SWAL11

330 53 2
                                    


Nagising ako nang makaramdam ng gutom.

Paano ako napunta sa kwarto?

Sa pagkaka-alala ko, kausap namin si Mrs. Castro for the surgery tomorrow.

Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa bedside table at nakitang alas otso na ng gabi. Ilang oras ba akong nakatulog? Nagugutom na ako, eh.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Ang tahimik naman. Well, wala nga palang maingay sa bahay na'to. Bumaba ako sa kusina para sana magluto ng pagkain pero naabutan ko si manang na naglilinis sa sala.

"Manang, gabi na. Bukas ka na maglinis diyan, magpahinga ka na po." Saad ko dito.

"Hija, andyan ka pala, naku 'wag mo na akong pansinin sa ginagawa ko. Kumain ka na dyan, hindi ka na pinagising ni Aldrich kanina dahil mukhang pagod ka daw. Sigurado akong gutom ka na, hindi ka din kumain ng tanghalian kanina." Ani Manang at nagpatuloy sa pagb-vaccum ng carpet. Gabing-gabi naglilinis, at saka hindi naman ganoon kadumi sa bahay na'to, eh.

"Speaking of that, Manang, paano ako napunta sa kwarto?" Tanong ko at lumapit sa may sofa, "Sa pagkaka-alala ko kausap namin si Mrs. Castro sa office niya. Hindi ko din alam kung ilang oras na akong tulog." sabi ko at nilingon pa ang pintuan ng office ni Aldrich.

"Naku ija, nang makaalis iyong bisita niyo kanina ay, buhat-buhat ka na ni Aldrich paakyat. Pagod ka raw sabi niya. At saka, may limang oras ka ding tulog. " Saglit lang ako nitong nilingon at bumalik na sa paglilinis.

Nakatulog ba ako habang kausap namin si Mrs. Castro? Pero sa pagkakatanda ko naihatid na ni Aldrich si Mrs. Castro. Nakqtulog ba ako pagkalabas ng dalawa? Ganoon na ba ako kapagod.

Pinagsawalang-bahala ko na lang ang isipin at dumiretso na sa kusina. Nakahanda na nga ang pagkain at natatakpan lang.

Naupo ako at nagsimulang kumain.

Bukas na ang treatment ko, ang sabi ni Mrs. Castro, it'll take weeks or months para maka-recover, and I need to be fine as soon as possible. And from then, I'll make sure to take care of myself. I'll be more careful. I need to be healthier para hindi na ako magkasakit.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na aakyat na para ituloy ang pagpapahinga at nagpasalamat lang ako kay Manang sa sala.

I was about to go upstairs when I see the door from Aldrich' office was slightly open. Sarado naman ito kanina, siguro nandoon si Aldrich.

Lumapit ako at akma na sanang papasok ng marinig na may kausap ito.

"Thank you for cooperating... I'll make sure not to drag you into this mess... Sure... I'll tell her then... Let's just cross the bridge when we get there... Yeah... I just hope she won't hate me for doing this... I know, but I won't let go of her... Thank you again and I'm sorry for getting you in my mess... Bye."

May problema ba si Aldrich? At saka anong 'hate so me much' keme? May kaaway ba siya? Bakit parang nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, eh, hindi ko naman naiintindihan ang ibig niyang sabihin? Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng dinadala niya. Ramdam ko sa boses niya.

Nasa pag-iisip ako ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas si Aldrich. Nakita ko itong natigilan ng makita ako sa labas ng opisina niya. I was shocked too. Hindi ko akalaing lalabas siya.

Malamang, sa harap ng pintuan yang kinatatayuan mo! Pasukan at labasan yan!

Shems! Baka sabihin niya nakiki-chismis ako!

"What are you doing there?" He asked looking at me.

"Uhm..." Ano bang ginagawa ko dito? Nakita ko lang namang nakabukas ng kaunti 'yung pintuan ng opisina niya. Isasara ko sana?

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now