SWAL18

249 44 3
                                    

This chapter is dedicated to xycho_queen! Na-overwhelm ako sobra, salamat! 

~~~~~~~~~~~



"Manang, nakauwi na po ba si Aldrich?" tanong niya sa matanda nang madatnan itong nagb-vacuum na naman sa sala.

"Hindi pa, ija. Pero baka pauwi na rin iyon."

Marahan siyang naglakad palapit dito at inilagay sa likod ang mga kamay. "Manang, what do you know Aldrich likes the most?"

Natigil ito sa ginagawa at nakakunot ang noong tumingin sa kanya. "Wala naman siyang ibang kinahihiligan maliban sa paglangoy ang batang iyon."

"Ganon po ba?" napayuko siya sa nalaman. Psh. Maliban sa trabaho paglangoy lang ang pinagkaka-abalahan nito. Hindi ba nabuburyo sa buhay ang lalaking 'yon?!

"Pero mayroon na siyang isang gusto sa ngayon." nakangiti ang matanda ng tingnan niyang muli.

"Ano po 'yon?"

"Ikaw!" mas lumawak ang ngiti nito sa kanya. Hindi niya alam kung anong isasagot sa matanda kaya nginitian niya na lang ito. She just hope her smile doesn't look fake.

"Sige po, manang, aakyat na po ako sa taas." paalam niya dito na tinanguan lang naman ng matanda.

Paano niya ba malalaman ang ibang hilig nito? Ni hindi niya nga alam ang favorite color ng lalaki. Ang alam niya lang, pangalan, trabaho. 'Yun lang!

Myghad! Alam ko ang birthday niya pero hindi ang year! Ilang taon na kaya siya?

Isinantabi niya muna ang curiosity niya at pumanhik na sa taas. Papasok na dapat siya sa kwarto niya ng mapatingin sa naka-sarang pintuan sa harap mismo ng kwarto niya. Aldrich' room.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Mali ang pumasok sa kwarto ng iba ng walang permiso, pero wala pa naman ang lalaki. Hindi naman niya malalaman. At saka, asawa naman niya iyon. Baka naman pwede...

Dahan-dahan kong pinhit ang siradura ng pinto ng kwarto ni Aldrich.

Kinapa ko ang ilaw sa gilid ng makapasok. Bumungad sa akin ang kwarto nitong napakalinis.

Grabe! Parang hindi lalaki ang may-ari ng kwartong ito ha. Napakalinis.

Pinaglandas ko ang mga daliri sa mga librong maayos na nakasalansan sa book shelves nito. Nagbabaka-sakaling makahanap ng pwedeng pinagkaka-interesan niya. Pero wala. Puro libro tungkol sa business management at mga magazines lang ang nandito.

Naalala ko tuloy ang libro sa pinakataas na shelf sa opisina nito. Fifty shades..

Sinilip niya din ang ilang cabinet sa kwarto. Puro folders ang nasa unang cabinet at puro naman envelope ang sa pangalawa. Napunta rin siya sa closet nito na puro long sleeves at coat ang laman, slacks at mga puting t-shirt.

"Hindi niya naman favorite ang white, noh?" mahinang sabi niya sa sarili...

Isinara niya na lang iyon at nagtungo sa may kama nito. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Masyadong plain. More on brown, white and black ang mga gamit. Pati ang bedsheet black ang white. Naupo siya sa kama nito at napabuntong-hininga.

What to do? Tanungin ko na lang kaya siya? Pero 'di ba weird naman 'yon?

Tumayo siya sa pagkaka-upo pero dahil malas 'ata siya nautong ang hinliliit niya sa gilid ng side table nito kaya napaupo siyang muli.

Damn!

Tiningnan niya ng masama ang side table.

Nakakainis naman!

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now