Behind 7

57 16 0
                                    

Betrayal

Pumasok kami sa loob ng Guidance Office, at naabutan namin doon si Abby. Umiiyak ang gaga at amoy basura.

"Inaarte mo diyan?" Paismid kong tanong. Ni hindi man lang siya nilalapitan ni Ed na mukhang panda.
"Oh? Bat di mo lapitan?" Tanong ko kay Ed na may halong sarcasm. I can speak sarcasm fluently. Shuta galit nga ko nakakapag English e.

"Miss Ricafuente you did this to Miss Rodriguez and Mister Alcantara?" Tanong ng OIC na akala mo si miss minchin at pagbabalatin ako ng patatas.

"Why don't you ask what they've done to me ma'am?" Sagot ko.

"Whatever the reason is, you shouldn't hurt them." Sagot ng OIC. "And ikaw rin ang may gawa ng eskandalo kagabi?" Tanong ni maam na akala mo'y sigurado.

"How can you be so sure ma'am?" Pasaring kong tanong, maliban nalang kung may ebidensya siya, duh?

"Miss Divina?" Tawag ni ma'am kay Dez, nakayukong inabot ni Dez ang cellphone niya at may plinay doon.

Boses ko yon ah? Nanlaki ang mata ko, nirecord niya yung usapan namin kahapon. Shuta ano to?!

"Ampanget naman ng recording mo, Sana sinabi mong irerecord mo ang usapan nating 'magkaibigan' para nakapag vocalization ako." Sarkasamo kong sabi at diniinan pa ang word na "kaibigan".

"Matibay ang ebidensya miss ricafuente, you harmed and cyberbullied them." Sabi ng OIC.

"Ba't parang galit ka? Ba't parang kasalanan ko pa?!" Pag iinarte ko na akala mo'y Bea Alonzo ng four sisters and the wedding.

"Yes, you're the one in the wrong. You're suspended and impeached as a SSG Officer." Nanlaki ang mata ko kasing laki ng globo, chos.

"And you mister Ganochi, you're with miss Ricafuente that time right?" Sabi nanaman ng epal na OIC.

Umiling ako. "No-"

"Yes ma'am" putol niya saakin.

"You'll be suspended as well." Sabi ng OIC. Whatthefuckingfuck!

"Mister Alcantara and Miss Rodriguez, Go to the Infirmary." Utos niya sa dalawang haliparot.

"Miss Divina thank you for your cooperation as the PIO of SSG." Puri niya sa balimbing na si Dez.

"You're Dismissed." Sabi ng hindi makatarungang OIC.

"Bakit ka naman umamin, g naman akong pagtakpan ka eh, vulcanizing ako sis." Singhal ko kay Yosh.

"Its okay Aei." Ngiti sakin ni Yosh.

"Anong okay?!" Napatigil ako ng lumabas si Dez sa office at gusto ko siyang sapakin kaso baka ma expelled nako pag ginawa ko yon.

"Why did you do it?" Kalmado kong tanong.

"A-aei I-i-," nakayuko niyang sagot.

"Wag mokong inienglish! Ako lang may karapatan mag english dito!" Sigaw ko.

"N-natakot ako Aei, kaya nirecord ko para s-sure." Hindi siya makatingin, so nirecord niya yung usapan namin para hindi siya madamay, lupet idle!

"Tanginamo." Mura ko, "Tang Ina, pre. Gago. Nung nilaglag mo kami last year dapat nadala na ko e, pero tangina. Selfish ka, you love yourself too much, and every too much isn't good." Pag eenglish ko bago tumalikod.

"And by the way, When you've done a mistake twice it isn't a mistake anymore, its a choice." Ngumiti ako ng mapait sakanya. "Record mo din para sure." Nang uuyam kong saad bago hinila si Yoshiro papuntang parking lot.

"J-jowa moko?" Nagtataka niyang tanong. Natawa naman ako.

Aawayin ko sana siya kung bakit siya umamin ng tumunog ang cellphone ko. Kinabahan ako ng makita ang pangalan ni mameh sa screen, hindi naman siguro nakarating sakanya ano?

"H-hello meh?"

"Aeiou Antoinette, why did you do that?" Umiiyak niyang saad. Nanghina ako, she's crying.

"M-meh,"

"Pinalaki ba kitang ganyan anak? Bakit ka nanakit?"

"M-meh," pangalawang meh kona para nakong kambing.

"Anak naman," Tumulo ang luha ko ng patayan niya ako ng tawag. Kinuha ko ang susi sa bulsa at akmang sasakay ng agawin sakin ni Yoshiro ang susi, bastos na hapon.

"Ride." Utos niya.

"Sino? Yung motor o ikaw?" Pang aasar ko habang umiiyak.

"Just ride Aeiou. Let's go home, you're tired." Maawtoridad niyang saad. Maka 'let's go home' naman to kala mo live in kami.

Nang makarating sa bahay ay bumaba ako agad at tumakbo pa tungo sa kwarto. Gusto kong magwalling, magceiling at mag flooring.

Nang makapasok ako sa kwarto ay dun ako nag iiyak. Bumalik saakin lahat, ang pananakit ni mama, ang mga sinasabi niya ang pagtangka niya sa buhay ko. Ang panloloko saakin ni Edward, hindi nako na 'dala kay papa. Sumubok pa ko, na baka sakali, hindi lahat ng lalaki tulad niya. Ang panloloko saakin ni Abby na itinuring kong kaibigan. Ang panlalaglag saakin ni Dez na tinuring kong kapatid. Ang pagka tanggal ko sa ssg na pinaghirapan ko, ang pagka suspend ko sa school. Ang pagka galit saakin ni mameh. My family, my friends, Boyfriend and school is fucked up, my life is fucked up. Bakit parang kasalanan ko lahat? Bakit parang ang sama sama ko?

Napatingin ako sa salamin at nakitang mukha akong tanga na sabog ang buhok, may uhog at sipon at puno ng luha ang mukha. Nagwacky ako.

Ilang oras akong nag iiyak at isa lang ang tumatakbo sa isipan ko. Ang magpakamatay.

Tinungo ko ang closet at kinuha ang blade. Sa bawat hiwa ay wala na akong maramdaman maybe I'm numb after all the pain.

Unti unting lumabo ang paningin ko, sa huling pagmulat ko ng mata ay nakita kong may papalapit sakin, isang anghel?

"A-aeiou, oh God." Rinig kong sabi ng anghel bago ako mawalan ng malay.

AN: SHUTA SI DEZ NO? SHAHAHA

PS. KUNG MAPAPANSIN NIYO SA SYPNOSIS NA MENTION KO YUNG "SHE'S SICK", ETO NA PO YON MGA KA-SHUTA HEHE.

PPS. YOSHIRO'S P.O.V SA NEXT CHAP!

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon