Chapter 4

34 0 0
                                    

"Malapit na anniversary niyo, ah?" Tumingala ako at nakita na si Roni lang pala. Nakita niya siguro lockscreen ko bago iyon pinatay at pinasok uli sa bag.

"Lapit na nga.." Kaming dalawa lang ang kumakain dito sa canteen, sa table namin, kasi wala iyong iba dahil tambak sila sa gagawin. Lalo na si Juno, inuna pa club kaysa sa iniwang activities sa kaniya kaya nandoon siya sa cubicle niya at tutok na tutok.

"Second na right? So, what's the plan?" She took a bite to her food.

I made a face in front of her. Why is she asking me these things now? Kahit na alam niya ang ginagawa minsan ni Ian, never siya nagkaroon ng interes na tanungin ako. Lalo na kapag hindi ko naman kailangan.

Does she know? May napapansin na ba siya sa akin? "Why did you ask?"

She scrunched her face, "Nothing. Masama magtanong?!"

Humalakhak ako sa narinig at kumain. Sinabi ko sa kaniya na may plano… si Ian. Pero ako ang wala. Akala ko nga magtatanong siya kung bakit hindi ako nagplaplano at buti nalang ay tinanong niya kung anong lugar ang pupuntahan namin.

Last year kasi ay sa Boracay kami nagcelebrate. Kaming dalawa lang for almost four days, at sa araw ng first year namin, he took me with a beach dinner. As in iyong may set up sa buhanginan katabi ang madilim na dagat.

Everything was so romantic... when you're in love. But if you're not? I don't know..

"Actually, I don't know. I just let him plan whatever he wanted kasi hindi ako makapag-isip.. Busy tayo sa trabaho kaya masakit ang ulo ko kapag uwian na.."

She casually nod her head. "Tama naman.."

Natahimik na kami. Akala ko ay hindi na siya magtatanong pero napatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla niyang binagsak iyong kubyertos niya sa plato!

"OMG! Naalala ko! May pupunta sa atin mamaya!" May bahid ng excitement ang mukha niya nang sabihin iyon. Kumuha ako ng tissue, nirolyo at binato sa kaniya iyon.

Bwisit, kailangan manggulat talaga? Buti nalang hindi tumapon sa akin iyong pagkain. "Sino naman at bakit ganiyan ka kaexcited?"

"Duh?! Hindi mo ba alam?!"

"Magtatanong pa ba ako kung alam ko?"

She rolled her eyes. "Maldita." Umirap pa siya uli. "Hindi kasi! Pupunta dito iyong kakilala ni Evan!"

"So?"

"Bakla, si Rajih Mendoza lang naman ng Midnight Cullen ang pupunta dito!" Sa sobrang lakas ng boses niya ay bigla nalang may mahabang matinis na tunog ang dumaan sa tenga ko.

Ano raw? Pupunta si Rajih?! "Girl, pupunta iyong nagfollow sa'yo sa IG!"

She even grab my hand and I can feel her excitement over her touch. "You're just joking right?"

My lips starts to feel numb because of what I heard. I recall what he sent me last night, before I went to bed. Damn. Hindi ko alam na tototohanin niya talagang makita ako dito dahil bibisita siya kay Evan.

"He's true to his words.." I whispered but she still managed to hear it.

"What? He told you about it?! Then why are you shocked?!"

"He did but I don't know he'll really make it!"

Buong lunch namin ay tulala ako at halos hindi naubos ang pagkain. Ang naging rason ko lang para ubusin iyon ay ayokong magalit si Ian kapag nalaman niya na hindi ko naubos iyong lunch na binigay niya.

Gulat man sa nangyari, inubos ko pa rin iyon at nagdasal na sana… Sana matraffic siya at hindi na niya kami abutan dito!

***

(Magnus Haven #2) Bad Life, Bad Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now