SWAL19

233 37 0
                                    


"Looks good on you." Leslie complimented. Suot ko ang dress na gagamitin ko for tonight's movie premiere. Sinukat ko lang para ma-adjust pa raw kung sakaling hindi kasya but luckily, parang ginawa ang dress na 'to para sa akin talaga. "Just don't forget, that dress gave us by the sponsors. Sa agency 'yan at pinahiram lang sa'yo kaya ingatan mo. Ni 'wag mong dudumihan." Pinagtaasan ako nito ng kilay, "Maliban na lang kung bibilhin mo 'yan. But I doubt that, kulang pa ang sweldo mo sa isang movie para bayaran 'yan."

Kung hindi ko lang kilala si Leslie, mao-offend na talaga ako sa mga sinasabi nito, ee.

Umikot ako sa harap ng salamin. Bagay na bagay sa'kin. "Iingatan ko 'to, Leslie." Nilingon ko siya at nginitian. "Wala rin naman akong plano na bilhin ang dress na 'to. For exposure purposes lang talaga. Hindi ako gagastos ng libo para sa dress na isang gabi ko lang gagamitin." dagdag ko pa.

Tumango naman ito at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto, "Nga pala, Yrza, bago ka magbihis pumunta ka muna sa venue para ma-guide ka kung paano ang entrance niyo mamaya." Pagkasabi no'y tuluyan na itong lumabas.

Ilang minuto muna akong nanatili sa loob bago napagdesisyunang magpunta sa venue.

Saktong paglabas ko ng kwarto ay ang paglabas din ng magandang babae sa katapat na pinto.

"You are Yrza Bell, right? I'm Frincess De Leon." Nag-abot ito ng kamay at ngumiti sa'kin.

Inabot ko ang kamay niya at nginitian rin siya. "Ah, oo, ako nga."

Grabe! Ang lambot naman ng kamay. Ang ganda den!

"Finally, we've met! I'll be your partner for tonight's red carpet for the movie premiere."

"Ay, nasabi nga sa'kin ni Leslie na may partner ako. Di niya naman sinabi na ang ganda ng partner ko" I said giggling a bit.

"Thank you," she bit her lower lip and shyly bowed her head. Nahihiya.

"Wait lang ha! Restroom lang ako sandali." pagpapaalam ko sa kanya.

"I'll go with you." paghabol niya sa'kin. "Sorry for being clingy. I, uhm, I just don't have friends here. Baguhan lang kasi ako sa agency, ee."

"Okay lang, ano ka ba! We can be friends." I said.

Sabay kaming pumasok sa restroom, dumiretso ako sa isang cubicle at ginawa ang dapat gawin.

"Yrza?" She called.

"Hmm?"

"Kinakabahan ako para mamaya. I'm so nervous that my legs are shaking, paano 'yan?" I can hear her nervousness. Really? Artista ba talaga 'to o model? Paano siya sisikat niyan kung premiere lang, ee, kakabahan na siya.

Natural naman na kabahan ka. Lalo na kapag baguhan, pero hindi ka dapat uunahan ng kaba.

Lumabas ako ng cubicle at dumiretso sa sink sa tabi niya. "Normal lang kabahan. Pero isipin mo na lang na ikaw lang ang tao sa venue. Isipin mo na you're life is at stake here so you can show what you've got."

Bumuntong hininga siya at nginitian ako sa salamin. "Salamat."

Ngumiti ako pabalik at nagpunas na ng kamay.

"Our dress looks a bit similar." she commented and scanned the dress I am wearing.

Napatingin din ako sa suot niyang dress. Tama siya. Our dress looks similar. Parehas off shoulder, parehas green-though mine's emerald green while her dress is literally plain green-parehas flowy at parehas na hanggang tuhod lang.

"Para namang hindi mo alam ang patakaran sa agency naten. 'Pag hindi ka pa sikat, back up at supporter ka lang ng mga nakakataas." I said looking at her and smiled wryly. "We're just here to make Miss Audrey stand out in the crowd."

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now