Chapter 10.2

455 19 1
                                    

"Seoff?"

"Yes?" patamad na sinagot ni Seoff ang intercom.

"Gusto kang makausap ni Lourd. Narito siya sa labas." sagot ng assistant na si Alfred, ang loyal guy assistant ng Papa niya. Ito na muna ang tutulong sa kanya habang wala pang nakikitang kapalit si Thia.

"Okay." sagot niya at tumayo. Nakapamulsang tinitigan ang artwork sa dingding na bigay ng kaibigan niyan artist na si Calvin Esguerra.

Narinig niyang bumukas at sumara ang pinto. Alam niyang si Lourd ang pumasok. Tiningnan niya ito ngunit muli ring ibinalik ang tingin sa artwork.

"I'm waiting." sabi ni Lourd mula sa likod niya.

At bago pa makagawa ng kahit ano si Lourd ay inundayan na niya ito ng isang suntok. Sumadsad ito sa sahig at kung wala ang couch ay baka napasama ang bagsak nito.

"Ang sakit naman yata no'n Seoff." nakangiwing sabi nito habang hawak ang dumudugong bibig.

Dinukwang niya ang drawer at kinuha first aid kit. Inihagis niya ito kay Lourd.

"Gamutin mo sarili mo." at sinalo nito iyon. Umupo ito sa couch at sinimulang gamutin ang sarili.

"I'm really sorry. I know hindi ako dapat nanghimasok sa inyo. Masyado kasing nasaktan si Thia. It was not easy for her, you know." sabi nito habang dahan-dahang nilalapatan ng gamot ang sugat.

Nakasandal si Seoff sa harap ng mesa niya at nakapamulsa. Pinagmamasdan niya ang nasaktang kaibigan.

Masasabi niya na si Lourd Fortes ay lakas niya sa maraming bagay. He had been the best bestfriend one could ever have. Matagal na ang pagkakaibigan nila at kahit hindi sila madalas magkita dahil parehong abala sa buhay ay hindi siya nito binigo kahit kailan. Kahit naman ang pagtatago nito kay Thia ay hindi naman talaga kasalanan. Kaibigan din nito sa Thia kaya natural lang protektahan nito ang dalaga. He would do the same if were in Lourd's shoes.

"Dumadami na ang kasalanan mo. Hindi ka ba nagkagusto sa kanya? Naisip ko na 'yon kaso lang naisip ko na takot kang mabugbog ka hindi natuloy sa ligawan ang pagkakaibigan n'yo." sabi niya.

"Magkaibigan lang kami. Pero aminin na natin, Seoff. Magkapareho tayo ng taste pagdating sa babae. Thia is sexy..." hindi na natapos ni Lourd ang sasabihin dahil nakita nito ang matalim niyang tingin.

"Ano? Totoo naman ang sinasabi ko."

"Shut up." sagot niya.

"Aminin mo, noon pa man gusto mo na siya. Hindi mo lang siya matagalan dahil siya lang babaing hindi basta sumusunod sa'yo. Siya nga lang babaing hindi naghabol nang iwanan mo di'ba? " naiiling na sagot nito kasunod ng pagngiwi. Napangiti na rin siya dahil nag-uumpisa nang mamaga at mamula ang sinuntok niya rito.

"Bakit hindi mo na lang siya puntahan? Mahal n'yo naman ang isa't-isa." sabi nito.

"It is not that easy. Tinanggihan na niya akong pakasalan." sagot niya.

"Because you made the wrong proposal. Hindi ka kasi marunong." pang-iinis nito sa kanya.

"You know what..." patuloy nito. "Ano pa bang pumipigil sa'yo? If it's me your thinking, Seoff wala kaming relasyon. Hindi nga ako nagkaroon ng chance mai-date 'yon. Hindi siya para sa'kin dahil hindi n'ya ako tiningnan tulad ng pagtingin niya sa'yo. Don't waste time, dude. Hindi imposibleng lumayo siya sa'yo dahil anytime pwede niyang tanggapin ang career overseas, as in over-seas." napangiwi ulit ito at hinimas ang panga.

