Behind 29

18 4 0
                                    

Marry me

ESPIJI!

"Congrats my woman." Sinalubong ako ni Yosh sa parking lot, niyakap niya ko, binuhat at ipinaikot, tuluyan akong natawa.

"Sus! Ako pa ba?" Pagyayabang ko.

"My woman is boastful." Tawa niya at hinapit ako sa bewang.

"My woman ka diyan." Inirapan ko siya kasama ang ulo, paano ba kasi yung mata lang?

"Yes, you're my woman even though your height is pang kindergarten." Pang aasar niya, agad ko siyang binatukan.

"Kindergarten pala ha, di ka makakaisa sakin." Pananakot ko sakanya at nauna sa sasakyan.

"I'm sorry.", "Sorry na kasi.", " Kawawa ka naman." Pangungulit niya at bahagyang tinapik ang gitna ng pantalon. Jusme! Parang gusto kong magpalit ng jowa.

"You don't look happy." Puna niya sa pananahimik ko. "My junior can make you happy." bahagya siyang ngumisi kaya sinamaan ko ng tingin.

"Ang Horny mo talaga, Doc." Natatawa kong saad.

"Mas Horny ka AttHorney." Sagot niya na tuluyan kong kinatawa.

"What's bothering you my vowels, really?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko habang nagmamaneho.

"Naaawa kasi ako kay Theo." Sagot ko at napabuntong hininga. "Nagawa niya lang naman 'yon dahil kay Mary Jane, mahal niya kasi yung tao." Dagdag ko.

"And he's Autistic I can say." Sagot niya.

"Oo nga, para siyang si budoy at boyet no?" Tanong ko, bahagya siyang natawa.

"Don't worry too much, my vowels. You did well, you served justice." Bahagya niyang pinisil ang kamay ko.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya at inabot sakin ang kanyang cellphone, puro mga five star hotel, high end restaurants at kung ano ano pang mahal na lugar ang nandoon, kakain lang naman, itatae din naman iyon.

"Ang mamahal." Puna ko.

"Mahal kita, ganoon talaga." Bahagya siyang tumingin sakin at ngumiti, kinikilig tingle ko hanuba!

"Gusto ko ng matcha." Sagot ko, "Bukas pa ba yung matcha house sa kentutan?" Tanong ko.

"My woman's wish is my command!" Sumaludo pa siya kaya natawa ako.

May second floor na ang lugar, hindi nalang matcha ang nasa menu pero yun parin ang best seller nila. Kumain kami at nagkuwentuhan, marami pang nakakilala saamin at nagpapicture, pati saakin. Jusme! My love team na nga daw kami, "YoshAei".

Peymus na nga siguro ako, 1k likes na kasi pictures ko sa facebook, nakikipag Lbdp ako, chos! Gawain lang ng famewhore yon 'no duh?

Nang makarating kami sa condo niya ay agad akong dumiretso sa banyo, tutal may jacuzzi naman ang lolo niyo, nakigamit na ko. Nakakapagod ngayong araw, pero masaya kasi nakapag sara ako ng kaso. Nakakaawa lang talaga kapag hindi naman talaga masamang tao yung suspect, nagkasala lang.

Dinampi ko ang tubig sa balat at tama na ang init, naghubad na ako't lumusong sa tub. Nakatingin sa bintanang ceiling to floor, binuksan ko ito, wala namang makakakita dahil nasa penthouse kami at ito ang pinakamataas na building sa syudad. Ang yaman talaga ng jowa ko, hindi ko na kailangang ibenta sa bakla, chos!

Itinali ko ang buhok at ipinikit ang mata, maya maya pa'y bumukas ang pinto ng banyo. Nag angat ako ng tingin, si Yoshiro, may dalang wine at baso. Taray! Jacuzzi with wine ang peg, akala ko talaga dati matamis ang wine, hindi pala jusme! Scam! Inilapag niya iyon sa gilid at hinubad ang bathrobe.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon