Behind 4

73 21 0
                                    

Not cool

Big bike yung motor ko para maangas, pataas yung upuan at sa highway kami dadaan kaya sakanya ako humawak, bakit ba ang defensive ko? Ah basta arte niya diyan payakap lang e. Chinachansing an ko rin siya ng very light, hehe.

Patuloy parin ako sa pag iyak. Tangina bakit?! Sweet si Ed, Ideal boyfriend, pero masyado siyang touchy which is ayaw ko, bata pa kami, I know our limits. Nag uusap kami ng random pero never siyang nag try na mas kilalanin ako, siya ang laging nagkekwento -tungkol sa sarili niya.

Shutang ina din ni Bella 'bes' pa ang tawag sakin ng gaga, susulotin lang pala ang jowa ko.

Biglang tumigil ang sasakyan at napatingin ako sa paligid, malayo pa ang subdivision namin ah?

Nasa tapat kami ng isang store. Shet! Matcha house?! Saan to? Bagong bukas? Tinanggal ko agad ang helmet ko at basang basa din ang feslak ko, may biglang inabot saakin si yoshiro, panyo.

Nakasakay parin siya sa motor, dahil Hindi pa ako nababa, pano nga naman siya baba? Hehe. Bumaba nako at pinunasan ang luha ko suminga pa ko ng very good.

"Saan to?" Tanong ko sakanya.
Bumaba na din siya at tinanggal ang helmet.

"A-ah, Dinala kita dito kase diba mahilig ka sa matcha? Bagong bukas kasi." Sagot niya tas umiwas nanaman ng tingin sabay labas ng dimples.

"Pa etuc ka ha, pero salamat." Sabi ko sabay hinila na siya papasok. Shit this is life! Matcha is life.

Maganda ang ambiance at green lahat dahil green ang matcha, tumingin ako sa menu at maraming promo dahil nga new opening sila. Matcha tea, Matcha Milktea, Matcha cake, matcha shake, Matcha ice cream at iba iba pang matcha like matcha cookie ugh!
Nagpaalam si Yoshiro na mag ccr muna.

"Jowa mo ma'am?" Tanong ni ate girl, ay echosera?

"Ah-" hindi ko alam kung sasabihin kobang may jowa ako kase wala na. Na sulot na.

"May promo ma'am couple promo, buy 1 take 1." Sabi ni ate girl. Lumaki ang mata ko, bahala na! Promo daw e.

"Ah- Oo, nag cr ang baby babe honeybunch sweety squirdy pie apple of my eye ko, pogi niya no?" Sagot ko at umarte pang inlove, yuck Aeiou ano yan?!

"Oo nga ma'am may lahi ba si sir?" Pang uusisa ng gaga ay bet niya si hapon ,kilig pwet oh!

"Japanese." Panis, chos.

Dumating si Yoshiro, bad timing! Dapat nagjakol ka muna or what! Maququestion ako nito e. "Baby babe honeybunch sweety squirdy pie apple of my eye ko!" Salubong ko sa kaniya, shuta yun na ata ang pinaka cringe worthy at o.a na cs na narinig ko.

Halata namang nagulat siya kaya nilakihan ko ng mata. "Sige nga ma'am kiss nga!" Sabat ni ate girl. Shet eto na nga ba sinasabi ko!

Sa ngalan ng matcha! Tumingkayad ako at hinalikan siya, smack lang no! Swerte naman ng hapon nato at nakuha ang first kiss ko. Napatulala si tanga kaya hinayaan konalang.
Inorder ko lahat at binayaran dahil timawa ako sa matcha. Except sa milk tea ayoko talaga non, ewan ko kung bat andaming may gusto non, dahil uso? Yuck. If there's two things aeiou hates- pineapple and milk tea. Kasi lahat kinakain ko kahit nga yung hapon na'yon pwede hehe. Lantod!

Hinila ko na siya sa upuan na katabi ang transparent na glass, kitang kita ang mga nagdadaanan sasakyan.

"Hoy! Echoserang froglet! Ginawa kolang yon kasi may promo daw pag couple." Sabi ko sakanya. Kumurap kurap lang siya, pa cute talaga!

"A-ah magkano yung bill?" Tanong niya bigla.

"Hayaan mona yon kiber na." Sagot ko.

"No, I insist." Sabi niya sabay kuha ng wallet.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon