Behind 14

51 11 0
                                    

Kuya

Next week ay tapos na ang suspension namin ni hapon, ngayon ay kasalukuyan kaming gumagawa ng mga requirements at nagseself study ng mga lessons, online na binibigay ng teachers namin at siyempre may mga notes din galing sa tropa.

Badtrip ang noli me tangina.  Kasalukuyan akong nagawa ng research paper, Shutaness! Shuta nakakaines!

Nagsusulat ako sa center table ng bahay nila habang siya ay tipa ng tipa sa laptop niya.

"Hoy hapon!" Tawag ko sakanya, kasalukuyan akong kumakain ng gummy worms, yung green na may yellow? Yung maasim? Banana daw yon e uod kaya, tsaka yung LGBT na gummy worm, iba't iba kulay. Ayoko nung isa yung pula na mamantika? Ewie.

"Yes?" Tanong niya ng hindi man lang ako nililingon.

"Napagdaanan mo na tong noli diba? Pa help naman." Sagot ko.

"What is it?" Tanong niya, pilit kumukuha ng gummy worms kaya sinubuan ko nalang, more on sinungalngal hehe.

"May joke muna ko." Sagot ko.

"Hmm?" Tanong niya na akala mo'y excited.

"Anong sabi ni Rizal ng mahuli siya sa dapitan taong 1986?" Seryoso kong tanong.

"Consummatum est? It is finished?"sagot niya.

"Mali! Naholi me tengene! HAHAHA" Hagalpak ko ng tawa pero nagtataka lang siyang nakatingin sakin, di niya gets? Shuta naman.

"Nevermind!Sugar daddy ba ni maria clara si padre damaso?" Tanong ko. Naibuga niya ang gummy worm pero nasalo niya naman ito. "Yuck hentai, you're so dirty talaga!" Dagdag ko.

"Are you seriously asking me that?" Tanong niya pagtapos magpunas ng kamay at uminom ng tubig.

"Oo kasi close sila diba? Malay mo secret affair like MMMMMM kaya si padre damaso, Matandang Mayamang Madirty'ng Matabang  Malapit ng Mamatay tas uso na kaya 'papasang' noon? duh?" Sagot ko. Natawa naman siya.

"You should read the whole novel, or do you want me to spoil you?" Tanong niya.

"Ang haba katamad! Pero ano nga?"
Sagot ko.

"Padre Damaso Raped Maria Clara's mother." Sagot niya.

"Hala? Nako banal na aso pala yang si padre damaso, santong kabayo, natatawa ako hihihi." Pagkanta ko.

"They can fool everyone and sugarcoat their sins in the eye of everyone, but they can't fool God and hide their sins from God." Sagot niya.

"Pero may ganoon pala no? Even the last person you think will do bad things, can do worst." Sagot ko.
"Sabi mo nga before 'Every wrong doing has consequences'" dagdag ko.

"Naalala mo yon?" Tanong niya at kumaway nanaman ang dimples.

"Oo, lahat naman ng sinasabi mo isinasapuso ko e, Hindi na nga kasya ang dami." Sagot ko. Nagtakip naman siya ng mukha at sumilip sakin, nagtakip ulit at sumilip. Problema nito?

"Hoy! Parakantimang!" Tawa ko.

Tinapos nanamin ang mga paperworks, nagbabasa nalang kami ng mga lessons. Nakataas ang paa ko sa sofa at nasa sahig ang ulo, siya naman ay nakasandal sa sofa at nakaupo sa sahig bali upside down.

"Diba 16 kana?" Tanong ko.

"Yes, why?" Tanong niya at tiningnan ako. "hey don't do that, sasakit ang ulo mo." Dagdag niya.

"Opo kuya." Sagot ko. At umayos ng upo.

"Kuya?" Takang tanong niya.

"Mas matanda ka saakin e, tsaka yung kuya ko nadedo bago masilayan ng pretty'ng si ako kaya ikaw nalang kuya ko, siguro kung buhay pa siya kaedad mo yon." Ngiti ko.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon