SWAL29

205 10 0
                                    

Almost 20 thousands comments and still counting!

This is the very first time na makakuha ako ng ganyan karaming comments sa isang post ko.

Hindi na dapat ako nagtataka. Mentioned si Zaryl Davidson sa post, expected na, na marami talagang magre-react, lalo pa na tungkol ito sa rumor namin.

May ilang nagsasabi na masaya sila dahil sa buong career ni Zaryl sa showbiz ay ngayon lang may nabalitang girlfriend ang lalaki.

I'm happy for him! He finally found his girl.

Notice how much he love the girl just by looking at them!

Ss, baby Zaryl! I'm so happy you're finally settling!

You two look good together, kayo na lang please!

Don't deny it, bagay naman kayo. And our baby deserves happiness.

Pero hindi 'ata halos mabilang ang harsh comments and reliefs ng ibang fans.

Is she on showbiz too? I don't know her, so, no.

Who is that ambitious girl?

Hindi bagay, mas bagay kami ni Zaryl!

Hindi naman pala sikat si ate girl, 'wag lalaki ulo ah.

Aba, dapat lang na wala kayong relasyon, hindi kayo bagay.

Wala ka pa sa likin-likinan ng baby Zary ko!

Assumera!

Napabuntomg hininga na lang ako. Nagpapasalamat na may mga tao pa ring marunong umintindi.

I clarified sa post ko na wala kaming relasyon at hindi nila kailangang mag-alala, pero may mga taong hindi 'ata marunong magbasa at basta na lang nagre-react.

Nagpatuloy ako sa pagsipa sa lupa pqtlra mas gumalaw ang duyang kinauupuan ko. Nasa kabilang duyan naman si Logan at natutulog.

"Kagigising lang natin, Logan, matutulog ka na naman?" Nagmulat lang ito sandali at muling pumikit.

Natawa na lang ako. Parang nagmulat lang siya para sabihing nakikinig siya kahit nakapikit.

Nang magising ako kanina ay hindi na muna ako nagmadaling bumisita sa hospital. Ang sabi sa akin ng nurse kahapon ay mag-a-undergo sa ilang test si Poseidon ngayong umaga hanggang tanghali, kaya kung sakaling pumunta ako roon ng ganito kaaga ay kama niya lang ang maabutan ko.

Kaya ito at nandito ako sa Park sa loob lang din ng village, dapat ay magj-jogging ako, kaso ay sumunod si Logan na napakabagal maglakad, tapos nalibang na ako kakabasa sa comments sa post ko kahapon, kaya naupo na lang ako dito sa duyan.

"Yrza Belle?"

Nilingon ko ang sino mang tumawag sa akin, "Lester?"

"What are you doing here?"

"What are you doing here?"

Nagkasabay kami ng tanong, sandaling natigilan at nagkasabay din sa pagtawa.

"Just doing–"

"Naglalakad–"

Nagkasabay na naman kami, "Ikaw muna." Sabi ko at saka natawa.

"No, you go first." Nakangiting sinabi nito.

"Naglalakad-lakad lang ako kasama si Logan," itinuro ko ang pusa ko na gising na gising na, nakaupo at nakatabingi ang ulo habang nakatingin kay Lester.

Napatango naman ito, "I was just walking around the area too." Lumapit ito sa kinalalagyan ni Logan, akmang hahawakan niya ito ng bigla na lang itong magalit.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now