Behind 23

44 7 0
                                    

Hot & Cool

Sa emergency stairs ko siya pinadaan at tamang praning lang kami dahil baka may makakita sakanya, ang cute niya nga dahil pinasuot ko sakanya ang hoodie kong pink para hindi makita ang mukha niya, buti nalang at mahilig ako sa oversized kaya kasya sakanya. Naiwan naman ang Lab Coat niya na may burda ng pangalan niya. Arbor ko na 'yon hihi.

Nang makarating sa sasakyan niya ay pinapasok ko na siya, sinenyasan niya akong pumasok, kinabahan ako. Kasi naman tuwing nasa kotseng 'yan ay may ginagawa siya saakin.

Pumasok ako sa loob, "Bakit?" Tanong ko. Agad niya akong siniil ng halik, hinawakan niya ang batok ko. This time marahan, nakakawala sa wisyo, nakakahilo. Tinugon ko ito. Kumunot ang noo niya at bumitaw saakin.

"Go." Utos niya, hmmp! Parantanga! Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi, nang aasar.

"Ugh!" Sigaw niya, natawa ako. Bumaba ng sasakyan. Binelatan ko siya. "You'll be the death of me, little girl!" Sigaw niya bago ko isinara ang pinto.

Mary Jane Lucio's father beated her mother and her up, that's why her mother left them. Her Father died in Arson, at ang perang naiwan nito sa bangko ay napunta kay Mary Jane. Mary Jane married a man, pero katulad ng ama ay nananakit din ito, a year later his husband died and again, because of Arson. Mary Jane Remarried and at the third time, his husband beats her too, Mary Jane can't take it anymore that's why she stabbed her husband, Mayroon itong malaking pera sa bangko na nasa $5 million dollars.

Ang tanong ay bakit siya paulit ulit na nag aasawa ng sadista?

Bakit parehong namatay sa arson ang tatay niya at ang unang asawa?

"Aish!" Napasabunot ako sa ulo, ang gulo! This case is a heavy case hindi katulad ng previous case na hinawakan ko!

May kumatok sa pinto ng opisina, "Pasok!" Sagot ko.

Tumambad si Edward nakangiti, may dalang tasa. "Coffee." Alok niya.

"Hindi talaga ako nagkakape, Promise mamatay ka man." Sagot ko.

"Ang harsh!" Umarte pa siyang sumasakit ang puso. Natawa ako.

"Hindi kana ba galit saakin?" Tanong ko, malupet ang naging revenge ko sakanya noon.

"We're too young and impulsive that time. Gago ako, deserve ko yon." Tawa niya, natawa na rin ako. We're friends before we became lovers.

"Friends?" Alok ko at naglahad ng kamay.

"Friends." Sagot niya sabay ngiti.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Ayon, ikakasal na kay Bella" Nag aalangan niyang sagot. Masaya ako para sakanila, kahit na nasaktan ako noon. Atleast masaya sila ngayon.

Napag alaman ko ring nag political science siya bago mag abogado. May anak na rin sila ni Bella ang titinik talaga! Hindi naman talaga siya jutay, medyo lang Haha. Nagkwentuhan pa kami, kaso marami siyang civil cases na hawak kaya nagpaalam din kalaunan.

Pumasok si Nikky sa opisina ko. "Nagkakamabutihan ba ulit kayo ng highschool sweetheart mo?" Tanong niya sabay ngisi.

"Hindi ka talaga marunong kumatok no? Highschool sweetheart naman, may asawa na yung tao gaga." Sagot ko.

"Oh e malay mo this time, ikaw naman ang kabit." Tawa niya. Agad ko siyang pinitik sa malapad niyang noo.

"Ouch!" Daing niya at hinimas ang noo. "So eto na nga saatin naatasan ang Mary Jane Lucio case. Madami silang trabaho ngayon, at bilang ikaw ang bago, you'll take the case. Marami ka nanamang naipanalong case sa Canada, keri mo diz siz." Lintanya niya. Ano pa nga bang magagawa ko?

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon