SWAL16

304 54 4
                                    


Nang makapag-paalam si Zatara at si Zaryl sa mag-asawa ay dumiretso ito sa CN's Pub.

Imbes na umuwi ay diot niya niyaya si Zaryl. Gusto niyang magpakalasing kahit ngayong gabi lang. It hurts seeing her supposed to be love married to another woman. Nasasaktan din ang pride niya dahil hindi niya malaman kung ano ang mayroon sa Yrza Belle na 'yon. Why? Why not her? Nakausap niya ang babae kanina, hindi niya lang alam kung paano kokomprontahin ang babae. Ang dami niyang gustong malaman. Ang dami niyang gustong itanong. She had the chance a while ago, but she can't compose herself to ask her. Natatakot din siya sa maririnig na sagot.

'I actually grew up with Aldrich. And I was always curious what is his standards for his woman.' Yeah, right. Halos sabay kaming lumaki. Mas nauna pa niyang makilala si Aldrich kaysa kay Zaryl. Nagkakilala lang din naman ang dalawa dahil sa kanya. Sa buong buhay niya kasama niya si Aldrich. She doesn't have other friends maliban sa dalawa. Pero hanggang ngayon, wala siyang alam kung anong klaseng babae ang tipo ni Aldrich at Zaryl. Wala siyang kaide-ideya.

Nagsalin siya ng Bourbon Cobbler sa shot glass niya at tahimik na inisahang lagok iyon. Nagsalin pa siyang muli at saka mahinahong sinimsim na lang 'yon. Ramdam na niya ang hilo. But she's still fine. Marahan siyang nainom sa baso ng may kamay na humawak sa baso niya at ibinaba ang baso. Nang ti gnan niya kung sinong pangahas ang gumawa ay nakita niya si Zaryl na nakataas ang isang kilay habang walang emosyo g nakatingin sa kanya. "What?" Nakalimutan niyang kasama nga pala niya ito.

"Stop drinking, Zatara. Getting drunk to ease your stress isn't good." Sabi nito.

Inirapan niya ang lalaki at muling sumimsim sa baso. "You know what, 'nung bata pa ako, if I want something I'll definitely have it. By hook..." Nagsalin siyang muli sa baso at tiningnan ang kausap, " or by crook." she said with fiery stares on her shot glass. "And this time is just the same. He'll definitely end up with me."

Zaryl sighed. Masama na ang tama ni Zatara. "Do you think Aldrich is some kind of dress and you can buy it with your money?" Sumimsim din ito sa shot glass niya, "Zatara, may mga bagay sa mundong ito na hinding-hindi natin makukuha kahit gaano pa natin kagusto. Stop trying. To get him is even harder than achieving your wildest dreams. Let go of him."

Napairap naman ang babae at masamang tiningnan ang kausap, "Hindi ka pa nai-inlove diba? You never liked someone else before."

"Hey! hey! Ang dami kayang humahanga at nagkaka-gusto sa'kin. Kapag pumili ako ng isa sa kanila maraming mab-broken hearted and worst ma-depress."

Natawa siya, "That's why you don't understand. Love is not just about letting go. I won't go down without a fight, Zaryl. Ilang taon ko nang dala-dala ang feelings ko para sa kanya. I won't let anyone step on it. I'll get him."

Hindi naman na umimik si Zaryl. May punto ito. At saka, kung sakaling makuha nga nito si Aldrich sa Yrza Belle na 'yon, pabor din sa kanya. Pero kapalit naman non ang nararamdaman ni Aldrich. Alam niya at nararamdaman niyang, may pagtingin ang kaibigan sa babae.

"Aldrich... Akin ka lang. Mine. Mine. Alone." Narinig niyang bulong ni Zatara habang pinaiikot ang laman ng shot glass nito.

Ano ba ang nangyayari sa mga buhay nila? Nagtagal pa sila ng ilang oras sa bar at hinayaan niyang magpakalasing ang babae. Ito naman ang magkaka-hang over. Alas tres na ng pinilit niya itong umuwi. Ni hindi na makatayo ng maayos dahil sa kalasingan.

Nang maihatid niya ito sa bahay nito ay ibinilin na lang niya sa mga kasambahay ang amo nila at umuwi na siya para makapag-pahinga.

NANG MAKAALIS ang mga kaibigan ni Aldrich ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya at naglinis ng katawan. Matapos 'yon ay tinawagan niya ang kaibigan kahit pa pasado alas dose na. Sleeping late is normal to the both of them.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now