Behind 9

56 15 3
                                    

Her/She (chocolate talaga.)

Behind Aeiou

Chapter Theme: Eroplanong papel by December Avenue

Idinilat ko ang nakapikit na mata. Siyempre ididilat nakapikit nga e duh? Wala akong maramdaman kundi pagod, at kawalan ng pag asa.

Nasa langit na ba ko? Kaso imposible yon demonyo ako e. So yun na nga napapaligiran ako ng puti. Takte ano bang nangyare?

Nakita ko ang isang lalaking natutulog sa gilid ng kama ko, nakalab gown siya at natatakpan ng buhok ang mukha. Ano to sadako doc version?

Hinawi ko ang buhok niya at nashooked ako na si hentai pala to,
"H-hentai," tawag ko sakanya habang tinatapik ang kanyang pisngi, napansin kong basa ito, ano to laway? So dirty naman pala ng hapon na to. Pero mukhang galing sa Mata? Naglalaway mata niya? Ewie.

"Hentai, yamiteh, kudesai, senpai" tawag ko.

Nagising siya at napangiti ng tingnan ako. "Aeiou! Gising kana!" Sigaw niya.

"Ay hindi tulog pa kaya nga nakamulat diba? Shunga much?" Sagot ko. Babatukan ko sana siya ng kumirot ang pulso ko. Napatingin ako doon at naalala  ang nangyari. I feel like crying.

Bigla akong umiyak, "B-bakit mo ba ko dinala dito?" Tanong ko, I should be dead by now. I shouldn't live. I shouldn't feel this pain by now.

"Aei" tawag niya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Dapat hinayaan mo nalang ako!" Sigaw ko sakanya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Kung hindi lang siguro ganito ang lagay ko, chinansingan ko na to.

"Shh, its okay, everything will be okay. I'm here, I'll listen." Sabi niya na bahagyang nagbigay saakin ng kaginhawaan. #makAtA

"Lalo akong naiiyak kakaenglish mo e" sagot ko, humiwalay siya ng yakap saakin at pinunasan ang mga luha ko. Bahagya siyang ngumiti at lumitaw ang dimples niya na kasing lalim ng ocean deep.

"May pagkain ba?" Tanong ko, natawa naman siya. "Seryoso, nakakagutom anong oras naba?" Tanong ko.

"Its 4 in the morning." Sagot niya at lumapit sa may mini fridge.

"Ha? Edi maghahanda nako papasok." Sagot ko. "Ay oo nga pala, suspended shuta." Dagdag ko.

"Suspended ka rin diba?" Tanong ko sakanya.

"Okay nga yon para mabantayan kita." Sagot niya habang nilalagay ang isang tupperware sa oven.

"Holo porontongo." Pag iinarte ko, tumawa naman siya. "Bakit ka nga pala naka lab gown? Pogi ka na niyan?" Tanong ko.

"Pogi naman talaga ko ah." Sagot niya na ikinagulat ko. Tiningnan niya pako habang naghihiwa ng prutas at ngumisi.

"Hala! Ikaw yata ang dapat nakaconfine sating dalawa e." Sagot ko at natawa lang siya.

"Kung sino ka mang nadimunyu ka umalis ka sa katawan ng hentai na fafa, sa ngalan ng beybi shark dododo" pagchachant ko habang nakataas ang kamay sa direksyon niya at tawa lang siya ng tawa.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon