SWAL07

336 62 5
                                    


Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa din si Francine sa kwarto nito,mukhang napagod talaga.

Naligo muna ako bago naghanda ng makakain para sa'ming dalawa. Bacon and egg lang at saka fried rice partnered with black coffee for breakfast lang. Matapos maihain ang pagkain ay kinatok ko na si Francine sa kwarto niya.

Kusot kusot nito ang mata nang lumabas ito ng kwarto niya. Naupo ito sa harap niya at nagsimula na silang kumain.

"What happened?" Francine asked matapos ang mahaba-habang katahimikan.

"Huh?"

"Last night, I mean."

"Ahh,wala naman. I agreed." I plainly replied dito at sumimsim sa kape nito.

"Saan?" tanong muli nito.

Lutang pa ang gaga!

"Sa marriage proposal niya." Simpleng sagot ko dito habang kumakain pa din.

"Ahh ikakasal ka na." Napatingin siya rito, "Kas-WAIT!-WHAT?! PUMAYAG KA NA?!" Napatayo pa ito mula sa kinauupuan na parang gulat na gulat sa nalaman.

Ano namang nakakagulat kung pumayag ako? Siya pa nga itong isa sa kumukumbinsi sa kanya, eh.

Napailing na lang ako dahil sa reaksyon ni Francine. Ang isang 'ito talaga, minsan-madalas ay over kung mag-react.

"Ba't parang gulat na gulat ka?" She asked.

Naupo ito, "Wala lang! Akala ko kasi hindi ka papayag?" Sagot nito at nagsimula na muling kumain.

"What made you think that?" Hindi ba talaga kapani-paniwala na pumayag siya?

Her best friend sighed and look at her, "Wala naman. Good luck sa married life, sis." Francine said then smiled to her.

Ngumiti na lang din siya at tinapos na ang agahan.

Nag-ayos lang siya sandali at nagpaalam na aalis na. Alas nuebe ng umaga ang meeting niya kay Aldrich. Naka-set as appointment ang meeting nila. Siya ang nag-set 'non. May mga rules siyang ibibigay sa deal nila. Aba, hindi pwedeng basta kasal lang.

Alas otso pa lang nang lumabas siya ng apartment. Dadaan pa siya sa printing shop sa may cafe sa labas bago pumunta sa opisina ni Aldrich.

Hindi din naman nagtagal at she's on her way to Aldrich' office na din. Hawak ang folder- na naglalaman ng mga kondisyon niya sa kasal nila, Clark welcomed her to his boss' office and told her to just wait. Lumabas ito sandali at bumalik na may dalang isang baso ng mango juice at slice ng mocha cake.

"Please wait for a while here, Ms. Dela Cruz. Boss is just in a meeting, he'll be here after some time." Clark after puting the tray on the center table, kaharap ng kinauupuan ko.

Ang aga-aga naman ng meeting.

"Sure." I just said and smiled at him.

His phone suddenly rung at nagpaalam na itong lalabas.

Ilang minuto na akong naghihintay sa loob ng opisinang 'to. Nakalahati ko na din ang mango juice ko at paubos na din ang cake.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Normal type of office place. Gray are the main color tho. Ang ganda din ng view dahil sa glass wall.

Kumpleto at maayos din na nakasalansan ang iba't-ibang klase ng libro sa book shelves. Lumapit ako dito at isa-isang tiningnan ang libro. Mahilig akong magbasa ng libro kaya inisa-isa ko itong tingnan, looking for something na pwedeng basahin. Kaso mukhang tungkol sa business ang mga librong ito. May ilang magazines na sa tingin ko naf-feature ang company niya. Napatingin ako sa taas nito, at hindi sinasadyang mapansin ang 3 libro na pere-parehong kulay gray, mas maliit ang mga ito kaysa sa mga kahanay nito.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now