SWAL28

214 19 0
                                    

"Just call me when you need back up, okay."

Natatawa kong hinampas sa braso si Francine.

Hindi na niya ako masasamahan sa pagpunta kay Poseidon sa hospital. May deadline pa raw siyang kailangang asikasuhin. Palibhasa, hindi pa natatapos ang isang kwento, nagsisimula na naman ng panibago. Kaya natatambakan ng deadline, ee.

"Parang timang."

"Seryoso," hinawakan nito ang kamay ko at marahang pinisil, "If ever something unexpected happen, tawagan mo lang ako, iiwan ko 'yung manuscript ko para sa 'yo."

Napangiti na lang ako at saka yumakap sa kanya. "Thank you, Sis. Kaya ko naman ang sarili ko, but I'll keep that in mind."

Nagpaalam na ito at ako naman ay dumiretso na sa hospital.

Kanina lang ay nandito si Clark, ihahatid daw ako sa hospital kung sakaling pupunta ako doon, ang problema ay kagigising lang naming dalawa ni Francine nang dumating siya.

Kailangan pa nitong pumasok sa opisina para ayusin ang mga trabahong naiwan ng magaling kong asawa. Kaya sinabi ko na lang na ako na ang bahala sa sarili ko, hindi na rin naman siya nakipag-talo kaya mag-isa na lang akong pupunta kay Poseidon.

Hawak ang basket na naglalaman ng iba't-ibang klase ng prutas, marahan ngunit excited akong naglalakad palapit sa kwarto ni Poseidon.

Para kasing namiss ko siya bigla.

Natigil ako sa paglalakad nang makitang may isang babaeng lumabas mula sa pintuan ng kwarto ni Poseidon.

Sino siya?

Isang magandang babae ang lumabas mula sa kwarto, may katangkaran, around 40s, I guess?

Nakasarado na ang pintuan ngunit nandoon pa rin ito at nakatungo. Nakita kong nagpunas ito ng luha at suminghot-singhot sa elegabteng paraan.

Pwede pala 'yon? Kahit umiiyak elegante pa ring tingnan?

"Excuse me, Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko nang makalapit sa kanya.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at pinag-kunutan ako ng noo. Muli siyang nagpunas ng luha at saka umayos sa pagkakatayo, at saka walang salita ako nitong tinalikuran at naglakad na paalis.

Napakurap ako at natulala sa palayong pigura nito.

Na-snob ako?

Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon at pumasok na sa kwarto ni Poseidon. Naabutan ko itong masama ang tingin sa kaharap na laptop. Inilapag ko ang basket sa lamesa niya at saka hinila ang upuan patabi sa kama niya.

"May lumabas na babae, sino 'yon?" Tanong ko.

Kunot ang noo nito nang lingonin ako. "What?" Tanong ko pa, kung makatingin naman ito ay parang kasalanan 'yung tinanong ko. "Nakita ko siyang umiiyak pagka-labas galing sa kwarto mo. Tapos nung tinanong ko, ini-snob lang ako. Sino siya? Ba't siya umiiyak?" Pang-uusisa ko pa.

Pabagsak niyang isinara ang laptop at saka nag-iwas ng tingin, "It's none of your business."

"Sungit!"

"What are you doing here?" Muling baling nito sa akin.

"Well, I came here para bantayan ka." Sabi ko, "Nga pala, I brought some fruits.  Dapat talaga breakfast ang dadalhin ko, kaso nasabi sa akin ni Clark na, nakapag-breakfast ka naman na, so, fruits na lang ang dinala ko."

Tumayo ako at kinuha ang apple sa basket na dala ko. Hinugasan ko ito sandali at saka iniabot sa kanya.

"What am I gonna do with that?" Pati sa apple ay masama ang tingin nito.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now