Chapter 1

934 24 0
                                    

"Bakit hindi mo sundin ang Auntie mo?" tanong ng kaibigan ni Thia na si Amber. Kasalukuyan silang nasa loob ng artists' lounge sa Roxy City.

"Para mapahiya?" ma-emosyon niyang sagot.

"Si tito Edison ba iniisip mo o ang ex mo?" Ani Cassie habang inaayos ang lace yellow fingerless gloves nito. Hindi niya ito pinansin.

Roxy City Luxury Superclub. Ito ang nagkanlong kay Thia sa loob ng halos tatlong taon. Nasa kolehiyo pa lang siya nang maging member ng 'Xquizit. Ang naturang club ay itinuturing na pinakamalaki at pinakasikat na club sa kamaynilaan. Nasa Taguig City ito. Pag-aari ito ni Roxanne Roswell at ng sikat recording company na LinkMusic Inc na pag-aari naman nina Lourd Fortes at ni Jared de Veyra na isang city councilor.

Dinarayo ng high class partygoers, socialites, celebrity o kahit ng mga pulitikong tao. Highly operated na maituturing ang Roxy City dahil sa laki nito. Dahil isa rin itong coffee shop sa araw na laging puno ng mga patrons. Masasarap daw kasi ang mga kapeng isi-serve sa Roxy.

Nahahati sa tatlong sections ang club. Ang Partyhouse, Stageplay at ang Private Roxy. Nasa ikalawang palapag ang Private Roxy kung saan naroon ang mga VIP lounges at rooms.

At katabing-katabi ng mismong club ang 'Lou Room'd' na isang European country manor inspired na maaaring pagpahingahan ng mga members. May tatlumpung kwarto ito na may kanya kanyang theme. Well-furnished at modern ang designed kahit country ang tema. Ang co-owner ng Roxy City na si Lourd Fortes ang nakaisip na magpatayo nonon dahil karamihan sa mga kaibigan ng binata na pawang member ng club ay hindi na makauwi sa kanila-kanilang mga bahay sa sobrang pag-eenjoy o sa sobrang kalasingan. Dagdag pribilehiyo na din daw iyon sa mga loyal at exclusive members.

Bukod sa magarbong club at mahusay na serbisyo ng club ay ang 'Xquizit ang dinarayo sa Roxy City kung saan isa sa miyembro si Thia. 'Xquizit consists of five young talented women who work as dance artist in the club. Lahat sila ay magagaling at may passion sa pagsasayaw. They devoted their time and effort to dance. At para maisakatuparan ang passion nila ay kinanlong sila ng Roxy City.

"Matanong nga kita, Thia." Ani Amber. Tiningnan niya nang masama ang kaibigan.

"Don't start, Amber. Kung ayaw mong sabihin ko sa mommy mo-"

"Hey! Hindi ako ang issue dito." Kunwa'y pagtatanggol nito sa sarili.

Kaninang umaga ay ang Auntie Lorie niya, kapatid ng namayapang niyang ina, mismo ang gumising sa kanya para lang sabihin na kailangan na niyang magtrabaho sa kumpanya nila, ang AM Global Corporation.

Kasama ang lolo niya sa tuhod na si Dr. Eugenio Adriatico katuwang si Don Sean Iñigo Munez ay itinayo ang kumpanya na distillery matapos magtrabaho ng mga ito sa Middle East. Sinimulan ng mga ito na i-improve ang kalidad ng paggawa ng lambanog. Namayagpag sa merkado ang formula na mismong mga ito ang gumawa at doon nagsimula ang paglago ng kumpanya. Bumilang na ng maraming taon ang operasyon kaya naisalin na ito sa bawat henerasyon ng pamilya Adriatico at Munez. Mabilis ang naging paglago niyon at kalaunan ay nanganak ng iba't-ibang business ventures at naging isang makaling conglomerate company. Ang kanyang ama ang kasalukuyang chairman at ang nag-iisang apo ng Don Munez na si Seoff ang kasalukuyang vise-president for operation.

Kung tutuusin ay dapat na magtrabaho siya sa sarili nilang kumpanya. Bente-tres anyos na siya at matagal na niyang natapos ang kursong Business Management ngunit hindi pa niya nararanasang magtrabaho doon. Dahil iba ang gusto niyang gawin.

Anastacia or used to be called 'Thia' by her families and friends grew up with playing music in her ears. Tatlong taong pa lang siya nang matutong tumugtog ng piano at magsimulang kumanta. Ang sabi ni Auntie Lorie ay namana niya ang hilig sa musika sa kanyang ina na si Virna Didez na dating mang-aawit. Ngunit ilang buwan pa lang siya noon nang mamatay ito dahil sa isang car accident.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon