Behind 25

45 7 0
                                    

I love you so much

SPG!!!

Maaga kaming nagising dahil ganoon sa probinsiya, namasyal kami at nangabayo. Marunong ang loko, nangangabayo pala sa Japan. Siguro may kinakabayo din tong haponesa?! Hmm, parang gusto kong manakal.

Tanghali ng bumyahe kami pauwi, nakakapagod nitong mga nakaraang araw gusto ko ng umuwi at humilata sa kama maghapon.

Natulog lang ako sa byahe, hapon na ng makarating kami sa Brat T. Sys. Dumiretso ako sa bahay at inisnob siya, di naman ako galit, trip ko lang bat ba?

Pagapang akong pumunta sa kama, para more dramatic. Nagising ako ng may kumatok sa baba, piste! Ayoko sa lahat yung magigising ako sa ingay! Gusto kong manapak!

Walang ayos ayos na bumaba ako, para makita ng kung sino mang nadimunyu na naninira siya ng tulog!
"Ano baAaa?" Malamya kong tanong ng buksan ang pinto, kinukusot ang mata.

Isang lalaking nakashades, adik yata to, gabing gabi e. Nakatakip pa ang mukha nito ng scarf, asan ang lamig?
"Hi Aei, did I disturb you?" Tanong nito, sabay tanggal ng shades at scarf. Si Jarael.

"Oo te, istorbo ka!" Umirap ako at natawa lang siya, paano hindi ako marunong umirap, kasama ulo sa pag ikot ng mata.

Dirediretso siyang pumasok sa bahay may dalang pizza. "Meat overload." Ngiti niya.

"WaaaAah!" Sigaw ko at hinila siya sa sala. Peymburit ko 'yon, sino bang ayaw ng meat overload? Ham, Bacon at Pepperoni!

"Kamusta Philippine tour niyo?" Tanong ko habang lumalamon.

Natawa siya, alam ko namang sabog ako ngayon, pero kiber lang.

"Its tiring, ngayon lang ako nagkachance pumunta dito sa Kentutan." Sagot niya. "Ang green talaga pakinggan ng lugar natin." Tawa niya.

"Oo nga, ang dirty. Bobo kasi nung author e." Sagot ko. (Dakyu ka Aeiou, papatayin kita sa dulo ta'mo.) Jokie jokie hehe.

"What's your plan after this Aei?" Seryoso niyang tanong.

"Ah, pag aaralin yung dalawa kong kapatid. Lulutas ng mga kaso, pupuksa ng krimen, maglilibot sa world kasama sila mama." Sagot ko.

"Mag aasawa?" Tanong niya at bahagyang tumaas ang kilay.

"Ewan, depende. Kung si Lee jong suk at Song joong ki ba naman, wala ng tanong tanong, I do na agad," tawa ko.

"Aeiou, You know that I love you." Seryoso niyang saad.

"Mahal din naman kita. Ew cheesy!" Tawa ko.

"I love you, romantically." Tinitigan niya ko sa mata.

"Hala siya." Tanging sagot ko.

"Lagi mo kasing dinadaan sa biro, I honestly love you. I've been showing it even before, are you numb? Or you're just playing dumb?" Bakas ang iritasyon sa boses niya.

"Uy, rhyme yon ah?" Biro ko, pero ang totoo pinoproseso ko pa ang english niya sa utak ko. Chos!

"Fuc-" Sinupalpal ko ng pizza ang bibig niya.

"Konting kibot, mura. Ano ba yan!" Singhal ko. "Alam ko naman yon, at matagal ko na ring sinabi sayo na-" Siya naman ang pumutol ng sasabihin ko ng sinupalpal niya din ako ng pizza.

"Kaibigan lang, hanggang kaibigan lang." Sarkastiko siyang tumawa. "Bullshit Aeiou, apat na taon na ako yung kasama mo tapos siya parin? Tangina dapat ginantihan ko ng sapak yung gagong yun e. You've cried almost a year for him, pero ni hindi ka naman sinundan kahit sobrang yaman. And now he's acting like he owns you." Nagtiim bagang este panga siya.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon