating niya ang arko ng bayan ng Malapaya ay kaagad niyang natanaw ang nasasakupan ng farm ng mga Adriatico. Isang napakalawak na niyugan kung saan naroon ang malaking planta na gumagawa ng lambanog. Ang isa pang planta ay nasa kabilang bayan kung saan doon naman ginagawa ang ibang klase ng alak.
She can barely remember her memories. Dahil na rin hindi niya iyon gustong alalahanin. Sa Malapaya siya ipinanganak at lumaki hanggang sixteen years old. She had a normal life. Pero hanggang doon lang. Dahil hindi sila naging malapit ng kanyang ama. Nang mamatay ang kanyang ina ay si Yaya Ising na ang nag-alaga sa kanya. At habang lumalaki at nagkaka-isip ay unti-unti niyang nararamdaman kung gaano kalayo ang loob ng sarili niyang ama. Iyon ang hindi niya maintindihan. Saka lumatag sa kanyang kaisipan na dahil iyon sa kanyang ina na hindi minahal ng kanyang ama.
Kaagad na bumusina si Thia nang marating malaki at mataas na narra na gate ng farm. Sa maliit na pinto ay lumabas ang isang lalaki. Nakita niyang ngumiti ito nang makilala siya.
"Good afternoon, Ma'am." tuwa nitong sabi. Ngumiti siya. Muli itong pumasok at kasunod noon at bumukas ang gate.
Malaki ang ipinagbago ng mansyon nila. Ang dating konkreto lamang na daan patungo sa entrada ng bahay ay napalitan ng bricks. Kung dati ay kulay bato ang buong bahay, ngayon ay naghahalo na ang cream at brown na may bahid pa ng lila. Napabuntong-hininga siya nang malalim. She can really barely remember the place.
Nakita niya si Yaya Ising sa malaking pinto ng bahay.
"Anastacia! Mabuti't nakarating ka na. Kumusta ka na? Halika at nang makapahinga ka." Masaya nitong salubong sa kanya. Kaagad siya nitong niyakap.
"Hi, Yaya." Bati niya sabay tugon ng yakap.
"Halika, halika. Naku! Pagkaganda ng batang ito ngayon. Kumusta ka na ba sa Maynila? Kumusta si Lorie? Dalaga pa rin ba?" Masayang bati nito at panay ang tanong.
"Okay naman po. Kumusta dito?" Pangungumusta din niya. Tumawa ito habang pinagbuksan siya ng pinto.
"Maayos naman kami. Pero ang daddy mo panay pa rin ang punta sa planta simula nang umuwi dito. Madalas ngang pagalitan ng doktor niya. Hindi ko alam kung namimiss lang ang trabaho sa Maynila. Kausapin mo nga ang tatay mo." Pagsusumbong nito.
Napailing na lang siya. Kung sundin man niya ang sinabi nito na pagsabihan ang daddy niya ay wala ring mangyayari. Hindi pa nangyaring sumunod at nakinig sa kanya ang daddy niya.
"Si Tatay Delfin po?" tanong na lang niya sa asawa nito para maiba ang usapan.
"Kasama ng daddy mo. Nag-aalala kasi kami sa kalagayan niya." Sagot nito. "Ako na ang bahalang kumuha sa mga gamit mo mamaya."
She smiled. Dumeretso sila sa kusina at naupo siya sa kahoy na dining chair. Pinanood niya ang pagkilos nito sa kusina.
"Maida, tumawag ka nga sa planta at sabihin mo sa senyor Ed mo na narito na si Thia." utos ng ginang sa isa pa nilang kasambahay. Kaagad itong tumalima at sumunod.
Lumapit ang ginang sa refrigerator. Naglabas ito ng isang stainless na pitsel at napangiti siya nang maalala ang laman noon.
"Hanggang ngayon pala, gumagawa pa rin kayo niyan." Saad niya sa nakangiting yaya. Nakita pa niya ang puting-puting laman na buko na nalaglag sa baso. Parang naamoy niya ang bango noon.
"Aba'y oo naman. Araw-araw ay naghahanda ako dahil alam kong darating ka at hahanapin ang paborito mo. O, heto."
Kinuha niya iyon at sabik na ininom. Inisang lagok niya iyon. Nagiginhawahang inilapag ang wala nang laman na baso. Napatawa ang ginang.
"Ikaw pa nga rin ang Anastacia ko." Sabi nito at pinahid ng suot nitong duster ang gilid ng kanyang labi.
"Masarap pa rin." Totoo sa loob niyang komento. Muli nitong sinalinan ang baso niya.
"Sana, eh, manatili ka na ngayon dito. Kailangang kailangan ka na daddy mo. Si Kristin ay abala naman sa-"
"Kristin?" biglang nagtaka niyang putol dito. Napatitig ito sa kanya. May ilang sandali itong hindi umimik na tila iniisip kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Hanggang sa,
"Madalas na umuuwi pa rin dito ang pinsan mo para bisitahin ang daddy mo." Sagot nito kalaunan.
"Kahit kailan talaga." Puno ng ngitngit niyang saad. Narinig niya ang pagsaway ng ginang.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Matatanda na kayo ni Kristin. Kung anuman ang ayaw mo sa kanya noong mga bata pa kayo, kalimutan mo na. Mas dapat kayong magtulungan ngayon." Saad ng ginang.
Sasagot sana siya nang muling pumasok si Maida. "Nana Ising, pabalik na daw ang senyor."
"Sige salamat. O, mabuti pa ay sa kwarto ka na muna habang hinihintay ang daddy mo."
"Okay." Sabi niya at tumayo. Ngunit sa tagong bahagi ng puso niya ay naroon ang kaba dahil sa napipintong pag-uusap muli ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomanceHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...