Behind 6

68 17 0
                                    

Jowa

Sampal, sabunot, sipa, tadyak, palo, masasakit na salita yan ang lagi kong natatamo, ilang beses din niyang pinagtatangkaan ang buhay ko. Isang beses sinubukan niya akong painumin ng muriatic acid, ispray an ng insecticide, tutukan ng kutsilyo at sakalin.

"Normal ba para sa isang nanay na ganituhin ang kanyang anak?" Yan ang palagi tanong ng pitong taon na batang ako.

"Anak may sakit si mama" ani niya habang umiiyak.

Mahal niya naman ako e, pero may sakit siya.

"Mameh ayoko na po dito, kunin niyo na po ulit ako." Pagmamakaawa ko sa aking tiyahin.

"Kukunin ko na ulit siya, magpagamot ka muna. Natatrauma na ang anak mo saiyo madelyn ano ka ba?! Hindi mo na dapat siya kinuha saakin kung gaganituhin mo lang pala!" Umiiyak na sabi ni mameh nung araw na iyon.
Awang awa siya sa kalagayan ko, bugbog sarado, at hindi na makaiyak.

Nagising ako sa panaginip na iyon, panaginip na nagmula sa nakaraan ko. Winaksi ko nalamang sa isipan ang napanaginipan, wala namang bago, araw araw namang ganito.
Yuck ang drama, erase na nga shuta.

"Today is going to be a biatch day BWAHAHAHAHAHHAHA-" napatigil ako sa pagtawa ng maubo.

"Pota ang bilis ng karma," sabi ko habang umuubo. Napangiti ako sa katarantaduhan ko kagabi, at ngayon sasalubungin ko sila na parang member ng mean girls sa hallway.

Nag ayos na ako at lumabas na ng bahay, tiningnan ko ang bahay ni hentai at nakitang patay pa ang ilaw nito, kala ko pa naman founder sila ng meralco hmmp! Borlogs pa siguro ang hapon dahil napagod sa rehevehenge namin kagabi.

Itinaas ko ang palda ko at sumakay sa motor, gulat na gulat mung burat ang mga tao sa parking ng school. Ngayon lang sila nakakita ng nakataas ang palda at naghehello ang cycling na nakasakay sa bigbike?

"Little things guys, little things." Pagyayabang kopa at nagsimula ng maglakad papasok.

Mas maaga akong pumasok ngayon dahil nga may plano ako at idadawit ko si Dez, Precious, at Ishi para maging member ng mean girls.

Behind Aeiou (#1 Ricafuente/Insanity Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon