Behind 16

37 10 0
                                    

Depressive Attack

Chapter theme: Sleep Tonight by December Avenue

Who am I that the highest king would welcome me,
I was lost but he brought me in,
Oh he's love for me,
Yes he's love for me,

Who the son's set free,
Oh is free indeed,
I'm a child of God,
Yes I am,

In my father's house,
There's a place for me,
I'm a child of God,
Yes I am,

Kasalukuyan kaming nasa church at nagpepresent, pagkatapos ay nagpalakpakan ang mga tao, pinuri at tinanong nila ako. Lahat sila ay kilala ko na, parang pamilya ang turingan.

"Commandment no. 3 : Honor thy Father and Mother," Pagpepreach ni pastora. "Alam niyo ba mga kapatid ang mga mapagmahal sa magulang ay binibiyayaan ng mahabang buhay." Dagdag niya. "Ang ating mga magulang ay ibinigay ng Diyos para tayo'y gabayan, kung mayroon mang tao dito sa mundo na hinding hindi tayo iiwan, ay 'yon ang ating mga magulang." Ngiti niya.

Buong maghapon, ay hindi ko nalimutan ang sinabi ni Pastora, Galit ako kay mama, Galit ako sakanya dahil sa ginawa niya saakin. Napatingin ako sa aking cellphone.

Mama (3217 messages)

Kamusta ka nak?

Miss ka na namin nila Abcd at Zei.

I love you anak.

I miss you.

Kailan ka uuwi dito anak?

Please visit us, Aei.

Miss na miss ka na ni mama.

Ni hindi ko man lang pinapansin ang mga messages niya.

Madelyn Ricafuente transferred 5,000 to your account.

Puro ganyan, hindi ko naman ginagalaw. Hindi ko naman kailangan ng pera niya. Napabuntong hininga ako, Lord bigyan niyo naman po ako ng sign kung dapat ko bang puntahan si mama. Magpa snow po kayo sa pinas as in ngayon na! Now na!

Napakaimposible naman niyon kasi summer na summer, tirik na tirik ang araw kasing tirik ng mata mo pag nagpipinger, chos!

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon