Behind 33

37 9 0
                                    

Wedding

Chapter Theme: Sa Ngalan ng Pag ibig by December Avenue

Kinabukasan ay nagising ako ng wala na sa tabi si Yosh, siya agad ang hinanap ng malalandi kong mata. Bumangon ako at naglibot sa bahay, walang katao tao, mabuti nalang nandoon ang maid kundi naligaw na ko. Naabutan ko si Yoshiro Franklin na chilliN lIkE a villAin ang peg habang umiinom ng kape sa dining, samantalang ako halos mamatay na kakahanap sakanya.

Lumapit ako at ngalingali siyang binatukan, "Good morning too, beh." Ngisi niya.

"Walangya ka, bigla bigla ka nalang nawawala." Naiiyak kong sagot, nawala ang ngisi niya, niyakap ako.

"Sorry na beh, nagkape lang eh." Alo niya saakin.

"Pangit mo, kupal ka." Tulak ko sakanya.

"Pangit ako talaga?" Tanong niya, ngumisi nanaman. Dahan dahan siyang naghawi ng buhok pataas, mapungay ang matang tumingin saakin, nakaawang ang labi at bahagyang naglipbite.

"Ginagawamue?" Tanong ko, tumayo siya at bahagyang itinaas ang sandong suot, gumiling.

"Hoy! Punyeta! Yoshiro Franklin!" Saway ko sakanya, at sinuntok ang sikmura. Tawa lang siya ng tawa.

Nang umagang 'yon ay naglibot kami sa hacienda, nagsuot lang ako ng summer dress dahil mas komportable iyon lalo na sa umbok ng tiyan ko nagsuot lang din ako ng gladiator ankle sandals at shades dahil summer sa bahaging ito ng Japan.  Si Yosh ay nag summer polo at cargo shorts lang.

Puro sila "Konnichiwa!" At yun lang din ang sinasabi ko, yun lang alam ko e. Alangan sabihin ko "Ugh, Ugh, Yamiteh, Kudesai, Senpai, Hentai." Diba? Edi nawindang sila, may mga Filipino ding trabahador na kinukuha pala nila, dahil may lahing pinoy sila.

Bawal na 'kong mangabayo, katya naglakad nalang kami, nagpakain ng mga hayop, tumingin sa taniman, hanggang sa narating namin ang talon sa dulo ng hacienda, malinaw ito at malinis halatang naalagaan.

"Ligo tayo, beh." Aya niya.

"Ligo lang ba talaga?" Akusa ko, bahagya siyang natawa.

"No." Ngisi niya.

Naligo kami sa Talon, at alam niyo na.

Pinaghanda pa kami ng tauhan nila ng tanghalian, mga seafoods at prutas, may pinya pero siyempre 'who you' siya sakin. Puro mga pilipino ang nasa bahaging iyon ng talon, kaya nakausap ko din sila.

"Hoy, punta kayo sa kasal ko ha." Ngiti ko, "Kung meron man." Sinamaan ko ng tingin si Yoshiro, bahagya siyang naubo. Nagpaparinig talaga ako, oo.

Alas tres ng hapon ng makarating kami sa mansyon, at agad akong nakatulog, badtrip magbuntis maya't maya antok, gutom at naiihi. Pero siyempre kiber lang para sa junakis hihi.

Hindi pa nalubog ang araw ng ginising ako ng katulong, pilipino si ate mo girl. "Ma'am, pinapagising po kayo ni sir." Saad niya.

"Sabihin mo, pakyu siya." Sagot ko, halatang nagulat siya.

"Charot! Masama magmura ha. Bad ka." Sisi ko sakanya tsaka tumayo, humagikhik siya.

"Asan ba 'yon?" Tanong ko.

"Ay ma'am sumunod daw po kayo saakin." Ngiti niya. Ang creepy!

"Hala gaga, para namang iaalay mo ang kaluluwa ko sa kulto sa ngiti mo." Sagot ko, humagikhik namaman siya, nakita ko tuloy ang dalawang ngipin niyang bungal sa harap.

"Beh, Its a surprise." Bahagya pa niyang ginaya ang boses ni yosh, ang tigas niya mag english mas matigas pa sa ano ni yosh kapag, ah -nevermind.

Sumunod ako sakanya, pumasok kami sa loob ng isang kwarto, nakita ko ang gaga'ng si Precious na nanganak na 2 months ago, ninang pa nga ako ng baby nila ni Dean si Christiana Angela, oh diba anghel na anghel? Tapos pag laki demonyo pala, chos. Agad akong napatili.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon