SWAL26

208 19 0
                                    

"I'm sorry I cannot stay to eat breakfast with you."

Umiling ako at saka siya nginitian. "It's okay, minsan lang naman tayong hindi magkasabay."

"Make sure to eat your breakfast before anything, okay?" Tumingin siya sa relo niya.

"Hmm." I nodded. "Sige na, baka ma-late ka pa, traffic pa naman. Ingat sa byahe."

Ilang sandali siyang tumitig sa akin, bumuntong hininga at saka lang tumalikod para umalis. Nang mawala siya sa paningin ay naglakad na ako palapit sa lamesa, nakahanda na ang pagkain bago pa ako magising.

Bago nga umalis ay ginising ako at sinabing kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Kahapon pala ay may mga kinansela siyang meeting para lang magpunta dito.

Nagsimula na akong kumain ng agahan ng mag-ring ang phone ko na nakapatong sa counter top. Hawak-hawak ang hotdog na pinapapak ko na lang ay tumayo ako at dinampot ang nag-iingay na cellphone.

Kaalis niya lang natawag na agad?

"Hey, na-miss mo agad ako?" Pabirong sabi ko ng sagutin ang tawag.

"Silly." Mahina siyang natawa.

Tinawanan ko na lang din. "Bakit ka napatawag? May nakalimutan ka ba?"

Hindi siya sumagot agad. Chineck ko pa kung naputol ba ang tawag dahil wala akong naririnig na kahit ano mula sa kabilang linya.

"Poseidon?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at ang mahing pag-tikhim. "Let's talk when you get home, okay?"

Natigilan ako. 'Ayan na naman 'yung tono ng pananalita niya. He sounds demanding yet, I felt like he's sad and pained when he said those.

"O-okay." Nautal pa ako. "Tungkol saan ba?"

"I'll tell you personally."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at basta na lang tinapos ang tawag. Napatitig ako sa screen ng cellphone ko.

What was that?

Nakakaramdam ako ng kaba. 'Yung kabang hindi ko maipaliwanag, pero.sigurado akong hindi 'to dahil sa takot o sa excitement.

Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon dahil wala naman akong basehan sa kabang nararamdaman.

Isa pa, maayos na ang relasyon namin. Hindi ko alam ang tunay niyang nararamdaman sa akin, pero ramdam ko naman na may nag-iba.

Matapos kumain ay nag-ayos lang ako ng sarili at saka ni-review lang ang scene ko.

Isang sikat na singer ang role ko sa movie. Pinsan ako ng bida, pero bilang lang sa daliri ang scene ko. I'll be the background on a kissing scene, I was performing a song there, na dito sa resort ang location, sunod ay lalabas lang ako sa isang event ng bida, sunod ay ang pagtulong ko sa bida ulit dahil sa plot twist ng istorya at ang huli ay ang muling pagkanta ko sa ending para sa kasal.

Jusmiyo! Apat nga lang pala ang scene ko.

Natigil lang ako sa pagme-memorize ng lines ko ng ipatawag ako ng director, sinasabing itutuloy na daw ang shoot ngayon at kasama na ako sa scene.

"Direk, what song I'll be performing po ba? Wala po kasing nakalagay sa script." Tinanong ko ang direktor matapos akong ayusan.

I'm wearing a floral off-shoulder flowy dress na lagpas hanggang tuhod, parterned with a strapy sandals.

At dahil wala ngang nakalagay sa script ng kakantahin ko sa part na 'to, hindi ako nakapag-practice. Ang boplaks ko na lang din dahil di ko agad iyon naitanong samantalang ilang araw na ako dito.

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now