Behind 15

36 10 0
                                    

Natatakot

"Child abuse!" Sigaw ko. Tumawa lang siya. Sa inis ay umakyat ako sa likod ng pick up. Hindi naman ako galit na hinalikan niya ko no? Ako naman ang nauna, pero bat ang bilis? Wala man lang 5 minutes? Chos! lantod mo Aeiou!

"C'mon vowels, dito ka sa loob delikado diyan." Tawag niya sakin.

"Mas delikado ako sayo!" Sigaw ko.

"Ano ba!" Napasigaw ako ng bigla niya kong buhatin na parang sako at iniupo sa loob ng sasakyan. "Anong akala mo sakin sako?!" Sigaw ko sakanya. Tawa lang siya ng tawa.

"Ano bang problema mo? Nitong mga nakaraang araw para kang nireregla! Hindi kita ma-gets!" Singhal ko sakanya habang nagdadrive.

"I don't know either, I just don't want you calling me 'kuya'. I'm sorry if i made you cry kanina." Sagot niya.

"Kaya ka ba umeksena sa canteen?" Sagot ko.

"It's my peace offering I know you don't like stuffs like flowers, teddy bears or such. Mas natutuwa ka sa pagkain." Ngiti niya.

"Sinasabi mo bang patay gutom ako?" Singhal ko.

"Its not like that." Tawa niya.

Lumipas ang maraming araw at ganoon ang aming routine araw araw niya kong hinahatid at sabay kaming umuuwi, naging busy din sa school at nagpapractice kami sa papalit na battle of the bands.

"So what's the name of our band?" Tanong ko.

"Temptation." Suhestiyon ni Dean.

"Sixth Temptation?" Dagdag ni Drake.

"Huwag may number, may umaalis." Tawa ni Jarael.

"Tukso?" Tanong ni Yosh.

"Tinagalog mo lang e." Tawa ni Ally.

"Temptation it is." Suhestiyon ko.

"Angas." Dagdag ni Dean.

Basta maangas pakinggan pwede ng pambanda, mema kumbaga, walang meaning parang yung ginagawa niya sayo, assuming kalang lol.

Araw araw kaming nagpractice hanggang sa araw na nga ng BTOB.

ICT ang theme at emo emo kidz ang peg namin, lahat kami nakaitim, pati make up ay pang emo din. Tube-bra na itim,highwaist shorts na itim at leather jacket na pinares an ng knee boots ang suot ko. Si yosh ay black shirt, ripped jeans at leather jacket. Lakas makabadboi ng lolo niyo. Si Jarael ay black long sleeves with matching kadena, lakas maka 'oppa'. Kanya kanyang porma din si Dean, Drake at Ally.

"Do you really need to wear that?" Tanong sakin ni Yosh.

"Bakit? Anong masama? Angas nga e." Sagot ko.

"You're a eye catcher." Sagot niya napatingin naman ako sa paligid. Halos puro lalaki dahil nga 'banda.

"Hanggang tingin lang naman sila no, tsaka naglinis naman ako ng pusod duh?" Sagot ko na ikinatawa niya.

Tumayo siya at isinara ang jacket ko. Panira ng style ampt.

Kasalukuyan kaming natatakpan ng malaking kurtina, naka set up na ang lahat, ang mga gitara ay nakasaksak na sa amplifier, nagsound check narin, hinhintay nalang namin na ipakilala kami at tutugtog na, kinakabahan ako na naeexcite na ewan.

"Keri natin diz mga bebeboiz!" Pangchcheer ko sa kanila.

"Siyempre manager nandito ka e." Ngiti ni drake, sus crush mo lang ako e.

"Yiee harot!" Sagot ko sakanya.

"Pa good luck kiss naman" Saad niya na ngiting ngiti.

"Kiskisin ko mukha mo" banta ni Jarael.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon