Behind 18

37 9 0
                                    

Birthday

Chapter Theme: Dahan by December Avenue

If there's 'God' in your family, there's 'nothing' who can destroy it.

Mama, Abcd and Zei are part of the church, active na din sila, marami nang amigà si mama na mga preachers at pastora, si Abcd ay kasama na sa cadets at si Zei ay humuhuni na din sa pagkanta ng worship songs.

Naging masaya at maayos ang takbo ng buhay ko, summer na.

Nakaduty ako nung moving up nila yosh, grumaduate siya with honors. Ang talino ng crush ko ehe.

Siyempre kilala na rin siya ni mama, alam din ni mama na crush ko siya. Masarap pala yung ganoon yung nakaka girl talk mo yung mama mo, yung parang tropa lang kayo. Mabait na bata daw si Yosh, pero friends lang daw muna. Hindi ba pwedeng friends with benefits ma? Chos!

Puro 'happy birthday' messages ang natanggap ko pagbukas ng phone, yung iba ay galing sa mga kaibigan ko yung iba ay sa mga plastik na naalala kalang tuwing birthday mo at makikikain ng shanghai.

15 na ang gaga! Hihihi, nag unat ako at nagpray. "GOOD MORNING LORD!" Sigaw ko.

Pakanta kanta akong naglinis ng bahay. Oo te eto ganap ko ngayon, kahapon ay nagcelebrate nako kasama ang mga kaibigan, kabanda at ka churchmate. Galing na din ako kayla mama nung isang araw, nakapagvideo call na rin kami nila mameh.

Ngayong araw din ang concert ng IVOS sa araneta, mamayang gabi. Kaya lang di ako makakapunta kasi naubusan ng ticket, kahit pinakadulo ay keri ko naman, wawasakin ko nalang ang barriers! Kaso wala e, naubusan piste!

Sinilip ko ang bahay ni hentai, wala ba siyang balak batiin ako? 'Di wag buset siya.

Nagwawalis ako ng magbeep ang cellphone ko.

1 message from hentaiyamitehkudesaisenpai:

:Magbihis ka.

:Bakit hubad ba ko?

:Haha

:Sarcastic ba yan?

:No, dapat ba may emojis?

:Yuck, emoji warrior.

:I'll pick you up in one hour.

Problema nitong hapon nato? Wala man lang greetings? Kahit 'Hbd'???
Bat naman ako susunod sakanya? Sino ba siya? Yung taong gusto mo, yung laman ng wet dreams mo. Ay shete de mansinilya ka konsensya!

Wala sa sariling akong nag ayos -band shirt ng IVOS na parehas kami ni hentai, regalo niya sakin nung pasko. Kupal shirt daw ehe. Pinaresan ko ng jumper ripped jeans at ankle boots, nag aviators narin ako para sosyal.

May kumatok sa pinto at dali dali ko iyong binuksan, tumambad sakin ang nakangiting si Yosh. Suot niya rin yung bandshirt, ripped jeans at combat shoes, naka aviators din. Jusme may telepathy na ba kami? Dapat na ba kaming maging member ng telletubies?

"Our minds are connected." Ngiti niya, inirapan ko lang siya. Hindi niya ba naaalala na birthday ko? Hindi talaga? Naiinis nako ha!

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon