Behind 30

42 9 0
                                    

Downfall

Bumangon ako't agad nagtatakbo sa banyo, itinaas ang takip ng bowl, at sumuka. Punyemas na nilamas!

"Hey, what's wrong?" Sumunod si Yosh sa banyo na kinukusot pa ang mata, live in na yata kami dahil halos dito na ko sa condo niya nakatira. Nanlaki ang mata niya at agad akong dinaluhan, hinimas ang likod ko't inayos ang buhok.

Nang matapos sumuka ay tumayo ako't nagmumog, inayos niya iyon at flinash. Lamlam ang matang tumingin ako sa salamin, badtrip talaga sumuka, parang nailabas ko pati bituka e.

Napatingin ako sakanya ng bigla siyang nagtatalon, nagsusuntok sa hangin at nagsisigaw ng "Yes!"

"Hoy abno! Nagsusuka nako't lahat tuwang tuwa ka pa?!" Asik ko sakanya.

"Masaya nga ako kasi nagsusuka ka!" Agad niya kong niyakap at hinalikan sa noo. Agad ko siyang pinitik sa noo.

"Bangag ka ba?" Tanong ko at dumiretso ulit sa kama, inaantok pa ko shuta. Narinig ko siyang tumawa.

"Now I know why you're like that, for the past few days." Ngisi niya.

"Ampogi mo." Titig ko sakanya habang nagmamaneho. Sinusundot ko ang dimples niya.

"Don't look at me like that, I'm blushing." Iwas tingin niya.

Hanggang sa pagtulog ay pinagmamasdan ko siya, "Hey, bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya ng maalimpungatan, minomolestiya ko kasi hihi.

"Ang bango mo." Sagot ko habang inaamoy amoy siya, nakakaadik patokhang niyo na ko!

"Ahhhh!" Sigaw ko habang umiiyak, hindi ko kasi naperfect yung itlog, ilang taon ko ng pinapraktis yon e!

"Hey, what's wrong?" Alala niyang tanong at dinaluhan ako.

"Yung itlog, basag!" Patuloy ko sa pag iyak, natatawa siyang pinunasan ang luha ko.

Lalo akong umiyak, "Bakit ka tumatawa!?" Singhal ko.

"Nagugutom ako." Reklamo ko sakanya, pinuntahan ko pa siya sa hospital dahil gusto ko siyang makita at gusto ko ng luto niya.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon