SWAL22

220 23 5
                                    


Early in the morning, sinundo ako ni Francine sa bahay.

Gusto niya daw gumala para makatakas sa stress. Pinagbigyan ko na. Kailangan ko rin makapag-isip isip.

Lalo na sa nangyari kagabi.

We just walked and walked while talking about random stuffs.

"Patapos na ako sa latest project ko. And you know what, naisip kong magsulat ng BL story." She giggled. Kumunot naman ang noo ko.

"Boy's Love story?"

She nodded. "Tapos ang inspiration ko si Aldrich, si Zaryl my loves at saka si Clark. Tapos ikaw 'yung kontrabida." She laughed.

Napailing na lang ako. Kung ano-ano talaga ang naiisip ng babaeng 'to.

"'Wag na muna natin pag-usapan ang tungkol sa kahit sino sa kanila. I want some peace of mind." I sighed.

"Ano na namang nangyari? Nag-away na naman kayo?"

I bit my lower lip as I remembered the kiss last night. I felt my cheeks flushed.

"H-hindi naman." She looked at me weirdly as I stuttered. Mas lalong namula ang mukha ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"So bakit ayaw mong mapasok sa usapan ang asawa mo?" She asked curiously.

Paano ko ba sasabihin?

"Kasi, kagabi, I prepared a dinner to celebrate our birthday. Nagluto ako. Magb-bake pa nga sana ako ng cake kaso kukulangin ako sa oras—" my words fell in deaf ears when a car stopped beside us.

"Hmm. Mukhang wala pang kalahating araw kayong nagkakahiwalay sinusundo ka na."

The window in the backseat rolled down and we saw Aldrich. "What a coincidence. Did you eat your lunch? Let's go eat lunch with me."

"Hindi pa nga ee. Sakto gutom na 'ko." Francine laughed.

"Let's go?"

"Sure!" She exclaimed. Binangga pa ako sa balikat ko "Hindi naman maghihirap yang asawa mo kung magpapalibre ako ng lunch. Ngayon lang 'to." Bulong pa nito.

Napairap na lang ako. It's not that. Iniiwasan ko nga ang Poseidon na 'to ee.

After the kiss last night we brought home the cake. Kumain kami pagka-uwi nung niluto ko. It happens na hindi pala talaga siya kumain kasama si Zatara kaya gutom daw siya.

Lumapit si Francine sa sasakyan ni Aldrich at saka binuksan ang pintuan sa gilid ni Aldrich. "Tabi kami ni Sissy, Aldrich. Lipat ka na lang sa front seat." She shamelessly said.

I mentally cursed Francine. Hindi 'man lang nahiya, jusko.

Ilang segundo namang napatitig si Poseidon kay Francine bago napakurap at saka dahan-dahang bumaba.

Nilingon ako ni Francine at saka nakangiting hinila. "Tara na. Gutom na 'ko." Sabi niya pa at saka naunang pumasok sa loob.

Awkward akong napatingin kay Poseidon. I smiled apologetically at saka umikot para makasakay na din.

Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo sa labas at saka pumasok at naupo sa front seat.

"Coincidence lang ba talaga na nandito ka?" Tanong ko ng umandar na ang sasakyan.

"I came to pick you up." He looked at me through the rare view mirror.

Pasimple akong kinurot ni Francine sa tagiliran. Ngiting-ngiti siya at tumataas-baba pa ang kilay.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now