Behind 3

88 21 0
                                    

Banda

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis, kasi nga hindi niya sinabi. Bwisit.
Naglalakad ako pauwi at excited kase mamaya makukuha kona yung motor ko hehe. Parang kanina lang inis ako tas ngayon nakangiti nako hala? nagkibit balikat nalang ako at kinontak si Dean.

"Heyow baby bro!" Bati ko sakanya. Hindi ko naman talaga siya kapatid, kapatid-kapatiran lang ba' hindi sa frat kundi sa heart, *cringe. Passion niya din ang pagtugtog kaya siya agad ang naisipan kong tawagan.

"Ano yon Aei?" Bored niyang wika. Btw, bastos tong batang 'to, walang ate ate kahit grade 8 lang siya. 6 days lang naman daw tanda ko sakanya e, diba shuta?

"Dimo ba namiss ang pretty mong ate?" Panunukso ko sakanya.

"Yuck." Sagot niya. Kotongan ko lungs neto e, walang galang sa mas nakakaganda sakanya! Feeling ko barbie din to e, mas may alam pa sakin sa cosmetiscs kaya clearskin.

"Bastos ka talaga, wala kang galang sa mas nakakaganda sayo shuta ka!" Natatawa kong sagot.

"San banda?" Pambabara niya sakin.

"Alam mo pakyu ka kahit kailan, pero eto na nga may Battle of the Bands na magaganap at pakulo ang ICT! KYAAAAH!" Irit ko exoited talaga ko e.

"Bunganga mo naman Aei! Pero kakaexcite nga yon hehe." Sumigla bigla boses niya. Banda lang katapat neto, banda lang.

"So ayon, let's create a band." Sagot ko.

"Okay, sige sa bahay nalang tayo mamaya tutal may studio doon, may mga kakilala nako." Sagot niya.

"Siguraduhin mong marunong yan ha, hindi lang marunong dapat may passion." Sagot ko. Ayoko sa lahat yung ginagamit yung musika bilang pamorma.

"Yes, Aei, bye love you." Sagot niya at pinatayan ako bastos talaga!

In a band may tatlong gitara, isang drums at isang mic. Dalawang Electric Guitar para sa Lead- eto yung pluckings at finger style ang trabaho, (taray finger). Rhythm- eto naman yung strumming o ritmo. Bass- four stringed electric guitar. Drums- para sa beat at mic sa vocalist.

Kaya kong tugtugin lahat iyon, kaya lang hindi ko naman kayang tugtugin ng sabay sabay dahil hindi naman ako si naruto na nakakapagkabuchi tiknik at nadami.

Maya maya pa'y biglang may humawak sa balikat ko, kinuha ko ang kamay at pinilipit ito. Pagharap ko ay nagulat ako ng makita si Yoshiro. "Aah!" Igik niya. Binitawan ko siya at naglakad palayo.

"Kasalanan mo yan! Nangungulat ka e! Tsaka bat mo ba ko sinusundan? Stalking kaba?" Sabi ko.

"S-sorry, stalker yon vowels, tsaka we're neighbor right?" Sabi niya at sinusundan parin ako, ay oo nga pala ang feeler ko banda don. Bakit ba lagi siyang nagsosorry? nakakainis lalo ha! Naglakad nalang ako ng  mabilis at ganon din siya.

Nang malapit nako sa guardhouse ay may naisip nanaman akong kalokohan, "Kuyaaa! Kuyaaa! May sumusunod po sakin!" Pag iinarte ko.
Agad siyang lumabas sa guard house at nilapitan ako.

"Ayon po kuya!" Turo ko Kay Yoshiro.

"Oh! Si sir yosh pala iyan e!" Sabi ng guard at nakipagbatian pa kay Yoshiro shuta mas matagal nga pala siya sa Brat T. Sys. Edi shing!

Pinakyuhan ko nalang siya tsaka pumasok sa subdivision. Pag uwi ay nagluto nalang ako ng cheesedog, yung may cheese na nalabas? Hehe.
Prito lang naman kasi ang alam ko kaya kiber lang.

5pm ang napag usapan namin ni dean, tiningnan ko ang orasan at 3pm pa lang pala. Kukunin ko muna yung motor ko sa parking lot ng condo. Nag ayos nako, bandshirt ng slipknot denim jacket at highwaist short nalang ang sinuot ko pati ankle boots. Tinali ko ang kulot kong buhok at umalis na ng bahay.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon