Nakita ni Seoff na sumakay ng taxi si Thia. Binuhay niya ang makina ng kotse niya. Balak niya itong sundan. Kailangang masiguro niya makakauwi ito nang maayos. He will feel guilty kung may mangyayaring masama rito.
"Wicked brat." Bulong ni Seoff sa sarili.
Magmula pa nang umalis si Thia sa opisina ay sinusundan na niya ito. Hindi siya nagkamali ng naisip kung saan ito pupunta. Sa Roxy City.
Dapat ay aalis na siya matapos ang kalahating oras na pagtambay doon. Pero muli niyang nakita si Thia na sumayaw sa stage kasama ang mga kaibigan nito.
He saw Thia dancing on stage at sinisigawan ng mga tao. And most were men. Hindi malaswa ang sayaw ng mga ito. Hip hop ang tema ng galaw ng lima sa pagkakaalam niya. Kasama nito ang sikat na Hollywood choreographer na si Bam Lewis. He barely knew the name. Wala siyang kilala sa entertainment world kundi rin lang sikat.
They were good. Thia's skill on that craft was great. Nakita niya iyon. Hindi niya napigilang humunga sa dalaga. Nakasuot ito ng tila bionic man costume na hapit sa katawan. At sa bawat galaw nito ay nahahantad kurba noon at minsa'y pati cleavage. Pero parang wala itong pakialam. Tila nag-eenjoy pa ito.
Kung tumagal pa nga ang relasyon nila ay baka na-engaged sila. But the thing was, he doesn't like Thia. He hated her attitude, her stubbornness, and her actions. But again, in spite of all those crap, he found Thia so stunning. He liked her face. Diamond shaped eyes, thick lips in a cream complexion. Kaya nang sabihin sa kanya ng mama niya na subukan itong kilalanin ay hindi na niya itong tinanggihan. Pero may mga bagay pa rin na naghihiwalay sa kanilang dalawa. He was planning the best of things. Hindi ganoon si Thia. Hindi ito kasundo ng sarili nitong ama. Madalas nasa gimikan. Walang direksyon ang buhay.
Wala silang formal break up gaya din ng walang pormal na ligawan na naganap. Basta na lang sila hindi nag-usap nito and everyone concluded a closure. Walang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit nagalit sila sa isa't-isa na humantong sa paglayo ng dalaga. Tanging sila lamang ni Thia at Auntie Lorie ang nakakalam. Nasaktan din siya. Iyon ang hindi alam ni Thia. Nagalit siya dahil sa paniniwalan niya ay nagpabaya ito.
If they ever got married, walang malaking problemang kailangang ayusin tungkol sa ownership ng kumpanya. He could handle the company na hindi nag-aalala sa estado ng mga Adriatico. Dahil asawa niya si Thia. His wife. His spouse. His other half. His love.
Nang pumasok ang taxi sa subdivision ay saka pa lamang ito nilubayan ni Seoff. Saka huminga ng malalim dahil sa pagod. Hindi magiging madali ang lahat sa pagitan nila ng dalaga dahil sa lihim na nalaman niya kanina lang. Hindi niya alam kung kakayanin pa ni Thia ang sakit kung sakali.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 2: ALL THE THINGS YOU ARE (PUBLISHED UNDER PHR 2014)
RomantizmHi! Well, obviously ay ito ang second story sa Roxy City Series ko under PHR. It took me so damn long to post it. Ngayon na lang talaga sinipag at nagkaroon ng time. Hehe. The version posted is the unedited and raw one. Draft ko lang kasi ang meron...