SWAL27

210 19 0
                                    


Nang makabalik sa kwarto ni Poseidon ay naabutan namin itong kumakain–sinusubuan ni Zatara ng kung anong pagkaing hindi ko alam at wala akong pakialam.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa eksenang subuan.

Ano 'to? Nakalimutan lang ako lumalandi na? Napakagaling, Poseidon.

I bit my inner cheeks and secretly rolled my eyes on the two.

Hindi naman na-injured ang kamay niya pero nagpapasubo pa? Ano? Artehan ang ganap, Poseidon?

"Zaryl, Yrza, what did the doctor say?" Baling sa amin ni Zatara matapos ilapag sa bed table ang kanina lang ay isinusubo niya kay Poseidon.

Punyetang subo-subo.

Zaryl took a glance on me, "The doctor said that there is nothing wrong with him. For the memory loss, it's temporary, of course, and it's just the reaction of his body because of the stress."

Paismid na nag-iwas ng tingin sa akin si Poseidon ng magtama ang mga mata namin.

Nakakainis!

Napatango si Zatara sa nalaman. "Okay. That's good."

Agad akong napatingin kay Zatara, ganoon din siya sa akin.

"I mean, it's good, that, uhm, there's nothing wrong with him, and, uh, he's fine." Nakagat nito ang pang-ibabang labi at napayuko.

Iba ang dating sa akin ng 'That's good' na 'yon. Dinagdagan pa na, wala pa man akong sinasabi ay parang nagpapaliwanag na si Zatara.

Napatango na lang ako at hindi na pinansin ang sinabi niya.

"Baka raw bukas o sa susunod na araw ay bumalik na rin naman ang ang memorya niya." Sabi ko at saka tipid na ngumiti. "Baka may gusto kang kainin? Bibili ako." Baling ko sa lalaking may matalim na tingin sa akin.

"Yrza will take care of you, I should go now." Tumayo si Zatara at saka isinakbit sa balikat ang sling bag niya.

"Stay here."

"But–"

"I want Zatara to stay." May diin ang pagkakasabi nito sa pangalan ng babae.

Napa-irap ako sa kawalan. "Dahil nakalimutan mo, ipapa-alala ko lang sa 'yo na ako ang asawa mo." Naglakad ako palapit sa upuan na kanina lang ay pinepwestuhan ni Zatara, "I should be the one taking care of you." Nakangiting dagdag ko pa.

Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa akin bago nagsalita na hindi ko akalaing makapagpapabilis ng tibok puso ko, "I don't remember marrying you." Malamig na saad nito.

Natigilan ako. Ilang segundong napapikit, bumuntong-hininga bago muling magmulat at lapatan siyang muli ng tingin.

Hindi pa ako nakakabawi sa biglaang sakit na naramdaman nang lingonin nito si Zatara at hawakan sa braso upang mahila palapit kaya napausog ako palayo sa kama.

"I don't want anyone else. Stay here." Sinabi nito ang huling dalawang salita sa malumanay na boses.

Nangilid ang luha ko, nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng suminghot-singhot.

Kainis!

"Aldrich, she's not just anyone else. You may not remember but she's your wife." Zaryl shrugged, "And you keep on bragging that you've made the right decision marrying her."

Nilingon ko si Zaryl at nakitang pasimple ako nitong nginitian.

Thank you, Zaryl.

Akalain mo nga naman, noong nakaraan, ee, halos isumpa ako ng lalaking 'to dahil pinakasalan ko ang pinakamatalik niyang kaibigan, ngayon naman ay tinutulungan ako nito mismo sa kaibigan niya.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now