Behind 11

60 11 0
                                    

Energy Drink

Nagising ako sa parehas na pakiramdam, pagod, lungkot at pag aalala. Alam kong dahil ito sa sakit ko at kailangan kong labanan pero mahirap. Napaiyak nalang ako ng hindi namamalayan.

Madilim pa ang kalangitan, 'sing dilim ng aking nararamdaman. #rhyMegOd
Bumukas ang pintuan at kasunod noon ang pagbukas ng ilaw, sisigaw na sana ako ng makitang si hentai yon, naka hoodie at sweat pants, may headband sa noo, ngiting ngiti. Ang clearskin naman nito' sabagay kahit ako pimples, mahihiyang tumubo sa fes niya.

"Goodmorning Vowels!" Masigla niyang bati. Nawala ang ngiti niya ng mapansing naiyak ako."What's wrong? What happened?What's hurts? What is it?" Sunod sunod niyang tanong.

Natawa ako at pinunasan ang luha. "Wala, Mood swings." Sagot ko.

"What do you feel?" Tanong niya ng makalapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Fatigue, Sadness, Worried, Ewan naiiyak ako." Sagot ko. "Hawak ka ng hawak sa kamay ko e kinamot ko yan sa kuyukot ko." Biro ko.

Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko. "Everything is alright, kawaii." Saad niya habang hinihimas pati ang buhok ko.

Itinulak ko siya dahil baka maamoy niya hininga ko, di pa ko nagtotoothbrush no! Hindi kasing kapal ng fes ni Aurora ang fes ko na 100 years natulog at nakipag LP agad sa prince charming niya ng hindi nagtotoothbrush! Ewie.

"D-did I do something wrong?" Nag aalala niyang tanong.

"Wala! Di pa ko nagtotoothbrush!" Sigaw ko at pumasok sa banyo.
Nag hilamos, toothbrush at mouthwash nadin ako para isipin niyang hygienic akong tao- wait pake ko ba sa iisipin niya? I don't care duh.

"Kay aga aga nambubulabog ka ano ba yon?" Irita kong tanong, pero deep inside kilig singit ka kasi nandiyan siya, tumigil ka nga malanding konsensya!

Ngumiti naman siya at umiwas ng tingin, naka panty at shirt nga lang pala ako, e sa ganito ako matulog e. Mamaya pa ko maglalaba ng short, inulit ko nga lang yung short ko kahapon e hehe. "Ah, dress up first, let's jog." Sagot niya.

Kumuha ako ng hoodie at jogger at nagbihis sa banyo. Lumapit ako sakanya at umupo sa harap niya.

"Tara na." Aya ko.

"How often do you pray?" Tanong niya na nakangiti parin muntanga ampt.

Tuwing kailan ba ako nagdadasal? Hindi na nga iyon parte ng buhay ko, simula ng kumain ako kasama siya, nagdadasal nako bago kumain. Pero siyempre di ko isspluk sakanya yon no! "Bago matulog." Sagot ko.

"Alam mo ba you should pray everyday you wake up? Like you need to say " thank you, for another day." Ngiti niya. Oo nga no?

"Alam ko kaya." Pagyayabang ko, he chuckie, chuckchak, chuckled? Ah basta.

Hinawakan niya ang kamay ko at pumikit putcha iaalay yata nito ang beautiful soul ko.

"Lord, thank you for this wonderful day, thank you for waking me and Aeiou up. Guide our mind, soul and body for this day. Thank you for the blessings. We pray for our health and safety. We pray for the people we love  and love us. We pray for those who are sick, discourage and unhappy. And at last Almighty God, thank you that I met Aeiou. In Jesus name Amen." Iminulat niya ang mata at marahan na ngumiti.

Putcha ngayon lang ako kinilig sa dasal ah? Tinungo namin ang grandstand at umupo lang ako don, nakakatamad talaga, pagod na pagod din ako kahit walang ginagawa.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon