SWAL35

199 3 0
                                    

UNEDITED
_________________________

"So, how's the triathlon? I've seen your photos and some clips of interviews. Infairness, Sis, medyo marami kang nahatak na reporter ha. Gandang exposure!"

I heaved a sigh, "Ayos naman, nakakapagod lang." Walang gana kong sagot. Tumagilid ako ng pagkakahiga at hinayaan na lang na nakapatong ang cellphone ko sa tainga.

"Pagod ka? Samantalang ngiting-ngiti ka nga sa mga picture mo. Ang dami mong photobombed pics" tumawa siya ng tumawa.

Natawa na lang din ako. Mukhang success ang pagp-photobomb ko sa pictures ng ibang artista. "Nakakapagod naman kasi talaga ang araw na 'to. Ang daming nangyari."

"Now, I'm curious. You sound so frustrated, not tired." Nakarinig ako ng kaluskos sa kabila, siguro'y umayos din ito ng pwesto. Basta talaga, chismis ang bilis niya.

"Well, I had my late lunch with Poseidon, together with his best friends." Hindi ko napigilan ang pait ng sabihin ang huling salita.

"You mean, Zaryl my loves and that Zatara?"

I nodded kahit na wala naman siya sa harap ko, "Poseidon and I had a little... argument?" Hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag ang nangyari sa pagitan namin ni Poseidon.

"Kailan ba hindi?"

Napairap ako sa sagot niya. "Ang sabi niya kasi, hindi siya pupunta sa event ng triathlon kasi may trabaho siya. Aba, pagdating sa finish line nandoon na siya, kasama si Zatara." Nabubuhay na naman ang inis sa dibdib ko, "We went to a nearby restaurant after. At ang walanghiya, kung hindi pala ako hinila-hila ni Zaryl para lumapit sa kanila mukhang magd-date ang dalawa. May reservations si Poseidon sa restaurant! Nakakainis! Alam naman niyang may asawa siya makikipag-date pa sa ibang babae!"

"Did he confirmed that he was about to date her before you came into the picture?"

"Hindi na kailangan 'yon, Sis! Kasi, hindi naman siguro niya ine-expect na sasabay kami ni Zaryl sa kanila mag-lunch 'di ba?" Marahas akong napahinga.

I should thank Zaryl for bragging me there. Napigilan ko ang date.

"Sis, assurance. Assurance ang kailangan bago ka mag-assume d'yan at saktan ang sarili mo." She sighed, "Pero hindi kita masisisi. Ganyan talaga 'pag selos ang nangingibabaw."

"Ewan! Ewan ko na! Nakakabaliw siya!" Napatihaya ako at napatitig sa kisame.

Selos. Huh!

"Naku, Sis! Lilipas din 'yan. Nga pala, ba't magkasama kayo ni Zaryl kanina? Paano kapag na-issue ka na naman sa my loves ko? Baka hindi na nila paniwalaan ang post mo at bigla na lang may tumamang nilagang itlog sa 'yo." She chuckled.

Nangunot ang noo ko, "Sabi ni Poseidon, si Clark na daw ang bahala kung sakaling may kumalat na namang ganoon."

"Naku, 'wag mong i-asa lagi sa asawa mo at sa alalay niya. Umiwas ka rin."

"Of course, magkasama lang naman kami kanina dahil nga sa triathlon." Inayos ko ang comforter na malalaglag na pala dahil sa kalikutan ko. Pinulot ko rin ang unan na nasa lapag na, malamang ay kanina pa nalaglag.

"So, how's your husband? Wala pa rin ba siyang naaalala?"

"I asked him last night, hindi niya naman ako sinagot. Sa tingin ko wala pa ring progress. Sasabihin naman siguro niya sa akin kung naaalala na niya ako, 'di ba?" Niyakap ko ang unan, at nilaro ang dulo nito.

"Naku! Hihintayin mo pa bang maalala ka niya? Paano kung sa isangbtaon ka pa niya maalala, araw-araw kayong magbabangayan o kaya mag-iiwasan? Gapangin mo na lang–"

Started with a Lie (ON-HOLD)Where stories live. Discover now