"At sino namang may sabi sa'yo na papayagan ko siya." He said in furious.

"Sinasabi mo 'yan pero wala ka namang ginagawa. You've done enough to win her heart. You just need to say the magic words." Saad nito at muling napangiwi.

Natawa na lang siya sa itsura nito, "Bumawi ka na lang sa susunod."

"Ano pa bang ipinagmumukmok mo?" He asked again instead.

"Nasasaktan lang siya sa'kin." He said.

"Ano bang sinasabi mo?" litong tanong nito panay pa rin ang himas sa panga.

He sighed, "I cannot make her happy. Alam ko kung gaano niya kamahal ang ginagawa niya. Nagawa niyang talikuran ang responsibilidad sa kumpanya dahil sa pangarap niya. I can't cut her wings."

"Hindi niya talaga isusuko ang pangarap niya para sa'yo. Iyon siya. And if you know her, maiintindihan mo ang sinasabi ko." Seryosong sagot nito.

"Kaya palalayain ko siya." He said hurtfully.

"At ang akala mo naman iyan ang pinakamagandang gawin? Seoff, you love her already. Inumpisahan mo na rin lang na ipaglaban siya, ituloy mo na hanggang dulo. And I assure you...she can love you both. You and her dream. Wala siyang ibang minahal kundi ikaw. At sa gagawin mo, sasaktan mo na naman siya kung sakali. " panenermon nito sa kanya.

"Masyadong kumplikado. Lalo kaming hindi magkasundo nang magkita kami ulit. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin namin mapatawad ang isa't-isa." Tanging nasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagbuntong-hininga siya. "We lost our supposed to be our first child a year ago. Magulo eh, no'ng nalaman kong nagbunga ang nangyari sa'min I thought of marrying her. But just two weeks later, nakunan s'ya. Noon ko rin nalaman na nagsasayaw pala s'ya. Nagalit ako kaya hindi ko s'ya kinausap. Nag-isip ako. Pero nang puntahan ko s'ya para makipag-ayos wala na s'ya. Ayaw rin namang sabihin sa'kin ni Auntie Lorie kung nasaan s'ya. Alam kong ando'n lang s'ya. Ayaw lang n'ya akong kausapin. It hurts me, you know."

Ilang saglit na hindi nakakibo si Lourd. Marahil hindi nagbanggit si Thia sa mga ito tungkol sa nangyari sa kanila. Ganoon din naman siya. Masakit para sa kanya ang lahat kaya hindi siya kumportable sa ikwento iyon kahit kanino.

"Ayusin n'yo 'to, Seoff. Hindi pa huli ang lahat." Anito matapos ang ilang sandali.

Umiling siya. "I think that's not a good option."

Mapikok-pikon na hinagod ni Lourd ang buhok nito patalikod. He even exagerately laughed.

"Naman! Sean Iñigo Munez IV. Daig mo pa ang nag-iinarteng spoiled brat. What happened a year ago was over. Ngayon n'yo kailangan ang isa't-isa. At anong gusto mo? You want her to stop working and be a plain submissive wife? Huwag kang selfish, Seoff."

"Masisisi mo ba ako kung ganoon ko siya kamahal?" inis iyang sagot.

"Well, bahala ka." Tumayo na ito manaka-naka pa rin hinahawakan ang panga nito.

"Hinihintay ka niya. At miss na miss ka na niya, Seoff. At alam kong ganoon ka rin. Baka nga mas matindi pa." sabi nito at lumakad na palabas ng opisina niya.

Huminga ng malalim si Seoff at tiningala ang kisame. How he missed Thia. Kung siya lang ang masusunod ay pinuntahan na niya ito at kinausap pero nag-aalala siya kung kakausapin siya nito.

Bumalik siya sa mesa niya at binuksan ang drawer. Maya-maya'y hawak na niya ang isang maliit na kahon na kulay itim. Saka binuksan iyon at tumambad ang isang diamond ring.

"Anong gagawin ko?" tanong ni Seoff sarili. Thia is the first woman that drove him crazy. Galit siya dito pero mahal na mahal naman niya. He must be really out of his mind.

ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon